❤ MARRIED TO A PROFESSOR ❤
Chapter 12
MAHAL NA MAHAL
Napakalakas ng tugtugin Dito sa loob ng bar, pero Kahit gaano kasaya ang tugtugin ay di mo magawang makiindak dahil wala ka sa wisyo. Ramdam Ko ang kasiyahan ng mga tao sa loob ngunit di naaayon sa mood ko.
"Pota pare, Anong dating gawi Dito, e tinataboy mo Lahat ng mga babae Dito? Paasa ka Pre ah!" singhal ni Kal.
"Gago, nagtino na kasi yan! Ikaw na lang hindi! Puro ka babae!" asik ni Wayne.
Sila nga pala ang mga barkada ko simula highschool. Si Kal ay Isang engineering student samantalang si Wayne ay may negosyo na peryahan. Remember the peryahan na pinuntahan namin ni Ara? Siya yung clown na yon.
"Yan ba ang nagtino? E Pre? nagiinom? gaga ba u?" Sinamaan ko lang ng tingin si Kal.
"Oy pre, akala ko ba bagong buhay na? Asan na ba yung cute mong asawa?" tanong naman ni Wayne.
Napabuntong hininga ako. Iniwan ko siya sa school. Alam Kong di yun aalis ng wala ako. Sana maisipan niyang Umuwi na lang at wag ng maghintay sa parking lot.
"Oy sumagot ka nga?! Nagaway ba kayo?" tanong ni Wayne.
Tinignan ko lang siya at nilagok ang bote ng beer.
"Hoy Lloyd, Diba Sabi mo takot si Ara sa mga lasing? Bakit naglalaklak ka Dito?" tanong ni Wayne.
Sa kanilang dalawa kay Wayne ko unang ikinuwento kung anong klaseng babae si Ara, sa kanya ko kwinento yung mga kinatatakutan niya o kaya mga bagay na Tungkol kay Ara. Kal is a very busy person. Buti nalang nga nakasama pa siya sa amin e.
"Wag nga kayong Maraming tanong!" asik ko. Di ko Sila pinansin. Badtrip na nga ako e, dadagdag pa Sila.
"Oyy pare kinasal ka na. At ang asawa mo hindi Basta Basta. Masyado pa siyang bata, bata magisip. Alam ba niyang Nandito ka? Teka bat ba kayo nag away?" tanong ni Wayne.
"Hindi kami nag away, di niya Alam na Galit ako. May nalaman kasi ako. Sa Sobrang wasak na wasak ako pare kaya intindihin niyo na lang ako pwede?" Inis na Sabi ko.
"Tangina! ang pakboy, wasak na wasak. Nagbago na nga Hahaha! Pero pare Seryosong usapan. Alam ko din ang ugali ng asawa mo. Masiyado siyang maramdamin. Di niya kayang may nagagalit sa kaniya. She's too weak and fragile kaya kung ako sayo ayusin mo na ang problema niyo bago siya magbago." ani Kal.
I know Masyado siyang mahina para sa mga ganitong problema. Lumaki kasing nakadepende sa mga magulang. Hindi siya spoiled kasi alam niya ang limitasyon niya. Hindi maarte, hindi mapili, hindi namimilit ng mga bagay kapag Ayaw mo. Marunong makiramdam.Ang problema lang ay di Marunong lumaban.
"Pre ano nga kasing problema at Nandito ka?" tanong ulit ni Wayne.
Bumuntong hininga ako at saka ikwinento ang mga narinig ko. Sobrang sakit sa Pakiramdam na okay na e, parehas na Kami ng nararamdaman. Akala ko Totoo e, naramdaman ko namang Totoo siya sa feelings niya. Pero Bakit ganun? Yung pangarap mo Sobrang taas na e Biglang Bumagsak.
"Tae ka Pre! Magiging chismoso ka na lang rin naman dapat nilubos lubos mo na. Tanga mo rin ano? Tas pupunta ka Dito? magpapakalunod sa alak? gaga ba u? Naturingang guro, Bobo naman pala." usal ni Kal. Ito si Kal, masakit magsalita, direct to the point Lagi. Yung gusto mong magalit sa kanya pero narealize mong tama pala siya. "Eto Pre, para sigurado ng iyong iyo na talaga? Buntisin mo na agad.HAHAHAH"
"Tanginamo" anas ko.
"Joke lang, baby pa naman si Ara e Wuahaahahaha"
"Gago" pagmumura Ko ulit. Lumagok ako ulit ng isang bote.
BINABASA MO ANG
Married To A Professor (COMPLETED)
Teen FictionIsang lalakeng mahal na mahal ang pagtuturo. At Isang babaeng mahal na mahal ang nagtuturo. ❤