Una kitang nakita Ms. Annika Jane Cruz ng pumunta kami ng kapatid ko sa school niyo. Panget mo, nakakatawa ka. Nagpapara kayo ng jeep kasama si Tina at Jen. Walang tumitigil sa inyo siguro natatakot sila sa iyo. Hehehehe! Pero ang cute-cute mo lalo na sa Dora mong bag. Simula noon hindi ka na nawala sa isip ko. You're not beautiful that's the exact term, pero bakit parang iba iyong naramdaman ko ng una kitang makita "that girl is weird" napangiti na lang ako. Nagtransfer ako sa school niyo, hindi dahil nakick-out ako tulad ng sinasabi nila. Lumipat kasi kami ng bahay, malapit sa St. Mary's kung sa dati kung school isang oras pa ang biyahe. Malapit din naman ang Don Bosco pero sa inyo ako lumipat dahil andoon ka. Noong una kitang nakita napakainosente mo, tinanggal ko ang shades ko para magtama ang ating mga mata. Ayoko naman talagang tinitilian ako ng mga babae, dahil tili mo lang sapat na sa akin. Sinadya ko na magkaumpugan tayo dahil iyon lang ang alam kung paraan para makilala kita. Pero imbes na maging ok iyong first meeting natin, sinupladuhan kita. Galit na galit ka noon at umuusok na ang ilong mo. Nakangiti lang ako ng iniwan kita at tumalikod na. Lumingon ako pero wala ka na. Lagi kitang pinagmamasdan, lagi kang binubully at gusto ko lagi akong andiyan para kahit anung oras ay ipagtanggol ka. Ayokong nasasaktan ka Annika, hindi ko din maipaliwanag pero una pa lang kitang nakita mahal na kita. Wala naman ako pakialam kung anu pa ang itsura mo. Basta alam ko mahal kita.
Nung buhusan ka ni Helga ng ketchup sa buhok, nakatingin lang ako, hindi man lang kita naipagtanggol. Gusto kitang habulin noon ng makita kang umiiyak papapuntang cr pero hindi ko nagawa. Nilapitan ko si Helga at sinabing "Oras na gawin mo ulit iyon ako na makakalaban mo" lalong nainis sa iyo si Helga dahil doon. Nasa cafeteria tayo noon ng binubully ka nina Gino, hindi ko nagustuhan iyon. Kaya ng akmang sasaktan ka ni Gino dali-dali kung sinangga ang kamay. Ayokong nasasaktan ang babaeng mahal na mahal ko.
Alam kung ikaw yung naglagay ng cupcakes sa harap ng kotse ko. Hehehehe! Nakita kita kasama sina Tina at Jen-Jen na nagatatago sa may gilid. Sobrang saya ko nung nasa sasakyan ako. Noong umuwi nga ako pasipol-sipol pa, nagtanung si Mommy bakit ang saya ng binata niya sinabi ko lang "Ma, binigyan kasi ako ng cupcake ng babaeng mahal ko" ipinakita ko ito sa kanya. Ngumiti si Mommy. Dahil ngayon lang niya ako nakita na masaya. Ang dami ko ng naging girlfriend pero iba iyong kilig ko sa iyo. Nilagay ko iyon sa ref at may sinulat pang don't touch or even eat or else I'll kill you J. My notes ka doon na "Thank you J dinugtungan ko lang iyon ng Your welcome my love J"
Noong nagkaroon tayo ng stage play, gusto kung ikaw ang gumanap na si Bettina. Pero nalungkot ako ng si Cheska ang tinawag ni Mrs. Felix. Nabigla ako ng lumabas ka sa last part ng play, ikaw na ang gumanap na si Bettina. Ng makita kung mababagsakan ka ng props ay dali-dali akong pumunta para sanggain iyon. Tulad nga ng sinabi ko, ayokong nasasaktan ka. Iyong mga narinig mo noon, totoo iyon Annika. Noong pinuntahan mo ako at nagpasalamat ka sobrang saya ko noon. Kahit nasaktan ako, ok lang basta para sa iyo.
Kung ang iba ay napahanga, natuwa, sa malaki mong pagbabago. Ako hindi, mas gusto ko pa din ang dating Annika. Hindi mo naman kailangang gawin iyan. Para sa akin your more than beautiful just the way you are. Dumami ang nakapansin sa iyo, dumami ang karibal ko. Dumami ang kaagaw ko sa attensiyon mo. Inaway ka na naman ni Helga, noong makita ko kayo dali-dali akong tumakbo para awatin ka. Annie, ayokong nakikipag-away ka. Niyakap kita, oo niyakap talaga kita. At ng mga sandaling iyon na nakayakap ako sayo gustong-gusto kung ibulong sayo gaano kita kamahal. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko rin maintindihan.
Naparusahan tayo, pero gustong-gusto iyon dahil kasama kita. Iyon ang gusto ko, iyong lagi kitang nakikita. Inaway ka na na naman ni Helga, kung alam mo lang Annie. Ayokong mawala ka sa paningin ko, kaya kahit saan ka magpunta ay sinusundan kita. Gusto kung ako ang magpunas noon sa madumi mong mukha, ang cute mo pa rin Annika. Binigay ko sa iyo iyong polo ko ng makita kung basang-basa ang uniform mo. Hay Annika, para kang bata na nalublob sa putikan. Pero ang cute pa rin tignan. Noong niyakap mo ako, hinigpitan ko pa ang yakap ko. How I miss you Annie, how I want to be hug by you. Nakita kita na nakakatingin sakin ng pinalabas tayo nina Mr. Castro, natatawa ako noon sa iyo. Ehem Ms. Cruz kita po kasi ang panty niyo, kaya nakangiti ako noon. Hehehehehe! Dora ba?
BINABASA MO ANG
My Crazy Love with Ms. Panget
Teen FictionAko, ako yung problema kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin yung sakit na nararamdaman ko. Kase ako yung humiling nito dba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh'. Umaasa pa...