Simula ng magandang pagbabago sa physical looks ko ay madami na rin ang nakapansin sa akin. Iyong mga dating gong-gong na umaalipusta sa akin ay nagpapacute na. Mas dumami din ang mga naging opportunities ko, na noong pangit ako sa kabila ng katalinuhan ko, ay hindi ko naranasan. Ganyan naman sila, pag pangit ka echepwera ka! Pag maganda ka kulang na lang pati upuan ni Queen Elizabeth ibigay sayo!! Ganyan mga mapanglait!!!
"Hi Annie" ang laki ng ngiti ni Arden para naman!! Woohhh!! Huwag ka nga!!
"Hi" sagot ko lang. Aba suplada aketch!! Lol
"Huwaaaahhhhhhhh beb, iba na talaga ang maganda. Akalain mo ang dating kasumpa-sumpa ang itsura, ngayon sinasamba na. Hahahahahaha" ang nakakasakit na namang hirit ni Jen. Ganyan siya!! Oo ganyan na yan!!
"Ayan na naman kaadikan mo Jen. Hayaan mo na nga lang at may nakakapansin na sa kaibigan natin" sabi ni Tina sabay batok dito.
"Aray naman masakit iyon Kristina Tan"
Ngumiti lang ako at parang nahihiya sa mga kaibigan ko.
"Girl, tignan mo kung sino ang bagong pinagtitinginan ng mga boys ngayon. Si Shrek!" ang sabi ni Pia. Dinig na dinig ko kahit malayo sila. Hahahaha.
"At girl parang palaos ka na ng palaos" nagtawanan sina Pia at Andrea
"What did you say Andrea" ang mataray na tanung nito. "Could you repeat it?" alah ka Pia. Alah ka!!! Ayan na salubong na kilay niya, butas ilong niya lumalaki na pati kulangot nakikita na!! Hahahaha!!
"Sorry Helga" yumuko na lamang si Andrea
"Hindi ako papayag na malamangan ng babaeng iyan. Gagawin ko ang lahat para bumalik ulit sa dati ang pangit na iyan. At hindi pa ako laos" push mo pa Helga!! More!! Magsampa ka ng reklamo sa barangay!!
"Let's go girls, at ipapakita ko ulit sa pangit na ito sino si Helga Ramirez" at pakendeng-kendeng na lumapit sa amin si witch!!
"Hi monster, owssssssss at tao ka na pala! Anung spell ang ginawa sa iyo ng mga bruha mong kaibigan at nagmukha ka na ring tao sa wakas" wow kailangan pa bang iparinig yan sa buong CAMPUS!!! MEGAPHONE GUSTO MO??? MAKAPANGLAIT WAGAS!!!
"Aba, andito na naman iyong demonyita. Sino kaya tinawag niyang bruha? Tayo ba?" sabay turo ni Jen sa sarili at tinignan si Helga.
"Shut-up lesbian" ang mataray na si Helga. Galit na naman siya, lagi na lang!!!
BINABASA MO ANG
My Crazy Love with Ms. Panget
Teen FictionAko, ako yung problema kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin yung sakit na nararamdaman ko. Kase ako yung humiling nito dba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh'. Umaasa pa...