Bye high school life, welcome to another chapter of life, new journey. College life. Two weeks na lang at graduation na. Sobrang busy na namin, review dito, review doon. Final exams na naming mga seniors.
"Beb, ilang weeks na lang gragraduate na tayo. Hindi ako makapaniwala na natiis ko iyong pagmumukha niyong dalawa ng another four years. Sana naman sa college iba na makikita ko" ang hirit na naman ni Jen.
"Ang sama, buti nga kami ni Annie,napagtiyagaan ka" ang banat naman ni Tina
"Ahh ganyanan na pala ah?" tawanan na naman kaming tatlo.
"Beb,pakopya naman ako mamaya sa physics. Ang hirap naman kasi nung mga formula. Hindi talaga mag-sink-in sa kokote ko. Buti ka nga parang Einstein ang utak mo. Eh ako, swerte na lang ako kung makahalati ko ang physics"
"Sure beb, don't worry" ngiti ko lang sa kanya.
"Iyan ang gusto ko sa iyo Annie eh pangit ka man o hindi nagpapakopya ka pa rin" biro nito
"Ay naku nagbago na isip ko"
"Beb, joke lang iyon" puppy eyes.
Nagsimula na nga ang exams, sobrang hirap ang mga questions na ibinigay ni Ms. Amador. Nakakahilo, head bleed talaga. Tatlong exams na lang at finally makakahinga na kami ng maluwag. Ng sobrang luwag.Ng nasa cafeteria kami ay pumunta ulit si Nico.
"Hi girls, how's exams?" ngiti nito
"Ok naman dude, chicken" ang yabang ni Jen. Close na din sila ni Nico ah? Hahahahaha!
"Good" ngiti lamang nito. "So what's your plan after the exams? Since tapos na ang mga paghihirap natin maybe we desserve to have a party?"
"Game ako diya dude" sigaw ni Jen
"How about you Annie and Tina?"
"Ok lang Nico" sabi ko na lang.
"Ok, after our exams, magpapahouse party ako for all Seniors. Farewell party for our high school life"
Natapos na nga ang mga exams, sa wakas. Sa wakas. Tulad nga ng sinabi ni Nico ay innanounce sa lahat ng seniors na magpapahouse party siya sa Saturday.
"Beb,anu ba isusuot natin sa house party ni Nico"
BINABASA MO ANG
My Crazy Love with Ms. Panget
Teen FictionAko, ako yung problema kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin yung sakit na nararamdaman ko. Kase ako yung humiling nito dba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh'. Umaasa pa...