♥MAHAL KITA EH!

769 12 4
                                    

MISAKI'S note:

Hehehe.. Weekly na po ang update.. Namumulubi na kasi ako ngayon.. hehehe

Pero nitong nakaraan lang na-realize kong kailangan ko na tong bilisan.. Baka daw kasi may apo na ko three-fourths pa lang nito yung nagagawa ko.. hihihi.. Eto na po.. :)

Argh talaga.. May mga nagsasabi sa'kin na ni-in love na raw sila sa bida which is Vince.. Kaloka kayo, aagawan niyo pa ako.. hahaha

Charot lang.. Share share tayo mga bebe.. Ganyan ko kayo ka-labs.. Nanshe-share ng lalaki? hahaha Ganyan talaga.. Alam ko namang labs niyo na rin siya eh.. Oh siya eto na nga.. hahahaha

[^_^]

GTG!

♥♥♥

SASHA'S POV:

"Maayos naman *sniff tayo kanina AH. In fact ang akala *sniff ko TALAGA maayos na tayo. Tapos, tapos *sniff bigla ka na lang nagalit. Hindi ko maintindihan.. Anong bang problema? May katangahan na naman ba akong nagawa?" Tuloy tuloy pa rin yung iyak ko shit.. Mugto na naman ang mata ko nito.. :(((

 Yakap pa rin niya ako.. Hindi ako makapalag.. 

Teka lang.. 'pag ganitong labanan talaga wala na akong palag sa kanya. Sa gwapo ba naman nito. Tapos ang bango-bango.. 'akala mo kakatapos lang maligo eh kanina pa siya naglalaro ng basketball..

At talaga namang ang lakas ng loob niyang yakapin ako ah? Kanina lang parang galit na galit siya sa'kin..

Hahayaan ko na lang bang maging ganon yun kadali for him?

Nakakainis naman kasi eh.. Kung may mali man akong nagawa pwede namang sabihin ng maayos di ba? Pero bakit kailangan pang ipahiya at sigawan?

Kaso ang tindi ng tulo ng luha ko. ayaw talaga paawat. Yung feeling na yung lalaking gustong gusto mo sisigawan ka na parang ikaw na ang pinaka-ignoranteng tao sa balat ng lupa. *sniff sniff

:''''''''''''''''''''''''''(((

Kainis.. Konti na lang tatablan na ko ng yakap niya.. Kaso ayoko naman siyang umalis.. WAAAHHHH Ang GULO ko!!!

"'Lika na tayo na diyan." Hinawakan niya ko sa balikat tapos pilit niya akong tinatayo..

This time hindi pwedeng hindi maging malinaw to..

"Ayoko!" tapos iling ako ng iling.. Makaabala na kung makaabalA sa practice.. Magso-sorry na lang ako mamaya kay coach.

"C'mon tayo na sabi.." tapos hawak niya pa rin ako..

Nakita kong palapit si Gab. Mukhang hindi niya hahayaang pilitin ako ni Vince ng ganun na lang. Gab tulong.. :((( Waaahhh.. gusto kong malaman kung ano bang kinagagalit niya??

Pero nakita kong naging matalim yung tingin ni Vince sa kanya. Tinaas ni Vince yung kamay niya na para bang pinipigilan yung paglapit ni Gab. Wwuuuuhhh kakatakot.. >.<

"Pare ayaw ngang sumama sa'yo di ba? So wag mo nang pilitin.. " Sabi ni Gab.

"Diyan ka lang. Problema NAMIN 'to. Do you understand that?"

"Pinapaiyak mo lang naman siya eh. " mukhang lalaban talaga si Gab. 

"Pare nirerespeto kong pagkakaibigan natin. Pero kung makikialam ka pa rin sa ngayon, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't makalimutan ko yon.."

Napahinto naman si Gab..Hindi naman siya mukahng natakot pero parang natigatig siya sa sinabi ni vince.. Kahit ako parang hindi ko gustong makita yung gagawin ni Vince kung nagpumilit pa siyang lumapit sa'min. katakot.. wwuuuuhhh >.<

"Ayoko!! Ganun na lang yun? Bigla kang magagalit tapos patatahanin mo 'ko? Anong problema mo?" Pwes hindi ako natatakot sa kanya.. pero yung mukha niya kahit super gwapo nakakatakot pag ganitong galit siya..

"Halika na.." seryosong sabi niya..

"Ayoko.."

"Tara na.."

"Ayoko sabi eh"

"Kanina ka pa iyak ng iyak diyan. Lagot na naman ako kay Popz.."

"Talagang lagot ka pinapaiyak mo ko.. Tsaka hindi mo Popz yun. Popz ko lang yun.."

"Ang kulit mo..Tayo na diyan, sabi.."

"Ayoko nga sabi eh! Magpaliwanag ka muna.. Manghuhula na naman a---"

"NAGSESELOS AKO!! OO NA NAGSESELOS TALAGA AKO!! HINDI KO MAN AMININ SA SARILI KO PERO HINDI KO GUSTONG NAKIKITA KANG MASAYA KASAMA NG IBA!! I KNOW THAT'S SELFISH, PERO MASISISI MO BA 'KO? MAHAL KITA EH! AH FUCK NAKAKAHIYA NA TONG MGA SINASABI ko.. SHIT.." 

SASHA: O___________________________________O

A-ano d-daw? N-nagseselos s-siya?

SIGAWAN NG LAHAT NG NASA GYM MALIBAN KAY COACH AT KAY GAB. Si Coach napapangiti lang , si Gab... nasaan na si Gab? Bigla siyang nawala.

"Damn pare ang SWEEEET!!!!"

"Nakakabakla ka 'tol!!

"Nagseselos ka lang pala ang dami mo pang arte! Hahahaha"

"Waaahh pare ang cheesy mo na ang corny mo pa!!"

"Shit naman, aksidente lang yung pagkakatama ko ng bola kay Sasha bakit kailangan may sapak pang kapalit?"

Tawanan lahat.. Nung mapalingon ako kay Frix nakita kong may pasa siya sa gilid ng labi. Si Vince ba may gawa nun kanina? Kaya  ba hindi niya agad ako nilapitan? 

Ang lakas ng tibok ng puso ko shit.. Hindi ako makahinga.. Sinabi  niyang mahal niya ako? Sa harap ng mga taong to? Kahit alam niyang tutuksuhin siya tinuloy niya pa rin?

WWWAAAAAAHHHHH!!! yung puso ko!!!

♥♥♥

Ms. Misaki

PUSTAHAN, MAHAL KITA.. ♥♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon