Ang Reyna

3 0 0
                                    

Chapter Six: Ang Reyna

LEI's POV

"Shucks, 7 am na. waaahh, late na ako!!!"

8 am kasi ang aming program para sa Linggo ng Wika. At dahil isa ako sa Punong abala, dapat bago 8 am andun na ako.Dalidali akong naligo at nagbihis. Halos takbuhin ko na ang school.

"Kainis na alarm clock, di ko namalayan!" sinisisi ko pa ang kawawang relo.

CHARLES' POV

Papunta na ako sa school at siyempre maaga ako. May practice pa sa tula namin eh. Dala ko ngayon ang bago kong kotse. Kabibili lang nila Mommy para daw di ako gaanong umitim sa kamomotor.

May tumatakbong babae na parang nagmamadali.

"Late sa call time to.Parang si Lei."- sa isip ko.

"Sakay na hoy!"Sigaw ko pagkahinto at binuksan ang kotse ko.Siya ang kauna-unahang babaeng maisasakay ko dito sa kotse ko.

Parang nag-aatubili siya.

"Late na tayo. Wag ka nang maarte!Hoy!"Sigaw ko at saka siya sumakay.

"Thank you.." Yun lang ang narinig ko sa kanya nung pababa na siya.

Napasipol sina Lander at Leon nung makita ang kotse ko.

"Pabinyag tol"sabi ni Leon habang umuupo na sila ni Lander. Sumama pa ang dalawa sa parking area.

LEI's POV

"Wow, isinakay ang prinsesa ng kanyang prinsipe!"bati ni Bella.

Tahimik pa rin akong hindi makapaniwala na magkasama kami kanina sa sasakyan ni "pangarap". Waah, Lord. Kung close lang kami, nagselfie na sana ako sa car niya! Sa isip ko.

"Hoy bes!" putol ni Bella sa katahimikan ko.

"Wala yun, late na kasi at nadaanan niya ako."sabi ko na lang.

" Feeling prinsesa lang!Hmps!" ingos ni Aira.

"Lika na bes, maraming inggitera sa paligid. Bad vibes yun!" hila ni Bella

CHARLES' POV

Natapos ng maayos ang program for linggo ng wika. Mukhang nag-enjoy ang lahat. Puring puri si Lei sa mahusay na pagiging MC. At si Adonis, mukhang nag-enjoy din.

Naiinis akong panuorin silang magkatabi kanina pero hinayaan kong mangyari yun eh.

"Tara nang umuwi, Lander."

"Sige Tol, hintayin ko lang si Lei" Tanggi ni Lander.

"Ikaw Leon?"

"Pass muna tol, siyempre di ko hahayaan si Lander na lumamang sakin."- si Leon

Sa inis ko," Sabay na kayo sa akin Aira, Angie at kung sinong may gusto!Tara girls"

Siyempre game ang mga girls na makasakay sa kotse. Nagpunta na kami sa parking area.

Tamang tama na palabas ng gate sina Lei, Bella, at iba naming kaklase.

Kasabay sina Leon, Lander at iba pang boys. Bumusina ako at sumaludo ang dalawang mokong.

Biglang nagsalita si Aira na nasa tabi ko, "Sorry na lang, kami naman ang prinsesa"

Napayuko ng ulo si Lei.

Sumagot si Lander," Si Lei naman ang reyna!"

Epal talaga ang kaibigan kong toh, gusto lang makapuntos eh.

"Hmps, tara na nga Charles!" inis na wika ni Aira.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si "Pangarap"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon