Si "Pangarap"

12 0 0
                                    

3rd year highschool

Pasukan na. Excited ang mga juniors na bumalik sa eskwela. Kabilang na ang favorite enemies na sina Charles at Leilani.

LEILANI'S POV

"Nay, alis na po ako. late na." katatapos ko lang kumain ng breakfast na super fast kong tinapos kasi first day of school, late na naman ako.Sabagay, trademark ko na yun eh.

"Bilisan mo, ang hirap mo kasing gisinging bata ka." - si Nanay, lola ko at sila ni Tatay ang nagpalaki sa akin kasi nasa abroad ang parents ko.

Asa school na ako at lahat ng students ay nasa respective classrooms na nila. Two sections pa rin kami sa maliit na private school dito sa bayan namin.

Pumasok ako at katatapos lang ng prayer.

"Good morning, Ma'am"

"Good morning Lei, umupo ka na sa vacant seat and try to come 15 minutes before your class."-Ma'am Valdez..

" aww, first day pa lang sermon agad. pwera malas"- bulong ko sa sarili sabay katok sa upuan.

Nilingon ko ang katabi ko at nakita ko ang aking favorite enemy na super secret crush ko, si Charles. Hay, ang abot-kamay kong "pangarap."

"Beh buti nga, late comer palagi" bulong niyang pagalit.

"Medyo swerte pa rin ako, guwapo katabi ko, busangot nga lang"-sa isip ko.

Walang gustong tumabi sa mokong na to kasi nga masungit. Ako lang ang di niya makanti, ilag sa beauty ko.

Syempre ako ang late kaya no choice at best choice, siya ang seatmate ko. Favorite naman kaming pagtabihin ng teachers namin, parang love team daw. Kaunti lang kasi ang students kaya kilala na kami ng teachers lalo pa't lagi kaming may honors.

Charlei- pinagsamang Charles at Leilani. Yan ang tawag daw sa amin sa school. The more you hate, the more you love daw sabi nila. Pero sa totoo lang, he's my ultimate crush, ang aking "pangarap"(codename niya sa mga pantasya ko sa buhay) and I hate that he never felt the same way towards me. Kaya kunwari na lang eh dedma siya sa akin, kunwari asar ako sa mokong.

Sabi nga ng karamihan bagay daw kami. Maganda ako, guwapo siya, pareho kaming matangkad, parehong matalino. Yun nga lang mabait ako at siya, antipatiko.hehe.. (buhat-buhat din ng sariling bangko pag may time)

Kaya nga excited akong pumasok eh, isa siya sa matinding dahilan. Hobby ko yung titigan siya nang hindi niya alam at pag nahuli ako, patay malisya na parang nag-iisip lang ako. Oh di ba?

"Hoy recess na. Tara na sa labas. O busog ka na kasi katabi mo si Boss?" - si Bella, ang aking bestfriend na matangkad at maganda rin.Boss ang nickname ni Charles kasi nga laging acting boss. Siya kasi ang pinakamayaman sa school.

"Tse, kung gusto mo di ikaw ang tumabi diyan sa kanya"- kaya nga super secret crush kasi kahit sa bestfriend ko, di ko maamin. Bakit ba, eh sa dalagang Pilipina ako noh!

CHARLES' POV

"Shit katabi ko si Lei, naknang. Lalo lang kaming tutuksuhin eh. Nakakairita!" sabi ko kay Lander, ang bestfriend ko.

"Gusto mo palit tayo ng upuan pre?"tanong niya sa akin. Alam ko namang may gusto to kay Lei noon pa at balak nang manligaw. Kaya nga kahit parang may gusto ako sa babaeng yun eh sinusungitan ko na lang. Syempre ayokong magkasira kami ni Lander na lakastama dun.

"Kahit hindi na,may cheating arrangement naman siguro starting bukas." sagot ko. Kasi naman gusto ko sa puwesto ko, asa likod na nasa gilid.

Uwian na. Malapit lang ang school at nakamotor ako. Eto na naman ang mga admirers ni Lei. Sina Leon at Lander. Kukunin ang bag niya at bubuhatin."Akala mo naman baldado at kailangan pang akayin huh! Makalayas na nga."-Walang lingon-likod kong bulong.

LEI

"Parang tuod talaga tong katabi ko, ni hindi lumilingon.Asa ka naman, til inspiration mo na lang siya. Haist, makasulyap na nga lang. Hay ang sarap mangarap ng gising" kausap ko nanaman sa sarili ko. Saktong napasulyap din siya.

"Anong tinitingin tingin mo diyan? alam ko guwapo ako."- Charles

"Sus may bagyo nanaman Lord. Para nasulyapan lang habang nag-iisip ako. Sungit!" - asik ko din.

Time for recitation, may ibang tinawag pero hindi nakasagot. Sabay kaming nagtaas ng kamay.

"Yes Lei?"- Ma'am Runez

Sinagot ko at tama.

"Ako ang nagturo sa kanya nun Ma'am" - sigaw ni Charles.

"Mahiya ka nga sa balat mo"- sabi ko sabay irap.

"Tama na ang LQ" - sigaw ng klasmeyt namin.

Paano nga bang naging parang aso at pusa kami nito. Makapagthrowback nga..

Si "Pangarap"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon