❤ MARRIED TO A PROFESSOR ❤
Chapter 8
SUGAT.
Ngayon ang start ng practice namin sa volleyball. Inexcuse Kami kanina ni Jane. Siya pala captain ball namin e. Nakuha ko na rin ang jersey ko at suot suot ko ito Ngayon. Black and blue yung Jersey namin. #19 MONTEL. Napangiti ako ng maalala ko na naman yung favor niya. Hahaha. Sabihin na nating kinilig ako. Di na maiiwasan yon diba? hehehe.
May Bago din Kaming coach, kanina ko lang Nakilala. And he's a gay. Napaka-strict kaya niya. Kanina pa niya ako nirereal talk Huhuhu.
"Akala ko ba player ka na Dati? Asan? Di ko makita! Masyado kang pabebe! Ang hinhin mo maglaro!" singhal na naman niya.
Yung Magandang mood ko kanina nawala, kanina pa ako pinapagalitan niyan e. E ako naman tong si madamdamin kanina pa naiiyak. Pinipigilan ko lang kasi Sabi niya ayaw daw niya na may iiyak sa harapan niya. Pakiramdam ko tuloy ang hina hina ko.
"Oy, volleyball to teh, wag mong artehan! Umpisa pa lang to ah? Break muna! Jusko!" nagwalkout siya sa harapan namin.
Pasimple kong pinunasan yung luha ko na trinaydor ako. Kainis ang ganda ng Gising ko e tapos iiyak lang ako?
"Uy tih! Hayaan mo yan si Coach! Inggit lang yan sa beauty mo!"
"Oo tih! Di ka naman pabebe, maganda lang!"
"Tikasan mo maglaro. Pakitaan mo yung baklang yon!"
Pinilit Kong ngumiti. Salamat sa pangchecheer-up nila. Middle blocker ang position ko. Matangkad naman ako e nasa 5'11 ang height ko. Ako kasi pinakamatangkad Dito. Sunod si Sha-sha na middle blocker rin. Si Yumi ang setter, outside hitter naman si Jane, opposite spiker si Maggie, may isa ring bagong member si Alice na utility spiker naman at ang pinakamaliit namin ay si Anggie na libero.
Nagpupunas ako ng pawis sa likod ko ng may makita akong mga pares ng paa. Napaangat ako ng tingin at Nakita ko ang mga kalalakihan na Tingin ko ay mga basketball player. Anong meron? Bakit nasa harapan ko sila?
"Hi, you're Arianna right?" tanong Nung lalake na nasa gitna. Alam Kong famous Sila Dito sa campus but I don't know their names. Tumango lang ako.
"Nice meeting you! Sobrang Ganda mo nga talaga ng malapitan.. Sherwin nga pala, captain ball ng basketball team."
Napatingin ako kila Yumi na para bang humihingi ng tulong. Di ko kasi Alam kung Paano ko siya kakausapin..
"Oy oy oy oy, Nakahanap na naman kayo ng bibiktimahin! Ako na Nagsasabi sa inyo wag yan! Magsialis nga kayo! Nagpapractice Kami!" anas ni Jane.
"Grabe ka naman Jane! Nakikipag kilala lang e!"
"Oo nga, bawal na ba yun?"
"Oo! atska kilala ko na kayo! Wala kayong mauuto Dito!" singhal ni Jane. Buti na lang wala pa si Coach. Kundi lagot ako Dito.
"Ang OA mo Jane!"
"Di ako OA Nagsasabi lang ng totoo."
"Alright, wala akong masamang gagawin. Makikipagkilala lang. Walang Iba.... So I'm Sherwin its nice to meet you." he said and then smiled at me. Inabot niya ang kamay niya sa akin. Napabuntong hininga ako. Tinanggap ko na lang yun para manahimik na siya.
"Nice to mee--- *Pak! Aww!" napadaing ako sa sakit at humawak sa pisngi Kong nasampal. Ang sakit huhuhu.
"Pasimple ka ring lumandi e no? Yung akala mo mahinhin pero maharot sa kaloob-looban?"
"Hoy! Cheska! Bakit mo sinampal!? Ang boyfriend mo ang Lumapit sa kanya, wag mo siyang itulad sa kalandian mo! Mas malandi ka!" singhal ni Sha-sha.Nakahawak pa rin ako sa pisngi ko. Ang hapdi na niya. May singsing pa yung daliri niya kaya dagdag sakit.
"Wow ha? Siya Yong Nakahawak Sa kamay ng boyfriend ko! She's more than a slut kesa sa akin!"
"Cheska! Stop! walang Kasalanan si Arianna Dito." pagsuway ni Sherwin sa kanya.
"Ano? Kakampihan mo pa yang haliparot na yan? Inaagaw ka niya sakin!"
"Walang ganong nangyayari! Alam mo kung patuloy kang ganyan? Let's just break up! Nakakasawa ka na! Nakakasakal pa!" Sherwin said and walk-out.
"Kita mo? Ano na ngayon? Break na Kami! And its because of you! SLUT!"
"A-aray!"
Napadaing ako sa sakit ng hilahin niya ang buhok ko. Umagos na ang luha ko ng tuluyan. Yung sabunot niya sakin Kasama Pati anit!
"Malandi ka!Malandi!"
"Stop pleaseee," pagmamakaawa ko.Pinipilit Kong alisin ang pagkakasabunot niya sakin.
"Cheska, Bitawan mo siya" Sabi ng mga kasamahan ko.Pero di siya Tumigil . Naramdaman ko ang kalmot niya sa braso ko.
"Kasalanan mo to! Kasalanan mo!"
"Aww, please let me go!" buong pwersa ko siyang tinulak kaya napabitaw na siya sakin.
"Nakakadalawa ka na sakin e. Nung isang araw ka pa Alam mo ba yon? Diba Sabi ko sa sayo, pag nagkita tayo ulit lagot ka na sakin?"
"Diba Sabi ko rin sayo, pagnagkita ulit tayo tatablahin na kita ng Bat ko?" Napalingon ako sa nagsalitang yon. Si Khaivy na may dala na namang bat.
"Mangingialam ka naman? Its just between me and this slut! Wag kang makealam!"
"Gago ka ba? Malamang makikialam ako dahil kaibigan ko! Wala kang karapatang tawagin siyang Slut dahil sayo nababagay yon! Kilala mo ba tong babaeng ginalusan mo? Kapatid yan ng professor mo."
"Oh? talaga ba? Kahit Anak pa yan ng mayari. Kapag humarang sa daan ko, wala akong pakundangan!"
"Ahh gusto mo ng sample? Sige tawagin mo nga Si Sir Lloyd ng makatikim!"
Nanlaki ang Mata ko sa Sinabi ni Khaivy.
"Huwag! wag mo na tawagin please.." pagpigil ko kay Khaivy. Ayaw ko
ng dumagdag sa isipin ni Sir Lloyd e."Anong wag?" nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig Ko ang boses niya. K-kanina pa siya nandyan? Bigla na namang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa mangyayari.
"S-sir Lloyd, i-it was her fault!"
"I saw everything Ms. Flores. All of you Dean's Office. Now."
Natakot ako sa pagsasalita niya.Shit! nanginginig yung tuhod ko! Nanatili akong nakayuko, ayokong makita ang reaksyon Natatakot ako e. Naiwan akong nakatayo doon, nauna na Silang maglakad. Di ako makagalaw.Yung kanang braso ko Nakahawak sa pisngi ko. Ramdam ko parin ang init at hapdi don samantalang ang kaliwang kamay ko ay hinihimas ang braso Kong Maraming kalmot. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin.
"Nung Isang araw pa pala kayo nagkakainitan ni Ms. Flores di mo na naman Sinabi." malamig niyang Sabi. Napa luha na naman ako. Di ako nagsalita. Galit siya.
"Tiisin mo yan, wala akong planong gamutin yan. Halika na, umuwi ka na." malamig niya na namang Sabi.Kaya mas Lalo akong napahagulgol.
Sirang sira na talaga araw ko.
To be continue..
BINABASA MO ANG
Married To A Professor (COMPLETED)
Teen FictionIsang lalakeng mahal na mahal ang pagtuturo. At Isang babaeng mahal na mahal ang nagtuturo. ❤