MISAKI's note:
Nakakaloka talaga yung mga readers kong nakakakilala sa akin in person.. Guys fiction yan.. Malayo sa tunay na buhay.. haha kaloka kayo.. Anong tingin niyo dito diary ko? hahaha
Fine, sige bahala na kayong mag-imagine.. hahaha
COMMENT AND VOTE..
GTG!!
[^_^]
♥♥♥
SASHA'S POV:
Kainis.. Pagkatapos nga naming madalaw si Popz ng araw na yun, hindi na ulit kami naging tulad ng dati. Actually balik na naman kami sa pagbabangayan. Pero may isang bagay na nangyari after ng gabing yun.. Well he is now… smiling. Ang malungkot lang nun hindi lang niya sa'kin binibigay ang mga ngiti niya. Pati na rin sa iba. I know I sound selfish.. pero kasi.
"Sash ang tagal mo namang lumabas ng comfort room. Ano bang ginagawa mo eh nakatunganga ka lang sa sarili mo diyan sa salamin.." Sabi ni Claud. Tapos nakita kong kasunod na niya yung iba pang girls na pumasok ng CR.
"Nagre-retouch lang ako.."
"Oh well oo nga pala we would like to congratulate you for winning our bet.." Singit naman ni Kaye.
"Ha?"
"Ano ka ba napalapit ka lang kay Vince nalimutan mo na yung tungkol sa pustahan natin.. All of us knew na ikaw ang dahilan kung bakit nakakangiti na ngayon si Vince.." Sang-ayon pa ni Dona.
"Infairness sister ang ganda ng naging strategy mo huh.." ani Raen
"Oo nga hindi ko naisip yun..Teka sumama ka na nga pala mamaya sa pagbili ng emerald necklace mo ha.. Para naman personal mo ng mapili yung prize---"
"No girls, I'm quitting.."
"Ah.. ano bang gusto mo? Sabi mo kasi kwintas ang gusto mo di ba? Pero pwede mo namang palitan yun if you like.."
"Hindi niyo ba ako narinig? Ayoko na.. Hindi ko na kukunin pa yung prize na yan.. Ayoko ng maalala ang kahit na ano tungkol sa pustahan natin.."
"And why not?" singit ni Claud.
"Because, nagi-guilty ako. Ayokong isiping pinagpustahan natin siya.. Masakit isipin. At alam kong maski siya masasaktan kapag nalaman niya ang tungkol dito."
"Girl, you're in love with him." ani Dona
"Am I? Siguro. Yata. Oo? Ewan. I don’t know kung ano ang pakiramdam ng in love. But my heart beats really fast when he's around. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. The feeling is so strong it almost scare the hell out of me. Pakiramdam ko, napakahina ko, sa isang bitaw lang niya ng maling salita, madudurog ang puso kong matagal kong iningatan."
"Haha.. Well congratulations.. In love ka nga.."
Tapos sabay sabay nila akong niyakap. Mukhang masaya sila sa kinahinatnan ng kalokohan naming yun.. Of course ako rin, masaya ako na nangyari ang lahat ng yun. Definitely yun kasi ang naging daan kaya kami nagkakilala at nagkalapit ng husto. Hahaha.. Kung alam ko lang na ganito kasarap ang ma-in love dapat dati ko pa tong ginawa..
"Sash you look so beautiful. In fact you're glowing.." si Raen.
"We're very happy for you.." si Kaye..
"Pag-pinaiyak ka niya, gulpi siya sa'min.." si Claud.
"Brutal ka talaga kahit kalian. Pero tutulong ako sa kanilang gulpihin siya if ever nga pinaiyak ka niya." si Kaye
"Hahaha.. Thanks girls.. you really are the best!!"
Tapos palabas na kami, when I heard a click. Well hindi ko naman alam kung san nanggaling yung tunog. But it seems like galing yun sa isa sa mga cubicle. Hmmm may nakikinig kaya sa mga pinag-usapan namin? Sinubukan kong bumalik sa CR to check it out pero bigla na lang may dalawang naglalakihang lalaki na humarang sa amin..
"Ahm.. Sino sa inyo si Anastasha Forbes?"
"Ako yun. Bakit?" hmmm nakapagtataka.. Bakit naman ako hahanapin ng kung sino..
"Sumama ka sa'min.."
"Ha bakit naman? Ano bang nagawa ko sa inyo.."
"You're under arrest.."
"What the hell are you talking about?"
Aw shit. Foundation day nga pala ngayon.. So siguradong sa jail booth na ang bagsak ko nito.. Tsss.. pag minamalas ka nga naman.. Balak ko pa namang hunting-in ang aking fafa Vince.. Well sinubukan kong manlaban pero walang nagawa ang katawan ko sa mga lalaking yun..
Haller ang laki kaya nila.. tsss..
Ms. Misaki
♥♥♥
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN, MAHAL KITA.. ♥♥♥
Romance"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan," medyo naiilang na rin kasi ako.. Haaayy kung ice cream lang ako, malamang kanina pa 'ko tunaw.. "Bakit bawal ba?" sagot ni Vince. Manhid ba talaga siya?! Naiilang na nga ako 'di ba.. Unti unti na ring nag-iini...