Nagkatinginan kami ni Yun Joo. "Hi." Bati niya. Wow. Nabati na siya ngayon? Haha.
"Hi." Balik ko naman. Parang tinamad lang akong bumati.
"Maiwan ko na muna kayo." Sabi ni Tito tapos tumayo siya at umalis na. Tumayo na din ako para umalis na sana, kaso...
"Nagmamadali ka?" Tanong bigla ni Yun Joo. Nilingon ko siya tapos umiling ako. "Can you spare a time?" Napabuntung-hininga ako, tapos naglakad pabalik sa inuupuan ko kanina. Si Yun Joo naupo sa tabi ko.
Hindi ko talaga siya kayang tanggihan. Tsss. Kaasar. "Bakit? Anong kelangan mo? Wag mong sabihing may pupuntahan na naman?" Tanong ko agad.
"Wala. Hindi pa ako nakakasagot sa una mong tanong may iba ka ng hirit agad." Tapos medyo tumawa siya. Anong nakakatawa dun? Tss.
"Eh, ano?" Tanong ko ulet.
"Si Reika..." Simula niya... Teka, parang gusto ko nang umalis. Mabanggit pa lang ang pangalan nung girlfriend niya, nanghihina na ako. Hindi ko na ata kaya. "I'm going to tell my father about her... Tonight." Salaysay niya.
Shit! Mamayang gabi na??? Ibig sabihin mamaya na din matatapos ang kaligayahan ko? Ouch!!! "Ah... Talaga? Congrats." Sarcastic na sabi ko.
Tinitigan niya ako. "Aren't you happy? Hindi ka na matatali sakin. Hindi ka na mapipilitang magpakasal. Isn't that good?" Good?! Anong good don?! Sira-ulo ka palang loko ka, eh! Gusto nga kitang pakasalan, eh! Nakakainis! Ganito ba siya kamanhid!? Nakakaasar! Gusto kong magwala, umiyak, sumigaw, manampal, manuntok! Naiiyak ako!!! "Are you okay? Are you crying?" Puna niya bigla.
"Oo naman. Good for you. Mabuti pa nga sabihin mo na. Masaya lang ako para sa'yo, kakaiyak kasi hindi na ako mapipilitang magpakasal." Sabi ko na lang. Ang sakit... Lahat ng binibitiwan kong salita sinasaktan ako... Gusto kong malaman niya ang nararamdaman ko... Pero takot pa rin ako... "Aalis na ko, Yun Joo." Biglang sabi ko. Tapos sabay tayo.
"Wait, gusto sana kitang isama habang sinasabi ko kay dad ang tungkol kay Reika." Nanlaki ang mata ko. Ano daw????!!! Sira-ulo talaga 'to! Papatayin niya ba ako?! Wala na ba talaga siyang awa?!! Gusto niya bang makitang unti-unti akong namamatay habang sinasabi niya sa tatay niya na the wedding is off?!
"Ayoko." Matipid na sagot ko. He stared at me. "Sorry. Kung sasabihin mo man ang tungkol sa gilfriend mo, ayoko. You do it alone. Hindi naman ako kasali don, so bakit isasama mo pa ako?" Nagpipigil lang akong umiyak habang sinasabi ko 'to.
"Kasali ka dito. Since the beginning it's been always about you. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito ka. Ikaw din ang dahilan kung bakit namomroblema ako tungkol kay Reika." Nanlambot naman ako dun. Sinisisi pala niya ako... Kasi nage-exist ako... Parang ganun... Nahihirapan siya kasi nandito ako. Masaya sana siya kung wala ako... Grabe. Ang sakit. Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko. Tapos si Yun Joo surprised yung expression niya. Nagulat siguro siya kasi napaluha ako. Tumalikod na ako tapos umalis na. Di ko na pinansin kung anong iisipin niya. Dire-diretso lang ako.
...Yun Joo's POV...
Damn it, Yun Joo! You made her cry!
I'm really sorry. I didn't mean to make her cry. Nabigla lang ako kaya nasabi ko yun. I didn't intended to make her cry.
Ang laki kong tanga! It's obvious na nasaktan siya dahil sinisi ko siya tapos di ko man lang siya hinabol para humingi ng sorry. What's your problem, man!?
Nasa Nihonbashitei ako ngayon... Dito kasi ako natambay kapag may iniisip ako bukod dun sa rooftop.
"Hey, problem?" Napalingon ako nang may magsalita. Ngumiti yung guy, tapos umupo sa harap ko. "Meeting anyone?" Tanong ulit niya.