MISAKI'S note:
SOOOOOOOOOOOOORRRRRRRRRRRRYYYYYYYYYYYYY!!!! Habol lang. ^_____^
Waaaahhh!! Goodness gracious!! Yung feeling na nangyayari sa tunay na buhay yung mga sinusulat ko dito??!! Anong meron??!! hahaha Grabe Vince kilig to the max!! hahaha
Huuuu.. Since naman nangyayari na to sa tunay na buhay, itutuloy ko na kung panong gusto ko magtapos yung kwento namin..
Pero wag kayong atat mahaba pa po to.. hahaha hindi pa nga nangangahalahati eh..
Joke lang.. Baka kapag nangyari yun konyatan na talaga ako nung mga readers ko.. Hahaha
Yung ibang parts pala dito kung meron mang makatulad sa tunay na buhay tandaang fictional lang yan. Iba yung reaksyon nung characters diyan sa naging reaksyon nung writer at ng mga kasama niya sa tunay na buhay. hahahaha Baka sakali lang naman, isyu eh. hahahaha
Gawain kasi namin yun ng tropa ko. Eh sweet daw, magamit nga sa istorya. hahahaha
Oh siya eto na nga po.. hahaha enjoy reading!! mwahugs!
GTG!!
[^_^]
♥♥♥
VINCE' POV:
Hindi ko maintindihan kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin kay Sasha yung matagal ng gumugulo sa sistema ko. Buti na lang, kahit papano wala na yung bigat sa dibdib ko.
It feels like heaven lalo na nung nakita kong nagliwanag yung mukha niya pagkasabi ko nun. Sobrang saya. Huuu.. Nagiging corny na ko.
But this is Sasha's power over me. Hindi ko na kilala yung sarili ko. Ibang iba yung pakikitungo ko sa kanya. There are a lot of emotions na siya lang ang nakakapag-palabas mula sa loob ko.
She can make me mad, furious, happy and jealous all at the same time. Wala na nga akong ibang iniisip kundi siya. Grabe naman kasi yung babaeng yun. Very contrasting. Ang ganda ganda pero hindi pa-chicks kung umasta.
Very humble and down to earth.
Ang kaso ayoko na siyang makitang nilalapitan ng iba. At para mangyari yun I need for everyone to know that she's mine. Hahaha possesive ba masyado?
Hindi naman. Oo na. aminado na ko. Nakakapag-selos talaga kapag nilalapitan siya ng iba. Lalo na si Gab. Yes, I know Gab is head over heels in love with Sasha. Pano ko nalaman? I just know.
Guys' instinct I guess.
_____________________________________
SASHA's POV:
Kanina pa talaga masakit yung paa ko. Badtrip naman tong wedge shoes na suot ko. :'( Effort to the max. Bakit ba kasi naniwala pa ako sa mga kuya kong ayos suotin to. Arrrgghhh. >_____<
Pano na lang kapag umalis kami ni Vince mamaya?? Iika-ika ako nito. Waaahh.. Ang gulo pa nga ng isip ko. Pati naman yung paa ako nakikisabay!
"Sash!"
Paglingon ko, nakita ko si Vince. May dala siyang isang malaking size ng C2 na yellow. Hmm. Hindi pa rin talaga maiwasan na pag-tinginan siya ng mga tao. Masasanay din siguro ako. Haaaayy. Bakit naman kasi parang artista tong lalaking to.
Maya-maya inabot niya sakin yung C2.
"Sakin na lang?" tanong ko.
"Selfish ka? Hahaha Sa atin yan. Anong sayo lang?" ^___^
Huh? Naguluhan naman ako dun. Amin to? Eh isa lang to ah. Nu kaya yun?
Sinubukan kong uminom ang kaso nakasara pa pala. So inabot ko sa kanya para pabuksan.
"Ano ba yan? Pati ba naman pagbubukas ng inumin mo ako pa rin? Paano ka na lang kapag nawala ako? hahaha Biro lang. " si Vince.
Ano bang problema ng lalaking 'to? Bakit parang ang saya niya yata? Teka teka yung paa ko.
>__________________________<
Ininuman ko na yung c2 pagkabukas niya. Tapos nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi ko naman alam kung saan kaya kami pupunta. Atsaka iniisip ko pa yung sasabihin niya. Grabe pa rin yung anticipation. Waaaaahhh.
Nagulat ako nung pagkatapos kong uminom eh bigla niyang inagaw yung c2. So natigilan ako. Siya naman parang walang nangyari at tuloy lang sa paglakad. Naiwan tuloy akong nakatingin lang sa likod niya.
Ano bang---
Teka! Waaaaaaahhhhhhh!!!! >_______________<
Bakit siya uminom sa ininuman ko??!! Anong----
"Hoy bakit natulala ka na diyan? Sabi naman sayo share tayo dito eh." ^__^ tapos parang batang iwinasiwas yung c2 pagkasara niya.
Grabe naman tong lalaking to. Dapat talaga may tali yung puso ko para naman hindi basta basta na lang tumalon sa labas ng dibdib ko. Haaaaaayyyy. Kapagod ang bilis ng tibok.
Pinilit kong hindi niya mahalatang nahihirapan ako sa paglalakad kasi baka mag-alala pa siya. Pero sinusumpa ko talagang hindi na ako ulit magsu-suot nito. Badtrip. >____<
'Pag lingon niya saktong umika ako sa paglakad. PATAY! HULI!
"Masakit?"
*Tango (Nod)
*Tango (Nod)
*Tango (Nod)
"Haaaayy Halika nga dito.."
Tapos iniupo niya ako dun sa may gilid ng corridor. Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nagka-klase nung mga panahong yun. Grabe nakakahiya!! Ano ba kasing ginagawa niya??
Pagkaupo ko, tsaka namang luhod niya sa harapan ko. May babaeng biglang tumili. Tapos ayun nakuha na namin ang atensyon ng lahat. haaaaay -___________-
Teka, lumuhod si Vince! Ano bang balak niya?? Maya-maya lang tinanggal niya yung isa kong wedge shoes. Nung sinubukan niyang tanggalin yung isa pa iniiwas ko na. Ano ba kasing balak niya??
"A-anong ginagawa mo? Bakit inaalis mo yung sapatos ko??"
"Just trust me okay?" ^__-
Wala na. Kinindatan ba naman ako. Wala na akong nagawa. hahaha
Pagkatanggal niya ng sapatos ko, isa-isa niya namang inalis yung sapatos niya. Ano ba talagang plano niya?
"Lika. Magpaa na lang tayo. Kung nahihiya ka sasamahan kita para masaya. Ayoko namang nasasaktan yang mga paa mo." ^_^
Tapos kinuha niya yung kamay ko. Bitbit niya yung sapatos naming dalawa at hawak niya yung kamay ko dun sa isa.
Dug-dug
Dug-dug
Dug-dug
Dug-dug
Dug-dug
♥♥♥
Ms. Misaki
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN, MAHAL KITA.. ♥♥♥
Romance"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan," medyo naiilang na rin kasi ako.. Haaayy kung ice cream lang ako, malamang kanina pa 'ko tunaw.. "Bakit bawal ba?" sagot ni Vince. Manhid ba talaga siya?! Naiilang na nga ako 'di ba.. Unti unti na ring nag-iini...