Chapter XII

381 6 0
                                    

Two weeks na lang at student council election na, I'm running for president. Si Cheska Lane Bismonte ang makakalaban ko. Siya rin yung matinding katunggali ko for valedictorian. Ginagawa ko na ang mga platforms ko for the campaign and also mga placards for VOTE ANNIKA JANE CRUZ for PRESIDENT with matching slogan na "A better future to come within my LEADERSHIP", etc. Malakas din kasi si Cheska although nakakalamang ako sa kanya in the recent survey ayokong makampante. SWS!!! XD

"Beb, ok na ba ito" tanung ni Jen sa ginawa niyang poster. Buti na lang may kaibigan akong artist.

"Wow beb, ang ganda naman. Thank's thank's talaga"

"Ayy walang thank you thank you sa akin. May merienda ito Annika. Aba ang hirap kaya gumawa nito. Tignan mo puro kalyo na kamay ko" oo nga naman namumula na mga kamay niya. Dami ko kasi pinagawa. Parang tatakbo akong Presidente ng Pilipinas.

"Hmpppp. Sige na nga, kain tayo mamaya sa Jollibee"

"Wooooowwww!!!"

"Ay dapat lang Annika. Eto order ko, two large fries, two cheeseburger, 1 caramel sundae, isang palabok, at large drinks" inilista nito. Hindi rin siya gutom noh? Pangconstruction worker talaga bituka nitong si Jen.

Habang abala kami ng mga party mates ko sa pagawa ng mga campaign materials, nakita ko na naman papunta si Nico sa amin. May dala-dala itong kartolina, pentel-pen, etc.

"Annie" kaway nito. "Can I help?" puppy eyes

Kilig na kilig na naman ang mg ka party ko na mga girls. Mga ito talaga makakita lang ng gwapo halos maglupasay na. KAYO NA MGA TEH!!!!!

 "Ahhh sige Nico. Thanks" at sinabi ko sa kanya anu maitutulong niya.

Magaling din pala magdrawing si Nico, isa din siyang artist gaya ni Jen. Hays, mas bagay talaga silang dalawa kesa sakin. Tinulungan ako ni Nico buong campaign period. Nagkabit siya ng mga posters, sumama sa mga room to room campaign ginamit ang charm sa mga babae. Todo support siya sa akin, na-aapreciate ko naman lahat iyon sa kanya. Hays, buti pa siya. Si James kaya? Alam ko si Cheska ang iboboto noon. At alam ko todo support din siya doon.

"Guys please listen, kindly vote for Annika Jane Cruz for President, one vote for her worth a kiss from me. So what are you waiting for fall in line now" ayun si Nico gumawa eksena sa gitna ng hallway. Itinaas ang mga kamay. Alam mo na pag gwapo lahat ng atensiyon makukuha niya. Tsssss.

Napalingon ako sa sinabi niya? Seryoso siya? Hala!!! Grabeeehh na ito!!! Nagbulungan ang mga kinikilig na mga estudyante at nag-unahan talagang pumila sa harapan ni Nico. Pati bading nakipila na rin makiss lang ni Nico. Seryoso nga ito, habang namimigay ng leaflets ko ay talagang hinahalikan ang mga pumila. Nagkagulo tuloy sa school at dinumog ang PARTY namin. Parang meet and greet lang ang nangyayari may nagpapicture pa, may tumalon-talon sa kilig.

My Crazy Love with Ms. PangetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon