Chapter 11 - Hello! Hello Kitty

451 54 15
                                    

 ~ HELLO! HELLO KITTY ~

 

"A wild hot erotic kiss," he whispered in her ear.

Sunod-sunod ang paglunok ni Justine. Hindi lang dahil sa sinabi nito kundi pati na rin sa init ng hininga nito na dumapi sa kanyang balat na siyang nagpainit sa kanyang katawan.

Pagkuwa'y humarap muli sa kanya si France at mariing tumingin sa kanyang mga mata.

Ilang dali na lang ang pagitan ng mukha nila sa isa't-isa at isang maling galaw niya lang ay maaaring maglapat ang kanilang mga labi.

Wala na siyang ibang maisip na maaring gawin kaya napapapikit na lang siya. At hinintay niya lang ang kung anumang balak gawin sa kanya ni France.

Bumilang siya hangang sampu ngunit wala pang ring nangyayari. Walang ginawang kahit ano'ng aksyon ang binata. Ngunit nanatili pa rin ang distansya ng mukha nila sa isa't-isa.

Napadilat siyang muli.

And with that, he kissed her.

Napatulala lang siya habang hinahalikan siya ni France.

Katulad ng dati ay nagpaubaya na lang siya sa binata at tumugon sa mga halik nito. Hindi naman siya marunong humalik. Itong feelingerong unggoy nga ito ang first kiss niya.

At hindi niya inakalang ito rin ang magiging second, third at ngayon fourth kiss niya. At katulad noong hinalikan siya nito sa mansyon ng mga Escuedero ay hindi niya mapigilan ang sariling hindi tumugon sa mga halik nito.

Her mind said push him away put some part of her said the other thing.

Nakakadala naman kasi talaga ang paghalik nito. Halatang eksperto.

Nasa kalagitnaan palang siyang nang pagdama sa sarap ng pinagsasaluhan nila nang huminto si France sa paghalik sa kanya.

Napaangat naman siya ng tingin dito. Lumayo ito ng bahagya sa kanya.

"Ngayon alam mo na ang mangyayari 'pag nagsinungaling ka pa ulit," sabi nito habang may naglalarong nakakalokong ngiti sa labi.

Napamaang lang siya.

EVIL: Ayos! Dapat pala lagi kang nagsisinungaling kay Hubby France para lagi tayong makakatanggap ng mainit at masarap na halik mula sa kanya. OH-HUH! Diba may maganda ring naibubunga ang pagsisinungaling?

GOOD: Hmm! Ang bad mo talaga! Masamang masinungaling.

EVIL: Tsk! Echosera! Nasarapan ka rin naman sa pagsisinungaling . . hmmp!

Naglakad na paalis sa kanyang harapan ang binata. Ngunit hindi pa man ito nakakalayo nang tuluyan ay muli itong humarap sa kanya.

JUST the Girl [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon