Throwback part 2

8 0 0
                                    

Grade Six

CHARLES' POV

After ng prayer, Lei was asked to practice her piece. Sasali siya sa declamation contest. Academics at extra-curricular, nag-iexcel siya. No wonder, marami diyang haters siya.

"Mother, please wake up! Mother please, don't leave me. Mother!! God, why do these things happened tome? Why did you take my mother away from me?!Why!" Umiiyak na sabi ni Lei habang nagdedeclaim sa harap namin at ng teachers.

Napakatahimik ng buong classroom, karamihan nadadala sa pagtangis ni Lei.

Yung iba, naluluha. Pero ako, parang naaawa ako. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Ewan pero ayoko nang patapusin. Kailangan kong umalis dito. Kasi baka di ko siya mapigilang puntahan at patahanin.

LEI's POV

"..Thank you" - sabay punas sa mga luhang lumandas sa kanyang mukha. Nagpalakpakan ang mga classmates at mga teachers. Halos puro positive ang comments.

"May laban tayo!"

"Ang galing ni Lei!"

"Mananalo yan pustahan!"

Except of course sa mga inggiterang nakaismid sa tabi. "Hmps, talo na yan!"

Wapakels na lang. Hinahanap ng mata ko ang aking "Pangarap." Nanlulumo akong naupo nung di ko siya makita.

"Di nanaman niya ako pinanood. Ganun ba siya kabadtrip sa akin, lagi na lang lumalabas. Haist" -sa isip ko.

" Paano ba yan, nilayasan nanaman ni Boss ang award winning performance mo?"tukso ni Bella.

"Wapakels!" sabi ko na lang. Pero deep inside, mega hurt ako.

CHARLES' POV

"Charles, crush mo ata si Lei eh." sabi ni Troy, barkada ko."Ilang beses kitang nakikitang sumusulyap sa kanya at lagi kang ilag.Torpe alert ba?"

"Guniguni mo lang yun. Ako magkakacrush sa kawayan?! Si Angie ang crush ko noh" medyo napalakas kong sabi. Nagtawanan ang mga classmates ko.Nakonsensiya naman ako pero kesa tuksuhin kami di ba?Ayokong malaman niyang special siya sa akin.

LEI's POV

"Lei, imposible daw magkagusto si Charles sa kawayan"-si Aira kontrabida.

Narinig ko naman eh at parang sinundot ako sa puso. Kelangan pa bang ipamukha sa akin?!

" Sino bang maysabing gusto kong magkacrush siya sa akin?!" sagot ko. Akala niyo masasaktan ako ng harap- harapan, neknek niyo.

Nakita ko na lang na inakbayan ni "Pangarap" si Angie na close friend ko pa naman. Ouch galore!

Parang bumigat ata ang puso ko or lumaki kaya? Naninikip ang dibdib ko eh. Connected ba ang heart sa mata? Parang ini-squeeze tapos lalabas sa mata yung luha?

Nagwalk-out na lang ako. "Waaaahhh! Ang sakit Lord, hindi niya ako gusto. Bakit ko ba kasi nagustuhan, alisin mo na siya dito please!" impit kong iyak sa CR.

"Carry ko to!Iiwas na lang ako" pampalakas loob ko na lang. Buti na lang uwian na, di na mapapansin ang broken heart ko.

Ayun nga ang ginawa namin, nag-iwasan ng bongga para di na tuksuhin. Kaso may times pa ring magkakalapit kami at nagkakailangan.

Folk dances ang P.E activity namin. Yung dance na ang boys nasa labas at girls nasa loob at nakaform ng circle.Hindi sumagi sa isip kong magkakapartner kami kasi nga umiikot palipat ang boys.

Hindi ako nakagalaw at mukhang nabigla din siya sa una. Parang nag-usap yung mga mata namin.

"Sayaw na tayo"sabi ko kasi nakatingin na classmates ko sa amin.

Yung kuryenteng yun, andun pa rin nung sumagi ang braso ko sa kanya. "Hay lumalandi nanaman ang bata kong puso"-sa isip ko.

Noong graduation, as expected, ako ang valedectorian. Binati ako ng lahat ng boys except him. Natapos ang elementary days na ganun pa rin kami ni "Pangarap". Walang matinong pag-uusap. Kaya nga ang fave kong kanta..

"Pangarap ka na lang ba , o magiging katotohanan pa."

Si "Pangarap"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon