Prologue

21 0 0
                                    

"Niva sweetheart, behave ka rito and dont give your Tito Arman and Tita Louisse a headache.", magiliw at paulit-ulit na bilin ng ginang sa pitong taong gulang na anak na si Niva.

Mayroon silang business trip na aattenan sa Hongkong ng isang linggo at kinailangan na muna nilang ihabilin ang anak sa kapatid ng ginang dahil bukod sa katulong lang ang kasama ng bata sa bahay, mismong ang kapatid ng ginang ang naki-usap sa kanya na duon na muna ang bata para may kalaro naman ito. May anak rin kasi itong babae na dalawang taon lang din naman ang tanda kay Niva.

"Can I play outside?", imbes na tumango sa ina ay iba naman ang nasa isip ng bata. Kanina ba ito nakatingin sa daan kung saan dumaan ang kotse nila na tila ba may hinahanap.

Habang papunta sila sa bahay ng kapatid ng kanyang mommy ay may nakita siyang apat na mga bata rin na naglalaro sa park na dinaanan nila.

She wanted to play with them.

Yumukod ang ginang upang magpantay sila ng anak at hinaplos ang maumbok at namumulang pisngi nito. A wave of guilt washed over her gentle face.

Sa tuwing nakakadaan sila ng mga batang naglalaro, she sees how her daughters face light up only to be filled with sadness everytime they have to turn her down. And that's what about to happen now. "No baby. You know Dad will get mad at you.", buntong hinga ng ginang hoping na maintindihan ng bata ang sitwasyon.

Dahil sa limitadong isip ay sumimangot ang batang paslit at napanguso but this time, may halong galit na iyon. "He's always mad!". His daddy is always mad at her.

Medyo nagulat naman ang ina sa pagtaas ng boses ni Niva but knowing how her daughters' tantrums, hindi niya iyon pinansin sa halip ay ngumiti lang rito. Just like she always did.

"I know sweetie. But Daddy's doing this because he doesn't want you to get hurt. He's just protecting you."

Matigas na umiling ang bata. Sa mata nito, his daddy doesn't want her to be happy. And if someone doesn't what you happy, it means that someone doesn't love you. "He's not. "

"Yes he did baby.", malumanay pa ring wika ng ginang.

"No he's not.", matigas pa rin kontra ng batang si Niva sa mommy nito. Hindi nito maintindihan ang pinagpipilitan ng ina.

Bumuntong hininga na lang ang ginang.

Her daughter has moments like this pero as of now, hindi niya kayang sakyan iyon. They're going to be late sa flight nila. Walang papatunguhan ang childish arguments nila at baka mainip pa ang asawa niya at dalawa pa silang masigawan nito.

Tumayo na ang ginang at inayos ang nagusot na suot. "Anyway. We'll be back after a week. Anong gusto mong pasalubong?",pag iiba na lang ng ginang hoping to cheer up the sullen face painted across her daughters face.

Hindi sumagot ang batang si Niva at pumadyak lamang. Hindi naman yun magustuhan ng ginang.

"Niva...", babala nito sa anak sabay hawak sa magkabilang braso nito. "Niva...."

Hindi umimik ang bata.

"Niva. I dont like this attitude of yours. If you continue-

Hindi natapos ng ginang ang banta ng putulin iyon ng matinis na sigaw ng batang hawak-hawak.

"Just go away! And dont ever come back here!", humihikbing sigaw ng bata at pilit na kumawala sa hawak ng ina.

Tila naitulos naman ang ginang sa narinig at sa gulat ang lumuwang ang hawak niya bata. Sa lahat mg tantrums ng anak niya, ngayon pa lang ito nakapagsalita ng ganun sa kanya.

"I hate you! I hate Dad! I hate you all!", patuloy na sigaw ng bata bago tuluyang tumakbo pabalik sa loob ng malaking bahay.

Hahabulin pa sana ng ginang ang anak pero pinigil siya ng sunod sunod na busina ng sasakyan.

Just an AverageWhere stories live. Discover now