❤MARRIED TO A PROFESSOR ❤
Chapter 20
Napamulat ako ng Mata dahil Nakaramdam ako ng uhaw. Napatingin ako sa katabi kong Tulog na Tulog. Nakapatong pa sa akin ang kamay niya habang nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko at Bumangon. Lagi na lang ako nakakaramdam ng uhaw tuwing disoras ng Gabi. Ano bayan. -,-
Bumaba ako papuntang kusina, kumuha ako sa ref ng maiinom. May Nakita akong cupcake kaya Bigla akong Nakaramdam ng gutom. Kaya walang ano ano ay kinuha ko ito at kinain. Pagkatapos non ay umakyat na ako sa taas. Nadaanan ko ang kwarto ni Lorjames. Sinubukan Kong buksan ang pinto at Don ko siya Nakita, Gising parin siya?
"Ate Ara." tawag niya sa akin.
"Can't sleep?" I ask. Pumasok ako sa loob at sinarado ko ang pinto. Pumunta ako sa Kama niya at Umupo sa tabi niya.
"Opo." aniya.
"Gusto mo tabi ulit tayo?" nakangiting tanong ko.
"Lagi mo na lang po Iniiwan si papa sa pagtulog, Baka magalit na po siya Ate Ara." usal niya.
"Psh-,- hayaan mo siya, Malaki na yun."
Napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang pagikot ng doorknob. Napalingon ako kay Lorjames na nakatingin naman sa akin.
"Baka si papa po yan" Sabi niya.
"Usog ka muna Hanggang dulo. Tas kunyare Tulog na tayo." Sumunod naman siya sa Sinabi ko. Umurong siya sa pinakadulo ng Kama. Ako naman sinakop ko ang buong Kama. Tuluyan na ngang nagbukas ang pinto. Iminulat ko ng patago ang isa kong Mata. Siya nga. Pero may dala siyang unan. Huwag niyang sabihing dito din siya matutulog? Naramdaman Kong iniurong niya ang paa ko. Pero ibinalik ko ulit yun sa dating pwesto. Iniurong niya na naman, Ngunit ibinalik ko ulit. Ginawa niya ulit pero Binalik ko lang din Hanggang sa tawagin niya na ang pangalan ko.
"Wala Umalis Tulog." Sabi ko.
"Okay" yun lang ang sinabi niya? Nagulat na lang ako ng Humiga siya sa akin.
"Waaahh, naiipit ako! Umalis ka diyannn! Ambigat mo kayaa!!!" anas ko habang pinipilit ko siyang paalisin sa pagkakahiga sa akin. Ano bang naisip nito't Humiga sa akin? Alam ba niyang ang laki niyang tao?!
"Akala ko ba wala Umalis Tulog?" pangaasar niya.
"Che!" singhal ko. Umalis na siya sa pagkakahiga sa akin. Tatabi sana siya sa akin kaso sinipa ko siya sa likod at hinila ko si Lorjames sa tabi ko. Kaya no choice siya kundi sa kanila siya hihiga sa tabi ni Lorjames.
"Papa, dito ka rin po matutulog?" tanong ni Lorjames
"Mm. Lagi na lang ako Iniiwan ng mommy mo sa pagtulog e." nagpintig ang tenga ko. Ano raw?
"Anong mommy?!" singhal ko.
"Edi Mama" sabi niya.
"Mama?!"
"Inay"
"Inay?!"
"Ano bang gusto mong itawag niya sayo ha?!" siya naman ang sumigaw.
"Mama niya ako?" takang tanong ko.
"Bakit? Ayaw mo?" Inis niyang tanong.
"We?" di parin ako makapaniwala. Seryoso siya?
"Ikaw ang asawa ko kaya Malamang Ikaw din ang mama niya!" anas niya. Napakunot ako ng noo.
"Ganun ba yon?" takang tanong ko.
"Ay Jusko ! Ikaw na ang mama niya simula Ngayon. Kaya Ikaw Lorjames wag mo na siya tatawaging Ate, kasi Mama mo na siya." tila naaasar na usal niya.
BINABASA MO ANG
Married To A Professor (COMPLETED)
Teen FictionIsang lalakeng mahal na mahal ang pagtuturo. At Isang babaeng mahal na mahal ang nagtuturo. ❤