Malapit na ang foundation day, dito ay magprepresent ng isang stage play ang buong fourth year class. Nagkaroon ng meeting ang mga Seniors. Dito siguro pag-uusapan namin lahat, castings, lahat na...... Pati LOVE LIFE!! Wehhh???
"Good morning seniors" bati ni Mrs. Felix
"Good morning Mrs. Felix"
"Yes sa susunod na buwan ay gaganapin ang foundation day natin. At dito ay magkakaroon tayo ng stage play. Ang stage play natin ay may pamagat na "The Prince and the Beast"
"Maam, maam alam na namin sino ang gaganap na beast wala ng pong duda iyon. Magvovolunteer pa siya. Si Annie po. Haahahahahahahaha" ang sigaw ni Gino. SHUTAAAPPPPP Gino!!!!
Tawanan lahat ng mga fourth year.
"Buti nga sayo" ang nakangiting bulong ni Helga
"Quite Gino. Quite seniors" sigaw ni Mrs. Felix
Hindi lang ako umimik, as usual anu pa ba ang bago? Wala naman di ba? Ganun na lang palagi!!!Lait dito lait diyan, lait kahit saan!! KAPAG AKO GUMANDA WHO YOU KAYONG LAHAT SAKIN!! HUH!!!!
"Babasahin ko kung sino-sino ang mga gaganap sa stage play na iyon. Ang story nito ay hango sa kwento ng Beauty and the Beast at Cinderella. Kung saan mag-iiba ang anyo ni Bettina pagsapit ng alas dose at mawawala ang sumpa nito kapag may umibig sa kanyang lalaki sa kabila ng anyo nito. Kailangan natin paghandaan ito ng mabuti para ipresent iyon sa mga manunuod. Ang ticket ng stage play ay nagkakahalaga ng 100 at mapupunta ito sa fund ng school natin para magpagawa ng laboratory building".
"Maam, maam buti si Bettina may pag-asang gumanda kahit saglit lang. Pero si Annie, parang wala na. Hahahahahaha" sigaw ulit ni Gino. Isa pa GINO NAMUMURO KA NA!!! Tignan natin hanggang saan ka!!
Nagtawanan ulit sila, sila sila lang naman!! Oo sila!!!
"Shut up Gino, isa pa at palalabasin na kita" galit na galit na sambit ni Mrs. Felix
"Girl alam na naming ikaw ang princesa diyan" feel na feel naman ni Helga!! Oo alamna this ka na! Trending!!!!
"Ang mga gaganap pumunta sa harapan. Ang gaganap na prinsipe Marco ay si James"
"Wowwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww!" sigaw ng mga kababaihan at nagpalakpakan. Pati sa baba pumalakpak.
Tumayo lang si James at pumunta sa harapan.
"Girl sana ako ang mapiling princess. Pagakakataon ko na ito." ang kinikilig na si Joanne
BINABASA MO ANG
My Crazy Love with Ms. Panget
Teen FictionAko, ako yung problema kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin yung sakit na nararamdaman ko. Kase ako yung humiling nito dba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh'. Umaasa pa...