MISAKI'S note:
It's been five years since I started writing this. Back then I still didn't have any idea how it really felt like to be in a "real relationship." 😂😅
HAHAHAHAHA it was indeed very ironic to write a lovestory kung ako mismo walang lovelife. But years have passed.
I now have met the love of my life and we're indeed engaged now. 😍❤️
NAKAKATUWA yung mga scenes dito of how I pictured it to be in a relationship.
But I owe this to the 40,000+ reads of this novel. So ngayon, mas maluwag na ang schedule, may wifi at laptop na (nabasa ko pa yung struggle ko dito nung mga panahong wala pa kong sariling lappy HAHAHA)
I missed writing. I missed being lost in the world of fantasy, where everything seems sooooo right.
TO EVERYONE... I LOVE YOU ALL. Tatapusin na natin 'to. :*
Glory to God!
🥰🥰🥰
-------------------------------
SASHA'S POV:**May malabong liwanag.. ang ingay ng mga tao.. Naririnig kong sumisigaw si Popz. Bakit kaya?
Nararamdaman kong gumagalaw tong hinihigaan ko. Pero mas ramdam ko yung mahigpit na pagkakapisil sa kamay ko.
Nang subukan kong dumilat, gumuhit yung sakit sa batok ko. Gustong gusto kong tingnan pero hindi kaya ng mga mata kong dumilat pa.
"Please stay with me. Lalaban ka Sasha. Hindi ka pwedeng bumitaw. Sasha please. For me, Sash... for me.."
Kilala ko yung boses na yun. Kilalang kilala. Nababawasan yung kirot na nararamdaman ko dahil sa boses na yun. Pero nasasaktan ako kasi naririnig kong umiiyak siya.
"Sash, you're not going anywhere without me. Please. You can't leave me now. Not now, babe.."
Gusto ko pa sanang makinig sa kanya. O kaya aluin siyang wag nang mag-alala pero nararamdaman kong bibigay na ko. Nakahiga ako pero hapong-hapo yung pakiramdam ko.
Para kong nauupos na kandila...
_____________________________
VINCE POV:"Please. You can't leave me now. Not now, babe.."
Kinakain ng takot 'yung puso ko. My baby looked so fragile right now while lying on that stretcher. Para siyang anghel na hinang-hina.
Lord, please, save Sasha. My Sasha.
"ANONG NANGYARI, VINCE? I trusted you!! Nangako ka! Nangako kang iingatan mo siya. Isang beses lang, Vince. That was just one time." narinig kong galit na sabi ng papa si Sasha.
"Popz, I'm sorry."
Sabi ko habang hindi makatingin ng diretso sa kanya at tuluy-tuloy pa rin ang pag-iyak. Kung susuntukin niya ko ngayon, tatanggapin ko. Gusto kong masaktan para malaman kong hindi lang bangungot lahat ng 'to.
Pero nagulat ako nang mas malumanay na ulit ang boses niya nung nagsalita siya.
"I know you're worried sa anak ko, hijo. But I know my bunso very well. She's a fighter. Hindi ang 'aksidenteng' to ang magpapatumba sa kanya."
Habang nararamdaman kong lumapat yung kamay niya sa balikat ko.
"I'm really sorry po, tito. I never would have let her handle our food kung alam ko lang na puputok yung microwave. It's my fault po. I'm so sorry." I can't even look at him. I know how much it hurts, pero sinira ko na yung tiwala niya sakin.
"No worries, hijo. Alam ko namang hindi mo ginusto ang nangyari. Thank you for telling us what happened. Let's pray for the best and for her quick recovery. 'Yan talaga ang dahilan kaya hindi namin hinahayaan magluto ang batang 'yan eh. Haha,"
Nakita kong pinilit pa ni Popz na magbiro at magbigay ng nanghihinang ngiti. "Magpahinga ka na anak, mukhang pagod na pagod ka."
Pagkasabi nun ni Popz, bigla kong naramdaman yung pagod. Yung pinagsama-samang pagod ng katawan, pag-aalala, kaba at takot. Ngayon ko sila naramdaman lahat dahil masyado akong nakatutok kay Sasha kanina.
Malabo pa nga sa alaala ko kung pano akong nagkaroon ng lakas na tawagan sila habang papunta kami ng ospital.
Sa ngayon, wala akong magagawa kundi magpakatatag at manalangin na maging maayos na ang lagay ng babaeng pinakamamahal ko.
Ang tanging dahilan ng mga ngiti ko.
"Oh God, please help her. I beg of You please."
Ms. Misaki
❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN, MAHAL KITA.. ♥♥♥
Romance"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan," medyo naiilang na rin kasi ako.. Haaayy kung ice cream lang ako, malamang kanina pa 'ko tunaw.. "Bakit bawal ba?" sagot ni Vince. Manhid ba talaga siya?! Naiilang na nga ako 'di ba.. Unti unti na ring nag-iini...