Latecomer's Key

1 0 0
                                    

LEI's POV

Biglang nagring yung bell.. Sabi na sa inyo favorite subject ko ang magdaydream.

"Goodbye class! See you on Monday." Sabi ng last period teacher naming si Ma'am Vila.

Hay nawili nanaman akong magdaydream, wala akong naintindihan sa lesson. Weekend na ulit. Ang bilis, nakaisang buwan na pala kami.

"Bel, may homework bang sinabi?"

"Wala naman bes kaya hayahay ang life natin. Tara nang umuwi!"aya ni Bella

Saktong bubuhatin ko ang bag ko,

"Amin na Lei!" biglang dampot nina Lander at Leon.

Wala na akong magawa kesa makipagtug of war pa. Tutal walking distance lang naman ang mga bahay namin. Basta tong dalawang to, parang may usapan. First half ng daan, kay Leon at 2nd half, si Lander. Alam kong parang may gusto ang dalawa sa akin pero nagpapatay malisya na lang ako. May "Pangarap" na ako eh.

Sinulyapan ko ang katabi ko na nakatingin din pala sakin, sabay kaming bumawi.

"Tara na pards." Narinig kong aya niya kina Leon at Lander

"Wow himala, maglalakad ngayon ang senyorito." sa isip ko. Sinundan na lang namin sila ni Bel.

July na (3rd yr highschool)..

Sa faculty room..

"Miss Martinez,ipinatawag kita kasi kahit magaling ka sa klase, napapansin kong lagi kang halos ma-late sa pagpasok. Nanghihinayang ako sa potential mo at baka mahirapan ka nang baguhin ito. At this early, I felt the need to correct it. Bibigyan kita ng additional responsibility"-litanya ni Mrs. Runez sakin.

Napayuko na lang ako kasi guilty eh.

"Ito ang susi ng gate.You have to come as early as 6:30am para ikaw ang magbukas ng gate.Huwag mong paghintayin ang buong school bago ka pumasok. "Patuloy ni Ma'am.

7 am kasi flag ceremony na at kadalasan nagstart na pag dumadating ako.

"Yes Ma'am" sabay tanggap ko ng susi.Dapat kasi seniors ang may responsibility neto eh, kaso wala akong magagawa.

CHARLES' POV

As usual, ako ang laging una sa classroom. Aside from maaga akong nagigising, pinakamalapit ang bahay namin sa school at may motor ako.

"Mukhang may mas nauna pa sakin" isip ko. Kasi may babaeng nakaupo sa gilid pero mukhang natutulog. Natabig ko yung upuan at malakas ang pagkabagsak nito.

"Wow, di man lang naalimpungatan." bulong ko. Tinignan ko yung bag niya.

Pink na Jansport bag. Si Lei pala yun."Bakit kaya ang aga niya?"

Nag-umpisa nang nagsidatingan ang classmates namin. Dumating na rin yung may-upuan sa tinutulugan niyang puwesto.

"Lei, gising na.Magpa-flag ceremony na." ani Moira.Kaso walang response.

"Sunog, sunog!" bigla kong sigaw Bigla na lang siyang napabalikwas at,

"Tulungan niyo kami, may sunog!" sigaw niyang biglang nagising.

Nagtawanan ang buong klase na ikinamula niya."Mumog, mumog" sigaw ko ulit. Na mas ikinatuwa pa ng classmates namin.

"Unggoy!"sigaw niya sa akin sabay bato ng notebook.

Namumulang pumasok siya sa restroom na nasa dulo ng classroom namin. Natatawa na lang ako,"magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising!" Solved na ang araw ko. Yan na ang routine namin ever since. Parang kulang pag di kami magkasagutan eh.

Ewan ko ba, yung ilangan namin na-outgrow namin pero naging sagutan naman.

Si "Pangarap"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon