Chapter 2: Throwback Part I
Grade 2: LEI
Pagpasok ko, may pinagkakaguluhan ang mga classmates kong girls.
Girls:
"Ang guwapo niya!"
"Maporma pa"
"Mayaman daw sila sabi ng mama ko"
"Ang ganda ng eyes"
"Mukhang suplado"
Boys:
"Nakita niyo yung mountain bike niya?Astig noh?"
"Trip ko yung sapatos tol"
As usual late ako kaya huli sa balita. Nasa unahan ako at hinanap ng mata ko yung pinag-uusapan, ah may new classmate nga kami. Ang neat niya. Pinag-introduce siya sa harap.
"I am Charles Bautista, 8years old. Kakatransfer lang namin dito sa lugar ng daddy ko kaya dito na ako ngayon. Thank you" - sabi Niya na nakapamulsa pa sa pantalon niya.
Dahil maykaya at bagong mukha, nakagiliwan siya. Pag recess time, panay sunud-sunuran ang boys sa kanya at tinatawag na boss na mukhang nagustuhan naman nung guy.
Pati girls panay ang papansin..Sabagay, ako nga gustung gustong tignan yung mukha niya, ang guwapo. Haist, bata pa ako nito ah..
Narinig ko na lang na may nagpuslit gumamit ng bike niya. Pinuntahan daw at sinuntok.
Yung umupo sa upuan niya, itinulak daw niya. Yung girl na kumuha ng panyo niya eh sinuntok din daw niya.
Yung girl na nakabasa ng shoes niya, yung nanukso sa kanya sa isang girl, yung nagtago ng trumpo niya,nakakabasa ng bike niya, lahat sinaktan niya.
Ayun ngayon kahit maraming may crush, takot na sila sa kanya. Ako, deadma lang kasi di naman ako papansin. Hanggang sa..
Grade 3
"Hoy, bakit mo itinapon yung face towel ko sa bubong? suntukin kita diyan eh." - Si Charles
"Anong?Ang kapal mong mambintang ah. Eh ano naman kung ako nga?"- sabi ko na galit at nilapitan siya. Nagkantyawan mga classmates namin.
Nainis ata kaya biglang tumayo at sa paghawi sa upuan, naitulak niya ako na ginantihan ko naman. Buti inawat siya ni Lander.
"Tama na pre, hindi ata siya."-Lander
"Gago ka pala eh, transferee ka lang dito, ang yabang mo! Alamin mo muna ang totoo bago ka manakit, kababae kong tao, pinapatulan mo ako. Subukan mo pa akong saktan, isusumbong kita sa mga pinsan ko.Bading!" tuluy-tuloy kong banat na mangiyak-ngiyak kasi first time that I was not treated as special.
Ako kasi ang first honor sa klase, president at active leader sa dances at performances ng class namin.
Napakuyom siya ng kamao at tumalikod. Nalaman kong yung mga babaeng inggit sakin ang nagsabing ako ang gumawa at naniwala din ang mokong.
Grade Four
Mula noon, nag-iiwasan na kami kahit friends ko yung friends niya.
Marami pa rin akong nababalitaang sinasaktan niya pero never na niya akong sinaktan. Minsan nga lang, verbal fight ang kinalalabasan namin. At dahil nga ako lang ang di niya pinagbubuhatan ng kamay at iniilagan, binuo yung loveteam namin CharLei.
Pero dahil nga common ang friends,di maiwasang magkasama kami minsan.
Gaya nung minsang naglaro kami at nagkataong napasama ako sa team nila. Weakling pa naman ako sa sports eh takbuhan yun. Kabilang grupo ang taya, tatakbo kami at try hulihin. Pag nahuli, bihag kami at galing sa base nila, extend namin arms sideward. Pag nagsucceed ang kakampi namin na masagi ang kamay ng bihag, puwede na siyang makatakbo ulit.
BINABASA MO ANG
Si "Pangarap"
RomanceIto ay kuwento ng magkababatang sina Charles at Leilani.. Despite the animosity between them, hindi maipagkakailang may feelings sila para sa isa't isa. At sa murang edad, itinuring ni Lei na si Charles ang kanyang pangarap. Mapapasakanya pa kaya an...