continuation 7

513 15 1
                                    

Inabot na kami ng gabi sa pagkukwentuhan sa may Conti's. Buong araw silang magkatabi ni Jae Woo! Ampf! Selos naman ang lolo niyo! Tsss. Anyway, nalaman ko na ex pala ni Jae Woo si Reika. Galit na galit siya dati kay Reika kasi iniwan siya --ang chimoso ko no? Hehe-pero okay na daw sila ngayon. Si Hime kasi! Ang chismosa! Napakwento tuloy si Jae Woo! Ayan... Inabot kami ng gabi.

Umalis na si Jae Woo, so naiwan kami ni Hime, malamang! Haha! May importante pang gagawin si Jae Woo, eh. May meeting ata siya ngayong gabi. "Tara, ihahatid na kita." Yaya ko na sa kanya.

"Huh? Ah... Sige." Tumayo na kami tapos nagcommute kami papunta sa hotel. Nauna na kasi yung sinakyan namin, eh! Tumanggi kasi si Hime na magpahatid kasi gutom pa siya! Ewan ko nga rin ba kung bakit ako na inlove sa babaeng 'to? Siguro dahil ganito siya... Haha!

Nang makarating kaming hotel sumakay kami sa BMW ko para ihatid na siya pauwi. "Uy, angh tahimik mo, eh." Puna ko.

"Ha?... Ah..." Napanod lang siya. Bakit kaya? "Na-miss ko lang bigla si Yun Joo." Sagot niya. Ouch! Si Hyung pa rin ang gusto niya... Ang mahal niya...

Ako yung lagi niyang nakakasama... Nakikita... Nakakabiruan... At naghihintay sa kanya... Pero, si Hyung pa din ang mahal niya... Ano ba yan! Di naman dapat ako magdemand na mahal niya na rin dapat ako, eh! You're a nice guy, Hyo Jun...

"Sorry, ha? Naeewan lang ako! Ano ba yan!" Tapos she's slapping her cheeks. Pero din naman malakas. "Nasisiraan na naman ako! Kasi naman, eh!..." Tapos medyo nalungkot siya.

"Okay lang yan... Natural lang na mamiss mo yun, 'no. I'm sure halos mamatay na din yun sa pagkamiss sa'yo." Nakangiting sabi mo. Shit, Hyo Jun! You're killing your self!

Tumawa siya bigla. "Sira ulo ka!" Tapos tumawa na naman siya. Bakit ba siya natawa? "Nakakatawa ka naman! Buti na lang nadyan ka lage! Hindi na ako malungkot!" Napangiti naman ako dun. At least I made her happy.

...Auri's POV...

Nakarating na kami sa bahay. Agad na nagpaalam si Hyo Jun. May iche-check pa daw siya sa hotel, eh. Ano ba yan... May dalwang napasabit nang dahil sakin. Ang bad ko! Porket rest day ko ngayon, pati sina Hyo Jun at Jae Woo ginulo ko! Hehe. Ayoko naman kasing magpakaburo sa bahay, lalu lang akong malulungkot.

Nami-miss ko kasi si Yun Joo... Namimiss ko na yung mga kalokohan kong ginagawa sa kanya... Pati yung pagsasound trip ko gamit ang radyo ng kotse niya... I miss everything. Buti na lang ang dalwang close friends ko! Pa'no na ako kung wala sila?! Waaa! Haha!

Napapangiti ako kapag kinocomfort ako ni Hyo Jun... In love ba ako?? Hindi naman siguro... Napapangiti nga niya ako... Pero si Yun Joo naman ang namimiss ko. Hay...

Isa lang ang gusto kong malaman... Bakit hindi na pwedeng bumalik si Yun Joo sa Pilipinas? Ano bang meron? May pakiramdam kasi akong may itinatago sila sakin. Kahit magvisit hindi pwede? Bakit naman? Kahit sina Tita Shirley at Tito William hindi nila sinabi sakin, eh...

...Kinabukasan...

"Oppa!" Tawag ko kay Kuya Gin. Napatingin sakin si Kuya Gin tapos nakakunot ang noo niya.

"Anong itinawag mo saken?" Tanong niya.

"Oppa?" Sagot ko naman.

"Anong Oppa?!" Nakakunot ang noo niya.

"Kuya yun in Korean!" Sabi ko naman!

"Bakit?? Korean ka ba?!" Umiling ako. "Hindi pala, eH! Ayan! Sama ka kasi ng sama kina Hyo Jun at Jae Woo! Tingnan mo, para kang Korean-wannabe!" Sermon niya sakin.

"Eh, para sosyal! Ang cute kaya pakinggan, Oppa! Hahaha!" Tapos tumawa ako ng malakas.

"Ewan ko sa'yo. Magbihis ka na nga. Ihahatid na kita sa Smart Tower." Dismiss na lang ni Kuya sa kalokohan ko.

^.Gift of Fate.^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon