Chapter 7: My Superman
LEI's POV
Nagroup kami into six para sa cookfest. Pasarapan ng putaheng lulutuin. Kasama ko siyempre si Bel pati sina Moira, Daisy, Mingcel, Yasmin, Ferna. Sa ibang grupo sina Aira at alipores niya. Iisang grupo din sina Charles at kaibigan niya.
Sa umaga ang gagawin muna ay mamamalengke gamit ang group contribution na 200 pesos.
Kailangan ibudget ng bawat group yun kaya nagdecide kaming lahat na mag-alay lakad para tipid. Yung 3 groups, dumaan sa long cut at kaming 3 groups na nabanggit ay nagdecide na magshortcut na lang.
Nagbibiruan ang mga boys na maraming aso.
"Don't worry, andito si superman. Akong bahala sa inyo" pagyayabang ni "Pangarap" na nasa unahan ngayon.
"Ako naman si Batman.. Kaya pag may aso, bahala na si Batman!" Biro naman ni Leon na ikinatawa ng marami.
Sina Aira, nakikisawsaw sa kuwentuhan. Kami nila Bella, tahimik at ngingiti ngiti lang.
Biglang may mga tumatahol.Kumaripas ng takbo ang lahat.
And as usual, gulat much ako kaya natulala at parang naitulos sa kinatatayuan ko."Andiyan na yung aso Lord!" Pumikit na lang ako.
May biglang humaklit ng braso ko.
"Ano bang ginagawa mo, Lei?! Takbo na!!!" hila sakin ni Charles.Bakas ang pag-aalala.
Nanginginig pa rin ako sa takot o baka pati sa kilig. hge
"Thank you" bulong ko kay "Pangarap"
"Oh my God bes! Buti nailigtas ka ni Superman, di ko namalayang di ka nakatakbo!" sigaw ni Bel.
Sabay tudyo ng ibang classmates namin.
"Siyempre, natakot si superman na magkapeklat si Lois Lane ano"
"Uuuy, knight in shining armor lang ang peg"
"Binabantayan talaga eh noh"
"Bagay naman talaga tong dalawa, in denial lang"
"Ang bilis lang ni Charles eh noh, akala mo aagawin ng aso si Lei!"
CHARLES' POV
Tuluy-tuloy pa rin ang tuksuhan, kantiyawan at naiirita na ako.
Alam kong muntik nang nalagay sa panganib si Lei! Ramdam ko ang panginginig niya kanina.Buti sana kung peklat lang, paano kung may rabies yung aso. Puro pa kalokohan tong mga classmates namin.
"Tama na nga yan! Wala nang dadaaan sa shortcut!" sigaw ko na nagpatahimik sa lahat.
Nung pauwi, pinauna na namin ang girls kahit long cut at ang boys sa likod.
Nung matapos ang mga lutuin namin, ipinatikim sa mga judges ang iba't ibang putahe. May nagluto ng pinakbet, dinuguan, adobo, ginataan, sinigang, at tinola.
Ang nanalo ay ang tinola na luto ng grupo nila Lei.
"Sana nakagat na lang ng aso" narinig kong sabi ni Aira na nakapagpakulo ng dugo ko.
Kinakawawa talaga si Lei porke hindi pumapatol. Iba talaga ang inggit ng babae, makamandag.
"Puwede bang patikim ng winning recipe?!" tanong ko kay Lei para sana kumustahin kung ok na siya.
"Eto, sayo na lang tong sakin" alok niya.
"Deserving!" sabi ko after humigop ng sabaw.
"Salamat uli kanina" bulong niya.
"Ok lang yun, kahit sino naman, gagawin ko pa rin yun" sagot ko.
Pero sa totoo lang kung si Aira, baka di ko binalikan. Malakas lang sakin tong babaeng to eh. Siyempre wala nang aaway sa akin.
Sa ngayon, ceasefire muna kasi mukhang naphobia pa eh.
BINABASA MO ANG
Si "Pangarap"
RomanceIto ay kuwento ng magkababatang sina Charles at Leilani.. Despite the animosity between them, hindi maipagkakailang may feelings sila para sa isa't isa. At sa murang edad, itinuring ni Lei na si Charles ang kanyang pangarap. Mapapasakanya pa kaya an...