continuation 6

561 16 2
                                    

...Reika's POV...

Matagal ko nang napapansin ang tungkol sa pagtingin ni Yun Joo kay Auri... Gusto kong itanong sa kanya kung mahal niya si Auri... Kaya lang natatakot akong oo ang sagot niya. At baka iwanan niya ako, dahil halata namang mahal din ni Auri si Yun Joo... Natatakot talaga ako... Kasi baka hindi na siya sumama sakin sa London. Ayokong mabuhay ng mag-isa... Baka kasi karma na 'tong nangyayari sakin sa pang-iiwan ko sa isang taong mahal na mahal ako... Minahal ko din siya... Pero kelangan ko siyang iwan dahil hindi sapat ang pagmamahal ko sa kanya... Nakilala ko kasi si Yun Joo... Na in love ako ng sobra sa kanya... Kaya iniwan ko ang taong sobrang nagmahal sakin...

Si Sung Jae Woo...

Nagkita kami nung isang araw... Kausap niya si Auri... Napatingin siya sakin at halata ang galit sa mata niya nang makita niya ako... Gustong ko siyang makausap. Gusto kong magsorry sa biglaang pang-iiwan ko sa kanya.

Pumunta ako sa Export Bank para makaharap si Jae Woo. Kelangan ko na siyang makausap.

Pumasok agad ako sa building diretso sa elevator papunta sa office niya.

"Can I help you, Ma'am?" Tanong ng secretary ni Jae Woo. Well... I saw it in the table, kaya nalaman ko.

"Yes, can I talk to Mr. Sung?" I asked with authority. Mukhang natigatig siya sa presensya ko kaya napatango siya.

"He has no appointment nor meeting today. Why do you want to talk to him, Ma'am?" Usisa pa niya.

"I'm... I'm his ex..." Naghehesitate na sabi ko.

"Oh... You may proceed then, ma'am. I have no right to intrude about his personal life." Sabi niya ulit.

"Thank you." Sabi ko tapos pumasok na ako.

"What?" Pasupladong sabi ni Jae Woo tapos iniikot ang swivel chair. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. Sabay tayo. "What the hell are you doing here? Pa'no ka nakapasok?!" Cold ang pagkakasabi niya.

"Jae Woo... Please... I want to talk." Pakikiusap ko.

"Talk?! You should have done that before you left me with no any reason!" Galit na sabi niya.

"I'm... I'm sorry... Look, sorry kung nasaktan kita... Minahal naman kita, eh... Kaso hindi kasing laki ng pagmamahal na binigay mo. Please, forgive me, Jae Woo." Naiiyak na ako. Ayokong magalit siya sakin. Gusto kong bumalik sa pagiging magkaibigan kami... Sayang kasi, eh... I'm his best friend...

"Forgive you? Forgive you?!" Napabuntung-hininga siya. "How the hell can I forgive you?! Reika... You left me... You hurt me..." Umiiyak na talaga ako. "Do you know how much it affects me?! You ruined my life!" Sigaw niya. "Marami akong pangarap para sa'tin... Tapos, I'll see a single note in my desk telling that my girlfriend left!" Inihagis niya yung folder na nasa desk niya.

"Jae Woo.... Please... I'm sorry... Alam kong wala akong magagawa para paghilumin ang sugat na ginawa ko sayo... Pero please... I wanted to be your friend... Your best friend... Again." Napatingin siya sakin.

"Are you happy now?" Medyo mahinahong tanong niya. Tumango lang ako. "Buti ka pa... Because my life... My life was so messed up! All because of you!" Paninisi naman niya.

"Will you stop blaming me?!" Sigaw ko na rin. "Pwede ba! Dapat nung iniwan kita, binago mo na ang sarili mo! Dapat kinalimutan mo na agad ang babaeng walang kwentang katulad ko! Maraming mas deserving sa'yo, Jae Woo! Have you seen yourself!? You're beautiful, Jae Woo!" Nakatitig na siya sakin. "Iwan mo na ang past... May magandang future para sa'yo... Alam nating pareho na mabuti kang tao... Successful ka... Makukuha mo ang lahat ng gusto mo... Magiging masaya ka din... Mahahanap mo ang taong para sa'yo..." Mahinahon na kami pareho. Naiyak na kasi siya. Hindi ito ang unang beses na umiyak siya sa harap ko. I'm with him when he lost his mother... Kaya I hated myself when I left him. Niyakap ko na siya. "I'm sorry, Jae Woo... Kaya nangyari yon... Kasi hindi ako ang tamang babae para sa'yo... Magpasalamat ka na iniwan kita... Kasi unworthy ako sa pagmamahal mo..." Nagbitaw na kami sa hug.

^.Gift of Fate.^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon