MERRY CHRISTMAS! God bless ^_^
Sorry ngayon lang nag-UD. Iniwan kasi ako nina U and I. Kababalik lang nila. . hahaha Busy rin ako sa pag-iisip ng bagong plot sa One Shot na gagawin ko.
Anyway salamat sa lahat nang sumuporta sa one shot kong She Doesn't See Me. Love n'yo talaga ako ^___^==================================
~ I LOVE YOU ~
MASAYA SI JUSTINE habang pinagmamasadan ang singsing na simbolo ng kasal nilang dalawa ni France. Mula nang nagkaayos sila ay napapangiti na lang siya ‘pag pinagmamasdan ang wedding ring nila.
Humingi siya ng tawad sa asawa at pinatawad naman siya nito. Pinangako nila sa isa’t-isa na gagawin nila ang lahat para magwork ang pagsasama nila hindi lang para sa mga pamilya nila kundi para sa kanilang dalawa. Simula noon ay bumalik ang pagiging malambing nito madalas nga sumosobra pa. Hindi niya tuloy mapigilan ng lalung mahulog ang loob dito. Sa bawat araw na lumilipas mas nakikilala at mas minamahal niya ito.
Ngunit hindi naman niya masabi dito ang nararamdaman niya. Though pinapakita niya naman sa gawa. Hindi niya lang alam kung nararamdaman nito. Natatakot kasi siya sa anumang magiging reaksyon nito ‘pag umamin siya.
Hindi niya rin kasi alam kung ano ba siya sa asawa. Kung mahal na rin ba siya nito o ano. Never din kasi itong nagsabi sa kanya ng nararamdam nito para sa kanya. Oo, malambing at maalaga sa kanya ito ngunit minsan hindi pa rin sapat ang gawa.
Hindi naman kasi sapat na puro gawa lang. Kailangan din ng salita upang malaman niya kung anung totoo. Baka mamaya umaasa lang pala siya sa akala niyang nararamdaman nito para sa kanya. Gusto niya kasing masiguro sa nararamdaman nito.
Lalu na’t ngayon ayos na rin sila ni Leigh. Nag-uusap na ulit ang asawa niya at ang dalaga. Bumalik na sila sa dati.
Ngunit pinanghahawakan pa rin niya ang pangako nila sa isa’t-isa. Isa pa, kasal sila. Sa kanya si France. Hindi man siya mahal nito ngayon nito, gagawin niya ang lahat para mahalin din siya ng asawa.
“You look so happy and contented.”
Biglang bumalik sa kasalukuyan ang diwa niya nang marinig ang boses ni Kean. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito sa kanya.
Naupo ito sa tabi niya.
“I can see na mahal mo na nga siya ngayon. Kung maaga ko lang narealize na gusto kita, siguro ako ang dahilan ng mga ngiti mo ngayon.”
“I’m so—”
“Don’t say that. Ayan ang huling bagay na gusto kong marinig sa’yo Justine. And don’t feel sorry for me.”
Napayuko siya.
Hindi niya alam kung paano hihingi ng tawad dito. Minahal naman talaga niya si Kean. Mas mahal niya na nga lang ngayon ang asawa niya.
BINABASA MO ANG
JUST the Girl [On Going]
General FictionChoosing between two HOT HANDSOME guys. Sino'ng pipiliin ni JUSTINE BERNARDO? The Arrogant First Son na malas sa kanyang buhay or The Gorgeous Gang Leader na lihim na nagpapatibok sa kanyang puso?