Niva's POVFOUR DAYS.
Four freaking days!!!
Apat na araw na ang lumipas pero wala maski isang plano niya ang naging successful.
The Vero girl is slick like a fucker.
Halos hindi nila ito mahagilap at mukhang expert rin ito sa pagtatago. Walang silbi rin ang nakuha niyang information sa schedule nito dahil bukod sa magkasabayan ang oras ng klase nila, hindi rin siya maka-arte sa mga professor para makapa-change ng schedule dahil maraming advance subject ang babae. Mas marami pa nga itong third year subjects kaysa second year and she doesn't even know na allowed pala yun sa school. The girl doesn't strike her as a smart one kaya nakapagtataka talaga ang dami ng subjects nito. Overloaded na ito.
"Nivs, guess what?", biglang sumulpot sa tabi niya ang nakangising si Dione pero imbes na lingunin, nagpatuloy lang siya sa paglalakad sa kahabaan ng hallway. She needs to go to the library dahil mayroon siyang kelangan na research material na hihiramin. "Alam ko na kung saan tumatambay si Lilith."
Naitirik niya na lang ang dalawang mata.
Wala siyang tiwala sa mga pinagsasabi ni Dionne. Ninety percent sa mga tsismis nito ay hindi kapani-paniwala. How could she even knows Vero's whereabouts eh halos party ito ng party. Mas madalas pa ito sa bar keysa sa school.
"What made you think I'll believe you?", mataray niyang tanong.
Sandali itong hindi naka-imik at alanganing sumagot.
"Gale told me?"
Napatigil siya sa tangkang pagtulak ng pinto ng library at nilingon na ito sabay taas ng kilay.
Well, Gale is a different story. Magaling ito sumagap ng totoong balita hindi katulad nitong si Dione na puro walang silbi ang pinagsasabi.
Sinenyasan niya ito na magsalita. Wala siyang paki-alam kung nakaharang ang mgabulto nila sa pintuan.
"Someone saw Lilith sa engineering department na parating tumatambay lately at balita ko rin, I mean according to Gale at ng source niya ay may dalawang babaeng studyante rin itong palaging kasa-kasama kung wala yung american volleyball girl. And they're using the secret entrance sa likod ng gym that's why hindi natin sila mahagilap."
Secret entrance? Sa likod ng gym? Meron-Wait. That explains why!
Kaya pala kahit anong abang niya rito sa gate ay hindi niya ito makita tuwing umaga kung may practice ang mga ito. At kaya pala noong isang araw na sinubukan niyang sundan ito sa likod ng gym ay bigla na lang itong naglaho na parang bula.
"Have you seen the secret entrance?", mabilis niyang tanong. Finally! She can have her revenge time.
"Nope", malutong na sagot nito sabay iling.
Sinamaan niya ito ng tingin.
Agad naman itong napatikhim bago ngumisi na parang aso. "But Gale knows."
Minsan ang sarap ding sabunutan ng babaeng ito. Ang daming segway sa buhay!
"Where is she?", iritadong tanong naman niya at tuluyan ng tinalikiran ang pintuan.
Research be damned.
Matagal pa bago sumagot ang kaharap at kunwari pang nag-isip. As if may utak naman!
"Andon sa gym, may hunk na transfer student eh."
Walang kaabi-abisong iniwan ang kasama na agad namang nagkumahog na habulin siya.
Dumiretso siya sa gym at agad namang namataan niya ang hinahanap.
Naitirik na lang niya ang mata dahil kahit ang layo pa niya mula rito, amoy na amoy niya na ang kalandian nito.
YOU ARE READING
Just an Average
Ficción GeneralVeronica Alcantara is a typical female version of a school jock. Nothing to be impress about except the towering height and of course the exemplary performance in numerous sports . The friendly student was neither in the bottom nor at the top of the...