MISAKI'S note:
Nilulubos lubos ko yung mga pagkakataong wala pang pasok at hindi pa ako busy.
Kasi naman sa Wednesday siguradong mahihirapan na akong makipagsabayan sa schedule namin..
Enjoy reading everyone!!
""Having you as part of my life reminds me that loving you is never waste of time.."
GTG!!
COMMENT AND VOTE HUH? LAB LAB!! I will really appreciate that..
[^_^]
♥♥♥
SASHA'S POV:
Hanggang sa makapasok ako ng susunod na klase namin hindi pa rin maalis sa isip ko yung mga pinagsasasabi ni Vince kanina. Parang totoong totoo.. Ang sarap sa pakiramdam na marinig mula sa kanya mismo yung mga bagay na yun.
Nakakatakot nga lang umasa. Pero yung puso ko mukhang ayaw paawat. Waaaahh Ang LABO!!! Nakakainis siya. Sinadya niyang lahat ng 'to.
Pumasok na ako sa klase. Buti naman at hindi pa ako late. Saktong pagdating ko eh dumating na rin yung prof ko. Nakita ko yung mga kaibigan ko sa upuan namin. Ayoko muna silang katabi. Bigla na lang ba naman akong iwan.. Mamaya na lang kami mag-uusap. Kutos sa'kin tong mga to.
Dito na lang muna ako sa sulok sa likod mauupo para walang istorbo. Sigurado na naman akong kukulitin nila ako.Mabuti na rin to para naman makapag-isip isip ako. I need some peace of mind for goodness sake!!
"Good afternoon class.." bati ni Sir.
"Good afternoon, Sir.."
Nagpatuloy na si sir sa mga litanya niya. Karamihan dun wala akong maintindihan kasi naman ang isip ko nasa kung saang planeta na..
"Ahm class nabalitaan niyo naman na wala si Ms. Garcia ng engineering department. Ang balita ko nag sick leave siya ngayon. Kaya naman may naki-usap sa'kin na makiki-sit in muna sa klase natin, habang wala pa ang professor nila.. Alam ko namang kilala niyo siya..
Napansin kong parang napapalakas yata ang bulungan ng mga kaklase ko. Bakit ba ang iingay ng mga 'to. Badtrip na nga hindi pa makapag-isip ng maayos.
Si Vince Flores.."
Napalingon ako sa unahan nung marinig ko yung pangalang binanggit ni Sir. Ano ba naman yan??!! Hanggang dito ba naman??!!! Ano naman ang ginagawa ng gwapong kutong lupa na to dito? Ang puso mo Sasha, ang puso mo..
"Hello guys. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong naging interasado sa French.. Siguro naisip ko lang na magiging masaya siguro kung magiging kaklase ko kayo kahit sa isang subject lang.."
Yung mga kaklase ko tulala na lang kay Vince. Iba talaga ang karisma ng taong to. Kahit yung prof ko, wala na tulala na rin. Pero habang sinasabi niya yun hindi mapuknat yung ngiti niya at hindi niya inaalis yung tingin niya sa'kin.
"Sige na Mr. Flores, maupo ka na para makapagsimula na tayo.."
"Yes Sir.. Thank you po.."
Maraming nag-alok ng upuan sa kanya. Eh marami naman kasing bakanteng upuan eh. Nakita kong ngiting ngiti yung mga kaibigan ko. Si Vince naman magalang na tinatanggihan lang yung mga nag-aalok ng upuan.
Mukhang alam ko na kung saan niya binabalak na maupo. Hmmm.. Walang nakaupo sa katabi ng upuan ko. Wait lang.. Nilagay ko yung bag ko upuan na yun para naman siguradong hindi siya dun uupo.
Nagulat ako ng may bigla siyang kinuha sa bag niya. Nakatayo na siya ngayon sa harap ko. Tapos may iniharap siya sa'kin..
"O, yung promise ko sayo. Bati na tayo, please??"
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN, MAHAL KITA.. ♥♥♥
Romance"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan," medyo naiilang na rin kasi ako.. Haaayy kung ice cream lang ako, malamang kanina pa 'ko tunaw.. "Bakit bawal ba?" sagot ni Vince. Manhid ba talaga siya?! Naiilang na nga ako 'di ba.. Unti unti na ring nag-iini...