DOAN 22

3.1K 21 1
                                    


Diary of a Nymphomaniac


Jennie's POV

Nakasandal ako sa aking sports car habang humihithit ng sigarilyo. Madaming tao ang dumadaan ngunit halos lahat sila ay walang pakealam sa akin at ganun din naman ako sa kanila. Tumikhim ako at sinipat ang malaking building na nasa aking harapan. Mercadi Cañeso Group of Companies. I bet his the CEO now huh? Pero siya ang CEO for the past years hindi kaya at pinalitan na siya ng kanyang kapatid?


I bet mas lalo silang yumaman umusbong talaga ng sobra ang negosyo nila at nakapagpatayo na sila ng iba't ibang malalaking establishimento sa buong bansa. Wow. Just wow, samantalang ako ay busy sa mga kagamitan sa ospital at sa paghawak ng scalpel sila naman ay umuunlad ng sobra sobra. Napangiwi ako ng bahagya. Ayos lang may sarili naman akong ospital. Isang taon lang ang lumipas pero ang dami nang nagbago simula ng mawala ka Priya.


Inupos ko ang sigarilyo ko at tinawag ang valet upang kuhain ang aking sasakyan. Hindi ko na siya inantay pa at kung ano ano ay hindi na ako nag-alinlangang pumasok sa loob. Everyone is looking at me. Why? I'm still young, wearing a tube top and a high waist maong skirt na hanggang hita ko lang ang haba with a pair of dolce Gabana booths. I look perfectly fine. 


Hindi ko na kailangan pa ng mga apo-appointment na 'yan dahil this is a surprised visit for Altus. Lahat ng nakakasalubong ko ay tumatango at nginingitian ako. Ganun din naman ako sa kanila. Nang makita ko ang opisina niya ay agad akong sumilip sa maliit na siwang nun. Wala siya? Saan kaya? Hindi ko naman nakita ang secretary niya kaya hindi ko natanong siguro ay mag-iintay nalang muna ako.


Umupo ako sa kanyang sofa at napangiti nang makita ang malaking portrait ng aking kaibigan sa kanyang opisina. Surely mabobored ako kung titignan ko siya ng ganyan pero dahil miss ko na siya ay hindi ako mabobored. Nagpasya ako na magbasa nalang ng magazine. I saw all of his magazines are under Time Magazine. Mukhang bigatin na nga siya ah? Being the leading bachelor in the country huh?


Most of the time he is in abroad kung hindi naman ay laging may mga bagay na kailangang gawin. Nagulat ako ng makita ang mukha ng kanyang kapatid! Binasa ko ang background niya na nakalagay sa mahabang pahina ng kwaderno. He studied Engineering, and ended up with Latin Honors! He's the one who proposed and made the Twin Tower in Kuala Lumpur! And he's in investments now, and apparently engaged, mauunahan na niya ang kuya kung ganoon, I heard that his fiancee is one of the money old rich heiress in Davao Citay.  Tanyag na tanyag na ang kapatid niya. Ced Aissen Mercadi.


Sa kabilang pahina ay angbabaeng kasama niya sa isang litrato she looks really familiar. Gwynn Felicity Deocades, his fiancee and the owner of La Isla Grande Escolastica and the most expensive most prestigious 5 star hotel La Fort, she also established the Scholars Café and Escolastica Academia what the hell? She's bigtime! Narinig ko na nga ang pangalan niyaSiya yung mabait na may ari ng isang malaking resort and island! Siya ang mastermind ng mga kabataang scholars na nakaka achieve ng magandang kinabukasan dito! She's a total genius! A person representing the poor, A person for the poor population ika nga nila. 


"Wow, jackpot!"


Natigil ako sa pangengealam ng may pumasok na babae. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang babaeng nasa harapan ko. Ngumiti lang siya sa akin at dumiretso sa table ni Altus. Is she the secretary of Altus? Bago? I even remember her face! Siya yung babaeng naka switch ni Priya nung kasal nila! Umupo siya sa mamahaling swivel chair ni Altus at matamis na nginitian ako. Napakunot ako ng noo.

Diary of a Nymphomaniac (Mercadi Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon