<3 MARRIED TO A PROFESSOR 7 ❤

7.3K 140 0
                                    

❤ MARRIED TO A PROFESSOR ❤

CHAPTER 7

KONSENSYA

"Mommy! may kaibigan na po ako!" Masaya Kong sabi sa kabilang linya. Alasotso na ng Gabi. Nasa study table ako Ngayon para mag review. May quiz na naman kasi Kami e.

Ibinalita ko kay mommy yung pagsali ko sa volleyball Tsaka ang pagkakaroon ko ng bagong kaibigan. Tuwang tuwa nga si Mommy e kasi finally magkaroon din.

"I'm happy for my baby! Love may friends na daw ang baby natin!" Sabi ni Mommy, katabi niya Siguro si daddy.

"Really? I want to meet them baby okay?"Sabi ni daddy.

"Yes po daddy, Dadalhin ko Sila diyan soon.".

"I'm excited to meet them!.... Hahaha anyway how are you? how school?"

"Everything is fine... I guess." Napabuntong hininga ako. Naalala ko yung nangyare about me and Cheska. I have a bad feeling that something is going to happen. First time ko lang to naranasan e.

Napagisipan ko na lang na wag Sabihin sa kanila. Baka kaya Kong masolve yung problem ko. Maliit na bagay lang naman yon. Sana nga.

"It seems your not sure baby? What happen?"

"Ah nothing mommy, sana makapasa ako sa quiz." pagdadahilan ko.

"alright, wheres your husband by the way?" Napangiwi ako.

"Nasa couch po mommy, Maaga pong natulog."

"Wait what?! Nasa couch? Don mo siya pinapatulog?" anas niya

"Ha? No mommy, he insisted."

"Grabe ka naman Anak. Love o, ang bad ng baby natin. Pinapatulog ang asawa niya sa couch." Napangiwi ako. "Alam mo namang pagod yan sa trabaho, stress lagi tapos sa couch mo pinapatulog? Asan na yung mabait Kong baby?" Malungkot kunyari na dagdag niya.

"E mommy, siya naman po nagsabi e," Sabi ko. Kinokonsensya ako nila mommy. At ang Nakakainis natatamaan ako.

"Wala, Galit ako sayo. Di ganyan ang baby ko. Babye na."

"Pero momm---" *toot toot toot.

Napabuga ako ng hangin. Anong gagawin ko? Galit talaga si Mommy sa akin. Di ko naman gustong patulugin siya doon e. Niligpit ko ang gamit ko at ipinasok yon sa bag ko.

Nagdadalawang isip ako kung gigisingin Ko siya. Baka magalit? Kasi diba may Ayaw magpaistorbo, lalo na kung pagod? Pero lalong Magagalit si Mommy?

Lumapit ako sa pwesto niya. Tulog na tulog siya. Gigisingin ko pa ba? Mukang pagod na pagod talaga siya. Bigla akong naawa, hirap na hirap kasi siyang Humiga. Ang bad ko nga talaga.

Sinubukan Ko siyang tapikin sa balikat. Di naman siya nagising. Sinubukan ko ulit pero this time gumalaw na siya. Tinapik ko ulit siya Hanggang sa magmulat siya ng Mata.Kinabahan na naman ako. Lagi nalang ...

Napabangon siya ng makita ako. Nagkuskos pa siya ng Mata. "May Kailangan ka?" tanong niya.

"Ahh..ehh.. ano kasi.. ano..nagalit si Mommy sa akin." panimula ko. Nangangapa pa ako ng sasabihin ko,

"Ha? Bakit daw?"

"Ah kasi daw, ano .. Ahh.." Paano ko ba sasabihin? Haystt! "Kasi diyan daw kita pinapatulog!" mabilis kong Sabi kaya Napayuko ako..Narinig ko ang pagtawa niya, jusq Kinakabahan kaya ako. Tapos tatawa lang siya?

"Ahhh, Hahahaha so Anong gagawin ko?"

"D-don ka na lang s-sana sa kama matulog.."

"E Ikaw? San ka? magtatabi tayo?" mas Lalo akong Kinabahan..

"Ha? A-ano, palit tayo. Ako na lang diyan sa couch. Bahay mo naman to e. Kaya Don ka sa Kama mo." utal Kong sabi. Tumawa na naman siya..

"Hahahah Ayoko nga, di ako papayag." napaamang na naman ako. Ano pala dapat Kong gawin? Bakit di na lang siya Pumayag diba? Para Tapos na usapan.

"E?"

"Concern ka ba?" Nagulat ako sa tanong niya.

"Oo naman, kasi ang hirap kaya matulog sa couch." Nahihiya Kong sabi.

"Tabi na lang tayo."

"Ha?!"

"Bakit? Concern ka naman diba?"

"O-oo nga, p-pero k-kasi.."

"Inaantok na ako, gusto ko ng matulog. Stress na stress na ako sa mga estudyante ko tapos may nakasagutan pa akong kasamahan Ko sa Faculty. Kulang ang Tulog ko ng nakaraan. Ngayon lang ako nakatulog ng Maaga.Kaya Sige na please matulog na tayo." bigla ulit akong nakaramdam ng awa sa kanya. Hindi ako makapagsalita Kahit makatingin hindi Ko rin nagawa. Parang nagsisisi tuloy akong ginising ko siya. Ang lamya ng Mata niya.

"Tara na,"

Nagaalangan naman ako kung matutulog ako sa tabi niya. Hinawakan niya pa ang kamay ko at iginaya sa Kama. Di ako mapakali. Di pa ako handang tumabi sa kanya e. Pero wala akong takas, Humiga na siya at ipinahiga niya na rin ako sa tabi niya.

"Pwedeng payakap?" Nanlaki ang Mata ko sa tanong niya."Pampatanggal stress lang." dugtong niya. Di pa ako nakakasagot ay yinakap niya Agad ako. Lumakas na naman ang pagkabog ng dibdib ko. Di ako makahinga! Kinuha niya pa ang kamay ko at inilagay sa bewang niya kaya Pati ako nakayakap na rin sa kanya. Katapat ko tuloy ang malapad niyang dibdib Tapos naka patong sa ulo ko ang baba niya. Shemmaayy! Sobrang lapit niya sakin! I'm speechless!

"Pwedeng kwentuhan mo ako about sa volleyball niyo?" Nagulat ako sa pagsalita niya. Naramdaman ko din ang pagsuklay niya sa buhok ko gamit ang daliri niya.

"A-akala ko ba antok ka na?" tanong ko.

"Kaya ko pa namang makinig." Sabi niya.

"Ahh okay" Sabi ko. Patuloy pa rin siya sa paghaplos sa buhok ko. Nakaramdam naman ako ng antok. Gustong gusto ko talaga lagi ng may humahaplos sa buhok ko, Laging ginagawa sa akin yon ni Mommy Nung bata pa ako.Pampatulog.

"Sabi nila official player na raw ako ng university. Tapos bukas na daw magpapagawa ng Bagong jersey para sa team." Sabi ko.

"That's nice. Kailan laban niyo?"

"after 2 weeks daw."

Naramdaman Ko ang pagtango niya. Patuloy parin siya sa paghaplos kaya papikit na talaga ako.

"May favor ako, pwede bang apelyido ko ang ilagay mo sa Jersey mo?"

Napangiti ako, Kahit di niya hilingin yon naman talaga ang maisusulat Don. Kasi yun ang nakaregister sa University. 'Arianna Lalaine C. Montel' ang pangalan ko sa room.

"Sige." pagpayag ko.Napahiwalay siya sa pagkakayakap sa akina tinignan niya ako.

"Talaga?" manghang tanong niya.

"Mm." tugon ko. Yinakap niya ulit ako. Ipinaunan niya sa akin ang braso niya. Di na ako umangal.

First time Kong maramdamang komportable sa tabi niya. Nakaramdam ako na para bang ligtas sa gitna ng mga braso niya.

"Salamat."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. at doon na nagsimula ang pagsabog ng nararamdaman ko..

To be continue..

Married To A Professor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon