Woops. Nakatulog pala ako... Paggising ko, tumingin agad ako sa labas. Di ko alam kung nasan na kami. Madaming puno, eh. "Uy, nasan na tayo?" Biglang tanong ko.
"Sto. Tomas, Batangas." Sagot naman niya. Umupo ako ng maayos.
"Waa! Nasa Batangas na tayo?! Ay! Ang bilis naman!" Sabi ko naman. Napangiti si Yun Joo.
"Pa'no hindi magiging mabilis, eh, tulog ka." Tapos medyo tumawa siya ng mahina. Ngumiti naman ako.
"Oo nga pala. Eh... Hanggang anong oras ba tayo dito? Hindi na ako nakapagpaalam kay Sir Jake. Baka pagalitan ako nun." Sabi ko. Hay naku! Masaya mang maggala baka naman masibat ako sa trabaho ko!
"Don't worry, my dad had already settled about your work. He talked to Jake and asked to excuse you for a week." Sagot ni Yun Joo. Napatingin ako sa kanya.
"A week?! Ganun tayo katagal dito sa Batangas?! Baka naman wala na akong balikang trabaho sa Makati!" Maktol ko bigla.
Tumawa ng konti si Yun Joo. "Wag ka ng mag-alala. Si dad na ang bahala don. Kumuha na muna siya ng tauhan namin na gagawa ng trabaho mo hanggang sa makabalik ka." Paliwanag niya. Hala! Kakabigla naman lagi itong pamilyang to! Tsk. Tsk. Wala na ata talagang magawa sa pera nila! Ahaha! (
Maya-maya tumigil na ang sasakyan. Nadito kami sa...
"Uy, nasan ba tayo?" Tanong ko... Tapos... Nakita ko yung company name. YKK? Hala... Yung lugar parang pamilyar... Parang napuntahan ko na 'to. It feels ancient... Bakit kaya? "Feeling ko narating ko na 'to." Sabi ko.
"Nasa YKK, Sto. Tomas branch tayo. Pagmamay-ari ito ng mga Laurel. Originally from Japan. Branch lang ito dito sa Philippines." Paliwanag ni Yun Joo. Tapos naglakad na kami mula sa parking.
"Grabe... Familiar talaga... Naaalala ko na ata yung memories natin nung bata pa tayo." Sabi ko. "Ikaw ba?"
"I don't remember anything." Sagot niya lang. Psh. Kaasar naman isang 'to. Feeling ko bumabalik nga ang alaala nung kabataan ko. May kasama akong batang lalaki na naglalaro dun sa may parking pati sa may damuhan. Yun ata kaming dalwa ni Yun Joo. Nakakatuwa. Kaso, hindi ko maalala kung anong pangalan nung bata. Hay naku! Ang cute... Naaalala ko na nga ang aming childhood!
Habang naglalakad pa rin kami. May nakita kaming... Gwapong lalaki!!! Hala! Ang gwapo naman nun! Nakangiti siya at palapit sa'min.
"Yun Joo!" Bati nung guy. "Hisashiburi." Sabi ulit nung guy. Ano daw?? Japanese yun, ah! Japanese ba 'to?
"Hai. Mata aete yokatta." Sagot naman ni Yun Joo.
"Dozo yoroshiku." Sabi nung guy na gwapo. Tapos nagsmile sila sa isa't-isa. Hello! Earth to them! May pilipinong hindi makaintindi sa kanila! Present!
"Ehem." Tumikhim na ako para mapansin nila.
"Ah..." Napansin naman ako ni Yun Joo. "Nicko, this is Hime. Hime... He's Nicko, my best friend." Pakilala ni Yun Joo.
Nagshake hands kami ni Nicko. Ang gwapo mo! "Hello. Nice to meet you." Sabi ko.
Nagsmile siya. Hala! Pamatay ang ngiti, o! "Nice to meet you, too. You are?" Nagkatinginan kami ni Yun Joo, tapos tumingin si Nicko sa'ming dalwa.
"She's my fiancée." Sagot ni Yun Joo.
"Oh. Is that?" Tanong ni Nicko. Nagnod si Yun Joo. "I thought so. Siya pala yung nakwento mo." Tapos nagsmile si Nicko sakin.
"Yeah, she is. Kakagaling lang namin sa Han properties. Pinaderetso na kami ni dad dito." Paliwanag ni Yun Joo.
"Ah. Nag-tu-tour pala kayo." Nagngitian sila. "Si Hyo Jun nga pala?" Bigla iniba niya yung usapan.