Hindi pala madali ang buhay sa abroad, akala ng marami napakasarap. Kung alam lang nila kung gaano kahirap ang pingdaanan namin nina Papa, Mama, at Jek-jek. Salamat sa Diyos at nakatapos din ako sa Mohawk College. Grabeh talaga ang hirap, madami na din akong naging kaibigan na foreigner. Lumalabas din, party-party. Pero kahit kailan hindi ko nakalimutan ang mga best bebdy ko. Si Tina at Jen.
Ilang days na lang makakauwi na din kami sa Pinas. See you soon my loving country, see you soon! Sino pa nga ba ang makikita ko sa Pinas, kundi mga kaibigan ko. Mga batchmates ko. Sino pa nga ba ang inaasahan ko? Meron pa ba? Sa tagal ng panahon na wala kaming communication, siguro nagpakasal na sila ni Cheska. Siguro nga. Kahit pa nalaman ko na mahal niya ako, madami na ang nagbago. At hindi ko alam sa sarili ko kung may feelings pa ako sa kanya. Hays siguro he is not the man destined for me.
"Ma, excited na ako sa pag-uwi natin. Namimiss ko na sina Jen at Tina"
"Ako din anak, namimiss ko na din ang mga kumare ko. Sila lang ba ang namimiss mo anak? Sigurado ka?" si Mama intrigera talaga.
"Hays, Ma sa tagal ng panahon alam kung wala na akong aasahan pa sa kanya" buntong-hininga ko na lang.
Alam ni Mama ang tungkol sa amin ni James, ay mali pala. Alam ni Mama ang nararamdaman ko para kay James, siya ang naging comforter ko ng panahong sobrang sakit na. A mother knows everything talaga kahit magtago ka pa, ang sakit mo ay sakit din nila.
Yes, finally makakauwi na kami. How I miss you my friends, my bayan. Hahahaha! Trying hard inglisera. Ang dami kung pasalubong kina Jen at Tina. Ilang buwang sahod ko din iyon ha? Hahahahaha!
Gabi na ng makarating kami sa Pinas, almost 16 hours din na biyahe iyon ang sakit sa pwet. Ang sakit sa ulo, jetlag lang ang peg. Wala pa rin pinagbago ang Pinas. Ganun pa din. Maganda pa rin. Theres no such place like home talaga. Ng sinabi ko kina Tina ay tuwang-tuwa sila, hindi ko lang sinabi ang exact na time kung kailan kami dadating. Para surprise. Ilang minutes na lang makakahiga na ulit ako sa aking pink na pink na kama. Hays Annika, hindi ka na high school. You're already a woman. Habang papalapit kami ng papalapit ay hindi ko maitago ang pananabik sa mga kaibigan ko. Namiss ko ang dalawang bruhang ito. Musta na kaya sila? Mas gumanda ba? Kasi pag sa skype Malabo eh! Hahahahaha! Nakarating na kami sa bahay mga 1 a.m na, pero gising na gising pa sina Tita. Sobrang saya nila ng makita kami, nagyakapan kami, nag-iyakan. Sobrang miss ko sila.
"Anak, mas lalo ka pang gumanda. Naku binata na si Jek-jek" si Tita oh pasip-sip. Oo huwag kayo mag-alala, may pasalubong kayo. Dami nga eh! Hahahaha!
"Tita its Jake po" biro ni Jek
"Tita naman, andito pa ba sina Jen at Tina?" ang sabik kung tanung
"Oo anak, nasa kwarto mo sila. Kanina pa nga mga iyon. Nakatulugan na nga nila dito sa sala hintayin ka, kaya sinabi kung umidlip muna sila sa kwarto mo"
Dali-dali akong tumakbo sa kwarto ko, wala na akong pakialam sa mga pasalubong magdive sila kung gusto nila. Miss na miss ko na kasi ang mga ito. Dahan-dahan kung binuksan ang kwarto. Pumunta ako sa gitna nila, ang himbing ng mga tulog. Naku mas lalo pang gumanda ang mga ito. Kinanta ko ang friendship song namin.
"Ehem, salamat at tayo'y nagkasama muli .................sa lungkot at kaligayahan tunay na kaibigan palaging maasahan" nagising ang dalawa. Nabigla sila ng makita ako.
"Beeeeeeeeeeeeeeeebbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbb" sigaw ng dalawa at niyakap ako. Lumundag sila sa tuwa.
"Bebs, I miss you so much" niyakap ko sila at naiyak na ako.
Nag-iyakan kaming tatlo, hays kami pa din ang dati. Ang dating powerpuff girls. Namiss ko sila sobra. Nagkwentuhan kami, lahat-lahat. Isa na palang writer si Tina sa isang men's magazine. Natupad na din niya ang matagal niyang pangarap. Si Jen naman, ay nagkakaroon daw ng mga gigs sa mga bars. Magaling kasing kumanta ito, isa din siyang supervisor sa isang company. Very successful na ang mga bebs ko, at super proud naman ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Crazy Love with Ms. Panget
Teen FictionAko, ako yung problema kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin yung sakit na nararamdaman ko. Kase ako yung humiling nito dba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh'. Umaasa pa...