DOAN 20

3.3K 18 2
                                    


Diary of A Nymphomaniac



Tulog na tulog siya sa aking tabi habang ako naman ay hindi makapagpahinga dahil sa aking mga iniisip, alam na niyang buntis ako at paano niyang nalaman na siya ang ama ng dinadala ko? Hindi pwede ang bagay na ito. Hindi ako makakapayag. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang kanyang galaw umungol siya at inilagay ang kanyang kamay sa aking tiyan. Ramdam ko na ang kanyang hininga sa aking tainga. Kinikilabutan ako sa bawat galaw niya.


"You should sleep now that would be unhealthy for our baby—"


"Altus, hindi mo anak ang dinadala ko"  I cut him off, hindi ako sigurado kung si Altus ba ang Ama or si Zach, tho Zach doesn't know anything about the baby afterall. 


Hindi ko idinilat ang mata ko baka malaman niya pang nagsisisnungaling ako sa kanya. Naramdaman ko ang pag-ahon niya sa higaan bahagya kong iminulat ang aking mga mata natagpuan ko nakatingin siya sa akin. His hawk like eyes piercing through my soul, kailanagn kong gawin ang bagay na ito upang may mapatunayan ako sa aking sarili. Patawarin mo ako.


"Stop lying to me, this is my baby" giit niya. Ramdam ko ang sakit sa kanyang boses.


Umiling ako ng sunod sunod at mabilisang tumawo. Hindi pa man ako nakakaalis sa kama ay hinatak niya ako pabalik sa kanyang bisig, ngayon ay nakapatong na ako sa kanyang matigas na hita. My breathing hitched ginapos niya ako sa mga matitipunong bisig niya walang balak na pakawalan ako.


"Please, tell me, that you are bearing my child" madiin ang bawat bigkas niya na lalong nagpakaba sa aking sistema.


"Altus, hindi mo anak ang nasasinapupunan ko hindi ikaw ang ama nito! Nakipagtalik ako sa ibang lalaki habang nagkikita tayo! Nagpapakasasa ako sa sarap hindi ba't ganun ka din? Hindi lang naman ako ang babaeng naikakama mo habang nagsasama tayong dalawa hindi ba? Hindi ikaw ang ama nito 'yan ang sigurado ako—kaya itigil na natin ang kasal" Pinipigilan ko ang mga luhang nagbabadyang umagos, masakit man na sabihin sa kanya ang mga kasinungaling ito kailangan ko. Kailangan kitang saktan kahit na ayaw ko.


Mapatawad mo sana ako. Mas lalong humigpit ang yakap niya rinig na rinig ko ang malalalim niyang paghinga. Gusto kong umalis sa kanyang bisig upang hindi na ako masaktan pa pero ng maramdaman ako ang mabibilis na patak ng luha sa aking balikat ay nanigas ako sa aking kinauupuan. I froze at the moment he shed a tear for me, he's hurting. Altus Mercadi is hurting all because of me because I'm lying to him.


Now that he's hurting hindi ko mapigilang yakapin siya. Mahal na mahal kita Altus kailangan kong gawin ang bagay na ito para matigil na ang kahibangan ko. Kailangan kong isakripisyo ang pag-ibig ko para hindi ka na masaktan pa ng lubos. Hindi tumigil ang mabilis na pagbuhos ng kanyang luha napasinghap ako ng para siyang bata na nangangailangan ng aruga ng isang bata.


Kinukuyamos niya ang suot kong damit niya, habang walang tigil na umiiyak sa aking bisig, he's small curses made me tear also. Ang piit na ungol niya sa pag-iyak ang nagsasabi sa aking masakit ang mga salitang binitawan ko sa kanya.


"No. I'm the father of your child.." nangingig na sabi niya. "We're getting married, you're not going anywhere—with my baby. Please Priya, don't leave.. don't leave me. I'll do anything, please.. please.." Ang mga luha ko ay mabilis na nagbagsakan. I'm crying because of all the pain I've caused for him.

Diary of a Nymphomaniac (Mercadi Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon