Chapter 17 - STATUS: Complicated

342 21 8
                                    

Hi Ysa! Thanks sa maganda mong stories na nakakakilig at nakakainspired. Sana magka-UD na ang kwento ng aking ADAN . . whahahahaha.

========================================

          ~ STATUS: Complicated ~

HALOS HINDI pa gaanong naaabsorb ni Justine ang nangyari kanina. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Paanong naging SILA Fei at Kean?

Sa pagkakaalam niya walang gusto ang kaibigan niya kay Kean. Ganun din ang binata sa kaibigan niya. At hindi naman close ang dalawa. Ni hindi niya nga nakitang nag-usap ang dalawa ng matagal eh. So paanong naging sila? Naguguluhan siya.

Maaaring isiping trip lang ‘yon ni Fei dahil kilala niya ang kaibigan, kung anu-ano ang naiisip nitong gawin na sa hinagap hindi niya aakalaing gagawin talaga nito. Pero bakit ‘yung pagiging GIRLFRIEND pa ni Kean ang trip nito ngayon? Ano’ng meron? Bakit?

At si Kean, kita naman sa pagtanggi nito kanina ngunit bandang huli ay napa-oo pa rin ito ni Fei. Paano? Si Kean na hinahangaan ng kababaihan sa iskwelahan nila ngunit pinangingilagan pa rin at kinatakutan ng mga ito, napapayag ng ganun ng kaibigan niya? Ni hindi man lang nito pinagbantaan ang kaibigan niya katulad ng madalas na nangyayari.

Ano ba talagang nangyayari? Hindi niya talaga maiisip.

“Bakit ka nag-i-impake?” Napaangat naman siya ng tingin. Nagulat siya nang makita sa harapan niya si France. Hindi niya napansin ang pagpasok ng asawa sa kanilang kwarto.

“Huh? Ahm . . . uuwi kasi ako sa amin.” Aalis kasi bukas ang mga magulang niya papuntang Hongkong. Tatlong araw ang mga ito doon para magbakasyon. At sa pagkakaalam niya si Lola Agripina ang gagastos para sa bakasyon ng mga ito. Kaya kailangan niyang umuwi para bantayan ang dalawa niyang kapatid.

Napatango lang si France. Pagkuwa’y nagtuloy na ito sa banyo.

Napakunot ang noo niya. Inexpect niya kasi tatanungin nito kung hanggang kalian siya doon o di kaya sasabihin nito na ‘wag na siyang bumalik para hindi na nito makita ang pagmumukha niya.

“Baka nahipan ng hangin.”

     ~0~0~0~

From: Master King

         Kita tau myang vacant mo.

         Parking lot.

         Pls. don’t tell it to ur annoying friend.

Text ‘yun mula kay Kean. Napakunot ang noo niya. Bakit ayaw nitong makita ang kaibigan niya?

Napabuntong hininga na lang siya. Mamaya niya lang itatanong sa binata ‘yun. Muli siyang nakinig sa kaklase niyang nagrereport sa unahan.

JUST the Girl [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon