AUTHOR’s NOTE:
Dedicated to her (@DindiRadam) ^____^ Salamat sa patuloy na pagbasa, pagcomment at pagvote ng JTG.
READ. VOTE. COMMENT. FOLLOW.
Salamat ^____^
_________________
~ MEET EZEKIEL ~
MAMAYANG GABI na ang birthday party ni Leigh pero nagdadalawang isip pa rin si Justine kung pumunta siya. Kahit pa nakapangako na siya sa bagong kaibigan dahil na rin sa kagustuhan ni Lola Agripina. Pero pakiramdam niya kasi hindi siya nararapat sa ganung okasyon.
Maaaring dala niya na ngayon ang apelyido ng mga Escuedero pero hindi sapat 'yon. Para sa kanya hindi pa rin siya kabilang sa mundong ginagalawan ng mga Escuedero.
"Bakit malungkot si Justine?" tanong sa kanya ni Fei.
"Nothing," she said absently.
"Si France na naman ba ang dahilan ng kalungkutan ni Justine at kung parang may malalim siyang iniisip?"
"Yes! No! I mean. . . HINDI 'NO! Bakit ko naman iisipin ang lalaking 'yon?!"
Nangalumbaba naman sa harapan niya ang kaibigan. At isang mapanghinala tingin ang ibinigay nito sa kanya.
"Iniisip ko lang party mamaya. Siguro kasama ko nga siyang pupunta do'n pero alam ko naman iiwan din ako ni France. Dahil malamang nandoon yung mga kaibigan at kaklase niya sa Eleuterio” pagpapaliwanag niya.
Ngunit mukhang hindi kumbinsido ang kaibigan sa sinabi niya.
"At dahil birthday party 'yon ng kababata niya malamang lagi 'yong nakabuntot kay Leigh. Siya nga 'ata ang escort ni Leigh mamayang gabi eh" sabi pa niya na parang sa ilong galing.
“So, nagseselos si Justine?” nakangiting sabi ng kaibigan.
"WHAT?!? NAGSESELOS?!? Hindi 'no! Bakit naman ako magseselos?!?"
"Ang bawat salita ay may mensahe. At bawat mensahe ay may kahulugan. Hindi kailangang direktang sabihing nagseselos ka. Dahil sa mga sinasabi mo palang at sa pananalita mo halatang nagseselos ka. May gusto na si Justine kay France."
"Pwede ba 'wag kang magbiro d'yan Liezel Fei Antonio dahil hindi nakakatawa. Nakakadiri!"
“Kung hindi nalalaman ni Justine na sa loob ng araw na ito, sa lumipas na mga oras mula kaninang umaga, 12 times mo nang nasasabi ang pangalan ni France, 20 times na Feelingero at 17 times na Escuedero. Samantalang 7 beses mo pa lang nasabi ang pangalan ni King Kean. At sa loob ng buong linggong ‘to 47 times mong nabanggit ang pangalan ni France, 64 times na Feelingero at 35 times na Escuedero. Kung susumahin, 146 times mong naalala si France samantalang 68 times lang si King. Hindi katulad dati na halos si King ang bukambibig mo” sabi ni Fei sabay sara sa isang pink na notebook kung nasaan nakasulat ang statistics na sinabi nito.
BINABASA MO ANG
JUST the Girl [On Going]
General FictionChoosing between two HOT HANDSOME guys. Sino'ng pipiliin ni JUSTINE BERNARDO? The Arrogant First Son na malas sa kanyang buhay or The Gorgeous Gang Leader na lihim na nagpapatibok sa kanyang puso?