❤ MARRIED TO A PROFESSOR ❤
Chapter 16
ANGEL IN DISGUISE
Tumatakbo akong hinahanap ang bar na sinasabi nila Khaivy pero Tangina! ang daming bar dito! Di ko naidala ang kotse kasi Sabi ni Khaivy Malapit lang yun sa school. Inisa isa Kong pasukin Lahat ng bar Dito. Putcha talaga ang daming tao! Tuloy tuloy lang sa pag-agos ang luha Kong kanina pa lumuluha. Natatakot ako. Nasa huli na akong bar. Sana naman Nandito na Sila. Pinunasan ko ang luha ko Bago ako Pumasok.Inikot ko ang paningin ko, Nakipagsiksikan ako sa mga taong nagsasayawan. Sinubukan Kong ikutin ang buong baba ng bar Bago sa taas. Ngunit nakakailang ikot na ako pero di ko pa rin siya Nakikita. Kaya umakyat na ako sa second floor. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siya. Siya lang Magisa Dito sa taas. Sunod Sunod kung tumungga ng Alak. Kailan pa siya natutong uminom ng Alak? Binilang ko ang mga bote sa harap niya.. 10?! mas malakas pa siyang uminom sa akin a? Tutungga pa Sana siya ng isa pang bote pero pinigilan ko na.
"Hey! Who are you!?" singhal niya.
"Halika na, Umuwi na tayo." Sabi ko. Lasing na lasing na talaga siya. Di ko na siya pinagsalita pa. Umupo ako sa harap niya dahil ipipiggy back ride ko siya. Buti na lang di siya nangulit pa. Tumayo ako at Hinawakan siyang mahigpit sa likod. Nakasalubong pa namin yung nga kateam niya na nagtatawanan. Bahagya silang nagulat ng makita ako at si Ara na nasa likod. Lumabas Kami ng Bar.
"Uyy, wag mo Kong iuuwi! Di Kami bati ni Sir Lloyd, pinaiyak niya ako e!" Sabi niya. Napansin ko na lang ang mabagal na pagpatak ng luha ko.Nasaktan ko na naman siya. Nagagalit ako sa sarili ko. Bakit niya yun nararanasan? Why does she have to experience this kind of pain?!
"San mo pala gusto Pumunta?" tanong ko sa kanya.
"Sa may dagat!" Napakunot ako ng noo. Dagat? San naman ako hahanap ng dagat?
Saka ko naalalang Malapit pala Kami sa MOA.
"Sige, ipupunta kita ron." ani ko.
"Yehey!" Bumitaw siya sa pagkakahawak sa likod ko kaya nabahala ako.
"Wag kang malikot! Baka mahulog ka!" usal ko kaya Bumalik siya sa pagkakayakap sa likod ko.
"Alam mo, kamukha mo si Sir Pogi! Ikaw ba si Sir Pogi?" Tumango ako.
Lalakarin ko lang ang papuntang MOA. Okay lang naman mapagod, basta Kasama ko siya. Nakaya ko nga siyang buhatin noon simula Divisoria hanggang luneta e. Gusto Kong gawin Lahat ng gusto niya sa gabing ito.
"Uyy, wag kang maingay a! may sasabihin ako sayo! Secret lang natin to okay?" Napatango na lang ako. "Alam mo bang Nakita ko si Sir Lloyd na may kinikiss na babae? Sabi niya sa akin hindi daw siya maghahanap ng babae? *sob ..." Naririnig ko na ang mga oaghikbi niya sa bawat pagsalita niya. Nanghihina ako. Bakit Ganito? "Sabi ko nga ikikiss ko na siya araw araw *sob para hindi na siya maghanap ng babae, pero sinungaling siya!" Parang gusto Kong mag break down. Ayaw Kong marinig ang pagiyak niya. Nasasaktan ako.
"Galit ka sa kanya?" tanong ko. Pero natawa ako, Bat ang stupid ko Ngayong araw? Obvious naman na Galit siya!
"Ayaw ko magalit sa kanya, mahal ko yun e! *sob Gusto ko mang magalit pero ayaw ko, tanga na ba ako non?"Napailing ako.
"Hindi, hindi ka tanga. Siya ang tanga, kasi sinasaktan ka niya. Siya ang tanga okay hindi Ikaw." usal ko. Oo ako ang tanga, ako ang tanga dahil hinayaan Kong mangyare yon. Hinayaan ko siyang gawin sa akin yon. Napakatanga ko dahil sinaktan ko na naman siya.
"Wag mo palang sasabihing naginom ako a? Magagalit yun sakin! Takot ako dun e! Hehehe" Napapikit ako ng madiin. Sunod Sunod na talaga ang pagagos ng luha ko.
Hanggang sa makarating Kami sa MOA. Iniupo ko siya sa may seaside. Natumba pa nga ang ulo niya Ngunit sinalo ko lang ito.
"Magpahinga ka na, Humiga ka Dito sa hita ko." utos ko sa kanya.Pero hindi siya sumunod ang ginawa niya lang ay humarap sa dagat at doon nagsuka sa mga bato. Agad Kong hinagod ang likod niya, madami siyang isinuka. Napasandal na lang siya sa dibdib ko Pagkatapos niyang magsuka.
Siguro magpapaliwanag na lang ako pag nasa katinuan na siya, pag maayos na ang lagay niya.
"Alam mo ang sakit sakit ng Dito ko.." Simula niya, Tapos humawak pa siya sa dibdib niya. "Kanina pa ito e, di ko Alam kung paano gumaling. Wag mo ding sasabihin kay Sir Lloyd yon a? Baka magalala yun." Tumango na lang ako. Hinaplos ko ang buhok niya at isinuklay ng daliri ang buhok niya.
"May Sinabi siya sakin, gusto mo malaman?" nakangiti Kong tanong sa kanya. Umalis siya sa pagkakasandal sa akin, para siyang excited na bata Nung humarap sa akin. Yung excited na batang may natanggap na regalo?
"Anong Sinabi niya?"excited na tanong niya
"Mahal na mahal ka raw niya at di niya na uulitin yun." Sabi ko. Nakita ko ang pagningning ng Mata niya. Bahagya kong Pinunasan ang mga luha sa Mata niya.
"We? Talaga? Sabi na e mahal ako non! Ako din Mahal ko din siya!" masayang tugon niya, napayakap na lang ako sa kanya. Umagos na naman ng napakalakas ang luha ko. Sa susunod na saktan ko ulit siya, ako na mismo papatay sa sarili ko.
Bumalik siya sa pagkakatapat sa dagat. Nakasandal ulit siya sa dibdib ko. Pero ngayon kumakanta naman siya. Ipinatong ko ang baba ko sa ulo niya at pinakinggan ang Magandang boses niya. Ramdam mo parin ang pagkalasing niya kasi may mga tonong naiiba na.
"How would you feel, if I told you I love you?
Its just something that I want to do
I'll be taking my time,
spending my life,
falling deeper in love with you.."Napapikit na lang ako sa pagkanta niya,habang hinahaplos ang buhok niya ay nahalikan ko siya sa ulo. Sisiguraduhin ko lang na bukas ay magkakaayos Kami.
"Uyy, uwi na tayo! Magagalit sakin si Sir Lloyd pag wala pa ako sa bahay e! Tara na!"
Tumango na lang ako. Kahit sa ganitong sitwasyon, ang nararamdaman ko parin ang iniisip niya. Natatakot siyang magalit ako sa kanya, Tapos ayaw niyang magalit sa akin.
She's an angel in disguise, Parang nahulog siya mula sa langit at nagkatawang tao. You know the angel stories? May anghel na makulit at ang pagmamahal niya sa Isang Katulad ko ang parusa niya.
To be continue..
BINABASA MO ANG
Married To A Professor (COMPLETED)
Teen FictionIsang lalakeng mahal na mahal ang pagtuturo. At Isang babaeng mahal na mahal ang nagtuturo. ❤