Chapter 20 - Warning!

341 22 12
                                    

          ~ WARNING! ~

WATCH YOUR BACK

Maikli lang ang nakasulat sa isang kapirasong papel na nakita ni Justine sa loob ng kanyang locker pero nagdala iyon ng kaba sa kanya. Hindi niya alam kung kanino galing iyon pero ang lakas nang pakiramdam niya na may kinalaman ‘yon sa kanila ni Kean.

Pero pa’no? Hindi nga sila nagdadate eh. Hindi sila lumalabas dahil ayaw niyang magkaroon ng isyu. Ayaw niyang masira ang pangalan ng mga Escuedero dahil sa kanya.

“Are you okay?” tanong ni France.

“Yeah. . . I’m just a little bit tired.”

“But you look pale. Are you sick?” Hinawakan nito ang noo niya upang tignan ang temperatura ng kanyang katawan.

“I’m okay.”

“Are you sure? Baka naman may ibang masakit sa’yo?”

“Okay lang ako ano ba.” Hindi niya mapigilan mapangiti sa pag-alalang rumehistro sa mukha ng asawa. Hinawakan pa siya nito sa magkabilang braso, sa tiyan at sa kamay. Mukha itong hindi mapakali dahil sa kanya.

“Ano bang date ngayon?”

Napataas ang kilay niya sa tanong nito.

“Date? Bakit?”

“Baka kasi . . . red days mo.” Bigla na lang pinamulahan ng mukha si France at umiwas ng tingin sa kanya.

“Hindi pa naman. Baka malapit na.” Natatawang sabi niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ito sanay sa ganong bagay. Ilang beses na bang tinatagusan siya na ito ang unang nakakakita? Mas alam pa ‘ata nito ang araw ng kanyang menstruation kaysa sa kanya. Hindi niya kasi ugaling tandaan ang mga ganung bagay.

“Ano ba kasing nangyari sa’yo? Bakit mukha kang may sakit? Wala ka ba talagang ibang nararamdaman?”

“Pagod lang ako. Wag kang OA d’yan Francisco.”

He hissed. Pinaandar na nito ang kotse.

“Lately mukhang ang dami mo ng free time ah. Wala ka bang photo shoot? Or shooting for a commercial?”

“Wala.”

“Two weeks na mahigit ah. . . . don’t tell me la— .” 

“Nag-quit ako.”

“WHAT?!? Bakit? Paano? Ano’ng nangyari?” Sunod-sunod niyang tanong.

JUST the Girl [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon