Chapter 14 - Torn Between Two Lovers

442 43 13
                                    

AUTHOR's NOTE:

Hi @nazyline / Zyssy . . salamat sa dedication. . hehehe thanks for being my FB friend. . whahaha. MORE WAX PA!!! hehehe.

At ikaw Mirza Matiga Loberiano saan ka man naroroon sana mabasa mo ito. Nilagay ko na yung 1st stanza at 1st refrain ng HOW CAN I HEAL A BROKEN HEART? dito. . hahaha inuunti-unti ko talaga ang pagbuo ng kanta mo. Anyway, salamat muli sa pagpapahiram ng iyong magandang awitin. . whahaha LOVE YOU. (P.S. Parang awa mo na, i-record mo na ulit yung kanta nang makagawa ako ng Music Video. Salamat)

Anyway guys salamat sa patuloy na pagbasa ng JTG kung may natitira pa sa inyo.

READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW.

Salamat ^_^

____________________

           ~ TORN BETWEEN TWO LOVERS ~

SEE YOU ON SATURDAY.  ^_^

Napabuntong hininga si Justine. Kanina niya pa natanggap ang text message na ‘yon mula kay Leigh ngunit hindi niya pa rin alam kung magrereply ba siya o hindi. Ano’ng sasabihin niya?

Iniimbitahan kasi siya ni Leigh sa birthday nito sa susunod na Sabado. Hindi niya alam kung pupunta ba siya o hindi?

Parang panglimang araw palang ngayon sila nagkakilala nito pero kung ituring siya ng dalaga ay para na silang tunay at matagal na magkaibigan.

Wala namang problema do’n. Siya rin naman ay ganun na rin kaagad ang tingin at turing niya kay Leigh. Sa totoo lang ay malayo sa ibang mga anak mayamang nakakasalamuha niya sa WBIS si Leigh.

Para lang itong si Fei, mayaman pero walang arte sa katawan at masarap kasama. Ang bait kasi nito at madaling pakisamahan. Marami ring mga bagay at hilig na magkasundong-magkasundo sila.

Pero hindi siya talaga makapagdesisyon. Wala naman siyang mga kilala do’n.

GOOD: Malamang naman na nandoon si France, kaya ‘wag kang mag-alala.

Yeah! Surely her husband will be there at the party. Nalaman niya kasi na magkababata ang dalawa. At si Leigh ang babaeng kasama ng asawa niya sa larawan.

Hindi naman sa chismosa siya o ano, pero tingin niya talaga napaka-espesyal ng dalaga sa asawa niya. Siguro kung di lang sila pinilit magpakasal ng mga magulang nila, si Leigh malamang ang nasa katayuan niya ngayon.

EVIL: Selos ka naman? XD

“Tsk! Joke ‘yon?!? Sorry di nakakatawa eh”

EVIL: Whatever!

JUST the Girl [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon