MARRIED TO A PROFESSOR 33

6.5K 137 0
                                    

❤ MARRIED TO A PROFESSOR ❤

Chapter 33
“Mamimiss ka namin Sir Pogi”

“Hindi ka po namin makakalimutan”

“Ikaw po yung dabest na teacher para samin.”

“Waahh naiiyak ako!”

Napangiti ako ng magsipagyakap sa akin ang mga estudyante ko. Ngayon ang huling araw ko sa pagtuturo. Nakapagdesisyon na ako. I’ll choose that fucking business over my beloved students. I need to. Mahal ko sila pero buhay ko si Ara. She means my world to me.

“Mamimiss ko rin kayo. Basta aral lang ng mabuti…” usal ko.

“Sir Lloyd! Makikita pa ba namin kayo?” tanong ng isang estudyante. Nginitian ko sila.

“Hmm? Siguro? Kung magtatrabaho kayo sa kompanya namin.” Sabi ko at nagtawanan naman sila.

Isang buwan… isang buwan akong nagmukmok, isang buwang nawalan ng direksiyon, isang buwang nangungulila. At sa isang buwan na yon, nakapagisip ako. Salamat sa anak kong hindi ako iniwan. I already made my decision. Papasok ako sa business world. Hindi lang para sa mga impormasyon tungkol sa asawa ko dahil kahit wala ang deal na yon ay kailangan talaga alam ko lahat. Coz Im the husband for goodness sake. I deserve to know everything. Pumayag ako sa deal dahil gusto kong patunayan sa kanila na kaya kong pasukin ang mundo kung saan nabuhay ang asawa ko. Kung saan ko siya nakilala at kung saan kami pinagtagpo. Kaya kong pasukin ang business world. Dahil gusto kong sa pagbalik niya successful na ako. Kaya ko ng pantayan ang mga magulang niya. At hindi na nila basta basta kukunin siya kasi sa oras na yon, makapangyarihan na ako.

“Lorjames are you ready?” tanong ko sa anak ko na kakabirthday lang nung isang linggo. He is now 8 years old. Hindi na na namin nagawang magpaparty dahil wala ang Mama Ara niya. Sabi niya saka na lang daw pag nandito na raw siya. Sa isang buwan siya lang ang nakasama ko, siya lagi ang nagpapaalala na babalik pa siya, gagaling siya, at mgiging masaya ulit. Hindi niya ako iniwan kahit araw-araw pinapagalitan ko siya pero di siya umaalis sa tabi ko dahil bilin daw yun ng Mama niya.

Kung noon di ko kinaya ang isang linggong pagalis niya, ngayon ay mas lalong di ko kinaya kasi wala akong kasiguraduhan na kung kailan siya babalik. Basta ang alam ko babalik siya. Hindi siya pwedeng hindi siya babalik. Hind man ako pinayagang sundan siya pero kapag naubos ang pasensya ko sa kakahintay, hindi na ako magpapapigil.

“Yes po boss” aniya at nagsalute pa. Simula ng malaman niyang magiging boss na ako sa kompanya namin ay tinatawag niya na akong boss. Ginulo ko lang ang buhok niya.

Ito na ang pangatlong buwan ko bilang boss ng kompanya. Sa tatlong buwan ko ay lagi akong galit, araw araw may natatanggal na empleyado. Ibang iba ang pinapakita ko sa bahay at dito sa trabaho. My employees often called me the Heartless Boss. Di na raw ako naawa sa mga empleyado. Well, umpisa pa lang naman naglatag na ako ng patakaran. Iisa nga lang yon e.

“Don’t make any stupid moves in front of me or behind my back. And if you do, Without any warnings, You are fired.” And they agree. This is how a professional works.

Pagkapasok na pagkapasok namin ni Lorjames agad na nagsitabi ang mga tao. They look scared, aligaga, kinakabahan sa presensya ko.  Gumagalaw sila at pinipillit na maging perpekto sa paningin ko.

“Good morning Sir.” Bati ng mga empleyadong nadadaanan ko.  Pero ni isa ay wala akong pinansin at patuloy lang sa paglalakad. Ganon lang palagi, act like a man and work like a boss.

Sumakay kami ng elevator hanggang sa makarating kami sa office ko. Si lorjames naman ay umupo lang sa sofa. Dahil sabado ngayon isinama ko siya. Sabado at Linggo ay nandito siya, dito niya ginagawa ang mga assignments niya at tumutulong rin siya sa akin dito sa opisina. Well yeah, just so you know, minsan hinihingi ko ang opinion niya pag may nagbibigay ng proposals sa akin and yeah.. ang laki ng tulong niya. For a 8 years old, malawak na agad ang alam niya sa mga ganitong bagay, masyado siyang matalino at mahirap siyang kausap. Totoo yun.
*TOK! TOK! TOK!

Married To A Professor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon