continuation 5

578 16 1
                                    

"They didn't like me, do they?" Tanong agad ni Reika sakin.

"Of course they did. Sorry about dad, though." Sabi ko na lang. "Hindi ka pa kasi niya kilala. Pero pag nagtagal, I'm sure he'll like you." Pag-a-assure ko.

Nagsmile si Reika. "Salamat. Sana nga. I like Auri... You're right. She's nice. I can feel it." Sabi niya. "I want to get to know her more. So as your mom. She's really accomodating." Segunda niya. "I'm hoping to get along with your dad."

"I told you." Hay... Sana nga... Sana nga makasundo niya si dad.

...Auri's POV...

Grabe! Gustung-gusto ko nang umiyak habang nadun ako sa loob! Pinipigilan ko lang talaga!!! Feeling ko kapag nagsalita ako bigla na lang ako maiiyak! Ganun pala ang feeling nang pinapakilala sa'yo ng fiancée mo ang girlfriend niya! Napakasakit talaga... Noon pa nga lang na hindi ko pa kilala sa personal si Reika nasasaktan na ako... Eto pa kaya! Wala talaga akong laban don! Dun palang sa pisikal na anyo, sa posture niya, way ng pagsasalita niya... Halata ang class... Wala akong karapatang agawin si Yun Joo!

"Hija..." Bumalik ako sa realidad pagtawag sakin ng mama ni Yun Joo. Napatingin ako sa kanya. Mukhang nag-aalala siya sakin. "May problema ba?" Tanong niya. Palabas na kami ng hotel.

Umiling ako. "Ayos lang po ako." Tapos pinilit kong ngumiti. Sumakay na kami sa car nila. May sariling driver sina Tito, pero si Tito William ang nakaupo sa passenger's seat. Si Tita naman at ako ay magkatabi sa likod.

"You don't look okay to me." Singit naman ni Tito. "I know how you feel, Hija. Alam ko namang nasasaktan ka, kaya ipinakita kong hindi ko gusto si Reika." Napatingin naman ako sa sinabi ni Tito.

"Hindi nyo naman po kelangang gawin 'yun. Matagal ko na pong alam na may girlfriend si Yun Joo, tanggap ko naman po. At alam kong mangyayari ang araw na 'to." Sagot ko na lang.

"Why didn't you told us about them, then? Hindi ka sana nasasaktan ng ganito? Kung sinabi mo agad, hindi na sana umabot pa sa puntong na-in love ka na sa kanya." Sabi ni naman ni Tita. Napatingin ako sa kanya. Parang naiiyak na ako. "Ayokong makita kang nasasaktan, Hija. Itinuring na rin kitang anak... At gusto kita para kay Yun Joo..." Niyakap na ako ni Tita.

"Salamat po. Hindi ko naman po gustong pilitin si Yun Joo na ako pa rin ang piliin. Kahit naman po maaga ko pa ring sinabi alam kong mai-in love pa rin ako sa kanya. Masasaktan pa din ako." Paliwanag ko. Naks naman! Close na close kami ng parents ni Yun Joo, ah! Sa kanila pa ako nagbubuhos ng hinanakit. Samantalang kay Yun Joo naman... Hindi ko man lang masabi na nasasaktan na ako... Hay nako... Nagbitaw na kami ni Tita sa hug.

"Alam mo bang malapit ng umalis si Yun Joo?" Biglang nalungkot si Tito William habang tinatanong niya yon.

Tumango ako. "Opo... Wala naman po akong magagawa kung ayaw ko mang umalis siya. Tsaka, kasama niya si Reika." Malungkot na sagot ko. Parehong nakatingin sakin ang mag-asawa. Bakit parang feeling ko may gusto silang sabihin sakin kaya lang parang hindi nila masabi? Ano kaya yun? Hmm... Bakit ganito ang tingin nila sakin? Di ko gets. Ano bang meron? Anong problema? Tungkol ba sa pag-alis ni Yun Joo?

"Hija..." Sabi ni Tita. "For good na si Yun Joo sa London." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano daw?? Pag punta niya don, never na siyang babalik..." Malungkot na sabi niya. Parang naiiyak na si Tita. Bakit??? Hindi na talaga??? EVER???!!! Bakit?! Sabi niya dadalaw daw siya!? Kaya pala ganun sila makatingin sakin. Natahimik kami at napansin na nakatigil na ang sasakyan... Nasa Shangri-La na kami.

...Shangri-la Hotel...

"S-sige po, Tito, Tita. Salamat po ng marami." Nagpaalam na ako sa kanila. "Ingat po." Tapos lumabas na ako ng kotse. Dire-diretso na ako sa loob ng hotel. Hindi ko na alam kung saan ako papunta... Nasa C.R na pala ako. Nagpunta ako sa cubicle... Umiyak ako ng umiyak.

^.Gift of Fate.^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon