Niva
"Is that her? She's the Vero you are all fussing about?", she asked in disbelief at maang na napatingin ulit sa gitna ng malawak na soccer field kung saan tanaw na tanaw niya ang mga walang pag-itaas na saplot na mga kalalakihan na nagpapasa-pasahan ng bola gamit ang mga paa na parte ng drills ng mga ito.
Napatirik siya ng mata sa mga ito.
Wala siyang paki-alam kahit pa National Champions pa ang mga ito. They all still look ugly even with those ripped muscles in pure display.
Sa kabilang parte naman ng field ay naroroon rin ang grupo ng baseball men suot-suot ang puting over all uniforms ng mga ito. Hindi ba maiinitan ang mga ito sa suot? Tirik na tirik ang araw! My gosh!
But it wasn't the reason kung bakit nakiki-usyoso siya kasama ang ilang mga estudyante. May taong kailangan niyang makita at ngayon ay nakabuntot na ang mata niya rito.
Tanaw niya mula sa kinatatayuan ang dalawang babaeng estudyante na naghahabulan at nag-aagawan ng kung ano. The two didnt even care na may soccer team na nagpa-practice roon dahil dire-diretso ang takbo ng naunang morenang babae at malakas na humahalakhak samantalang kasunod naman nito ay ang sumisigaw na mistisang babae na pulang-pula na ang mukha at hinahabol ito. Ang tulin ng takbo ng dalawa, obviously sporting their athletic prowess. Mukhang ang soccer team pa nga ang natigilan dahil sa paghahabulan ng dalawa sa gitna ng field kung saan sila mismo ang nagpa-practice.
"Yup!", malutong na malutong na sagot sa kanya ni Dione at humagikhik na parang bruha. Itinuro nito ang morenang babae. "That's the target. That's your target.", nanunuya ang tono nito.
She can't help but cringed as she wander her eyes again to the said girl. Nasa lupa na ang dalawa na gumugulong-gulong na sa pag-aagawan ng kung ano.
She have seen the tall girl so many times dahil palagi itong nakapirmi sa field kasama ang softball team na kinabibilangan nito. Kung hindi siya nagkakamali, narinig na rin niya ang pangalan nito mula sa pinsang si Helen na siya ngayong head ng cheer leading team kung saan obviously ay kasali rin siya. She's the co-captain pa nga. Helen mention a certain Vero just a couple of weeks ago. Something about a choco na gatas duo na mabilis na umaakyat sa social ladder dahil sa galing ng mga ito sa laro. At sophomore ay candidate na ang mga ito for team captain. And it won't take a genius to find out kung sino ang tinutukoy ng pinsan niya now that she saw the duo.
Hindi rin mahirap hanapin ang babae dahil matangkad ito at ilang beses na rin siya nitong muntik mabangga-bangga sa hallway dahil palagi itong tumatakbo. Pero ni minsan ay hindi niya pa ito nakakausap. Kung hindi ito nasa field, palagi itong nagmamadali. Now that she remembered, hindi niya pa nakita ang babae na nakapirmi lang sa isang lugar. She's always either with some group of students doing something or inside the field practicing and fooling around.
But still...
Of all the dare na pwede nilang ibigay sa kanya, yun pa talaga? Jesus! Not to sound homophobic or what(though she dont even care if she sound like one) but it's ridiculous! Not to mention that Vero girl is way too....bleh. No, she's really not that ugly but she isn't.. she's not even a looker to start with! And they want her to kiss the 'effin girl? Are they insulting her? They could have choosen a more decent girl and not someone who's still at the bottom of the school social ladder.
Are they trying to sabotage her popularity?
Naiirita man, pinili niya na lang na pakalmahin ang sarili. Isa lang iyong pustahan. Dapat maipakita niya what she's capable of. Hinding-hindi niya aatrasan ang dare kahit pa sabihing stupid talaga iyon at walang class.
"Gale, did you get her schedule?", binaling niya nalang ang paningin sa gawi ng dalagang nakabuntot sa kanya. Isa pa itong si Gale. Buwan-buwan kung magpalit ng kulay ng buhok! Sa lahat ba naman ng kulay na pwedeng ikulay, green pa talaga? Mukha tuloy siya may kasamang dahon. Urgh! Pero kelangan niyang tiisin ang mukha nito. May pinag-utos siya rito kahapon regarding na bet.
![](https://img.wattpad.com/cover/132493432-288-k735588.jpg)
YOU ARE READING
Just an Average
General FictionVeronica Alcantara is a typical female version of a school jock. Nothing to be impress about except the towering height and of course the exemplary performance in numerous sports . The friendly student was neither in the bottom nor at the top of the...