The Reason

7 0 0
                                    

CHAPTER 5: The Reason

LEI's POV

Binawi na yung sanction ko kasi di na ako nalelate.

"Buti at pinalitan na ang San Pedra bes."-si Bel na ang tinutukoy ay ang tagahawak ng susi.

"Kaya nga eh. Level up na ako, tutor na." sagot ko.

Katatapos ng first grading at ako uli ang first sa honor roll. At kaming first five sa honor roll ang nakatokang magtutor sa mga classmates naming nangangailangan. Sa English ako natoka.

"If you will use "did" with a verb, the verb that should go with it should be in its simple present tense because "did" is already in past tense." - sabi ko sa mga classmates kong namomroblema sa grammar."For example," I did not write a letter". "Did not wrote" would be incorrect because it becomes redundant."

"Wehh, di nga. Maniwala kayo diyan?!"-si Charles.

"kahit kelan talaga asungot ka sa buhay ko!"sigaw ko sa kanya at tumawa lang siya.

Of course, siya pa rin si "Pangarap", ako pa rin si " denial queen" at sa mata ng karamihan, kami ang aso at pusa ng classroom.

"Uuuuuuyyy!"

"LQ!"

"Ehems!"

"CharLei forever!"

Iilan yan sa mga sigaw ng classmates ko. But I know I have mastered the art of pretension. Yung wapakels kunwari.

CHARLES' POV

Masyado talagang seryoso si Lei pag oras ng tutorial at doon ko siya favorite na guluhin. Pag nainis na siya, kumpleto rekado na ang araw ko.

Siya lang kasi ang babaeng kayang bumangga sa akin eh. Siya lang ang kamatch ko sa classroom kahit noon pa.

"May program tayo para sa Linggo ng wika. I-check niyo na lang ang mga assigned tasks niyo."- Si Mrs. Bernabe, ang Filipino teacher namin.

Hinanap ko ang pangalan ko at nakalagay na kaming dalawa ni Lei ang MC. "Shit, ayoko!Makikiswap na lang ako." Hindi dahil ayoko siyang kasama kundi may stage fright ako.Pero siyempre, hindi ko yun aaminin!

"Ma'am, makikiswap ako kay Adonis. Ayokong mag-MC, ayoko sa kapartner ko!" sabi ko kay Ma'am Bernabe na dinig ng buong klase.

"Payag ka ba Adonis?" tanong ni Ma'am. Siyempre walang magagawa si Ma'am pag ako na ang nagsalita. Batas to noh!

"Ok lang po Ma'am."sagot niya.

Sinulyapan ko si Lei na tahimik lang sa isang sulok.

LEI's POV

"Yes! MC kaming dalawa." sa utak ko lang siyempre. Sa wakas, puwede na kaming magkapicture. Ang kaisa-isang picture namin na magkatabi ay nung recognition day pa ng grade two. Never na kaming napagtabi sa pic ever since.

Bigla na lang siyang tumayo.

"Ma'am, makikiswap ako kay Adonis. Ayokong mag-MC, ayoko sa kapartner ko!"-Charles

"Ouch naman, purnada ulit!At ako pa talaga ang dahilan, allergic talaga ang lalakeng to sakin.Dapat huwag na akong umasa, ganyan naman lagi eh"isip ko.

"Feeling bida kasi ang iba diyan. Well, sa amin ang leading man." Patutsada ni Aira kasi sumama si Charles sa kanilang group para sa sabayang pagbigkas. Na sinang-ayunan ng iba pang usyuserang frog.

Hindi na lang ako sumagot, msakit na sa bangs eh. Di pa rin na-outgrow ng babaeng to ang inggit sakin.Naluluha na naman ako, itong mata ko talaga, hindi na nasanay!Makapagwalk-out nga sandali.

CHARLES' POV

Nakita ko yung mata niya na parang naluluha nung pinaringgan siya ng ilang girls. Alam kong dahil sa desisyon ko yun. Nakonsensiya ako kasi siya ulit ang ginamit kong dahilan. Gaya noon...

"Charles, ikaw ang gaganap na Joseph at si Lei naman ang Mary"sabi ng teacher nung grade 4. Tumanggi ako.

"Ayaw ko nga Ma'am. Mas gugustuhin kong maging isa sa tatlong hari kesa makapartner ang babaeng kawayan na yan!" sabi ko.

"Ayaw kong maging kapartner niya sa sayaw Ma'am. Magaslaw sumayaw yan eh!"

"Si Lander na lang partner niya sa pagkanta Ma'am, di ko feel kumanta pag siya ang kaharap ko eh"

Ilang beses ko na siyang tinanggihan na ikinakatuwa naman ng ibang girls. Akala nila siya ang tinatanggihan at ipinapahiya ko, when in fact, awkward kasi di kami close at takot akong maging center of attraction sa kahit anong activity except basketball.

And everytime, napapahiya siya at nagwo-walk out na lang.

Si "Pangarap"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon