Hinila ako ni James at lumabas kami sa studio, hindi pa tapos ang kanyang interview. Sumakay kami sa kotse niya, magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Ang lambot ng mga palad niya. Ganito pala kasarap ng feeling kapag kasama mo ang taong mahal na mahal mo. Ganito pala kasarap ng feeling na hawak-hawak ka niya at ayaw ka ng bitawan. Lahat ng sakit ay nawala. Lahat ay nawala.
"James, saan tayo pupunta?" ngayon ay nakangiti na ako. Hindi na ako umiiyak, at ngayon ay kasama ko na siya. Oo kasama ko na siya.
Tinignan lang ako ni James. Familiar ang way sa akin, kahit four years na iyon ay naalala ko pa rin ito. Naala ko pa rin ang lugar na ito dahil dito ay punong-puno ako ng memories. Oo, patungo kami sa St. Mary's hindi ko alam kung bakit kami papunta doon.
"Annie, andito na tayo" nilahad ni James ang kamay at inalalayan ako palabas.
Ang St. Mary's ang lugar kung saan ko naranasan ang pinakamasayang mga araw ko sa buhay, at dito ko din nakita at nakilala ang taong pinakamamahal ko. Ang sarap balikan ang mga ala-alang iyon. Ang sarap-sarap.
"James, anung ginagawa natin dito?" tanung ko sa kanya.
"Halika" nakangiti lang ito at pumasok na kami sa St. Mary's. Dinala niya ako sa dati naming building sa second floor ng building A. Clueless pa rin ako kung bakit. Umakyat kami, nagflaflashback na naman sa akin ang lahat ng ala-ala ko dito. May kinuha si James sa isang table. Ibinigay niya sa akin.
"Annie, naalala mo dito?"
Tumango lang ako. Tinignan ko kung anu iyong ibinigay niya sa akin, school uniform namin.
"Annie isuot mo" sabi nito. Habang isinusuot din niya ang polo ng St. Mary's.
"Sige James" sunod ko dito
"May ibinigay siya sa akin na libro" naalala ko na. Dito kami nagkaroon ng unang moment ng mabangga niya ako.
"Annie, pwede ba natin irewind kung paano tayo nagkakakilala" sabi nito.
Tumango lang ulit ako, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam anu ito.
Naglalakad ako at bigla akong binangga ni James
""Aray. Tignan mo naman ang dinadaanan mo" sabay hawak nito sa kanyang ulo ng nag-umpugan sila at nalaglag ang mga librong hawak-hawak ni Annie. Agad-agad na pinulot ni Annie ang kanyang mga libro na nahulog.
"Di ba sinupladuhan kita noon?" sabi nito na nakangiti
"Oo nga,nakakainis ka kaya" sagot ko.
"Annie ito sana ang sasabhin at gagawin ko noon" si James
"Ms. Are you ok? I'm sorry. I'm really really sorry" si James habang pinupulot ang mga libro.
"Annie, sorry hindi ko man lang nagawa iyon noon" si James
Ngumiti lang ako. Ok lang iyon James. Ang sweet ni James. Sunod kaming pumunta sa cafeteria. Hindi ko alam kung planado ba ito or shooting or anu?
BINABASA MO ANG
My Crazy Love with Ms. Panget
Teen FictionAko, ako yung problema kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin yung sakit na nararamdaman ko. Kase ako yung humiling nito dba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh'. Umaasa pa...