MISAKI'S note:
On a daily basis na ang gagawin nating update hahahaha :*
Makabawi man lang of course dun sa 5 years na pinaghintay ng iba.
Love you all! 💕 Glory to God!
🥰🥰🥰
-------------------------------
SASHA'S POV:"I wanna make you smile, whenever you're sad... Carry you around when your arthritis is bad... All I wanna do, is grow old with you..."
It felt like a dream. Para akong lumulutang sa alapaap. Parang gusto ko pang manatili sa panaginip na to pero gusto ko ring makita ang tao sa likod ng kantang to.
His voice is very soothing. Dinuduyan ako ng bawat lyrics ng kanta niya. Pero kahit ganon ang lungkot-lungkot ng boses niya.
Hindi ko mapigilang maiyak. Dumudurog sakin yung sakit na nararamdaman kong pilit niyang tinatago sa kanta niya.
Please, don't cry. I'm here. Kung kaya ko lang, yakapin ka to ease all the pain, I will.
But I can't.
_________________________
GAB'S POV:
Halos pinapalipad ko na 'yung kotse ko pero pakiramdam ko napakabagal pa rin ng takbo ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko in-announce ng prof namin yung reason kung bakit hindi pa pumapasok si Sasha.
"She's in a hospital now. Nabagok yung ulo niya nung muntik na siyang masabugan ng microwave oven sa resthouse nila Vince somewhere in Tagaytay. Let's all hope na gumaling siya agad, kasi ang huling balita namin, hindi pa rin siya nagkakamalay."
SI VINCE.... Si Vince na naman. Bakit ba kasi lagi na lang siya ang pinipili mo kahit lagi ka naman niyang sinasaktan??
Hindi ko maintindihan. I can make her happy. I wanna make her happy. And kung si Vince man ang makapagbibigay ng ligayang 'yun kayang kaya kong magparaya. But up to what extent?
Kung ako ang kasama niya nun I won't let anything near her that can harm the one I love. Yes. Mas naging klaro na sakin ang nararamdaman ko para kay Sasha. Siya lang yung babaeng gusto kong makasama. She makes me happy effortlessly.
Minsan nga para na kong baliw na ngumingiti mag-isa kapag naalala ko siya.
But Vince, took it all for granted. I love him as if he's really my brother. But I love Sasha way, way more.
_____________________________
VINCE POV:"All I wanna do, is grow old with you..."
Please, my love wake up. Gustong gusto ko nang makita yung maganda mong mata. Lalo na kapag nakatitig yan sakin na para bang ako na ang pinaka-magandang lalaking nakikita mo.
I will never forgive myself kapag may nangyaring masama sayo. Ang sakit na ng lalamunan ko kakapigil sa sarili kong wag umiyak. But wait, tama ba tong nakikita ko?
Naiyak si Sasha... may tumulong luha sa gilid ng mukha niya habang kinakantahan ko siya.
Is she really crying?"Bilib na talaga ko sayo. Talent mo ba ang paiyakin at saktan si Sasha?" narinig kong galit na sinabi ni Gab habang papasok sa kwarto ni Sasha.
"Anong sabi mo?!"
"Sabi ko, ang galing mong saktan si Sasha. Walang malay yung tao pero napapaiyak mo, BRAVO!" sinabayan pa niya ng mahinang palakpak. Kitang kita kong nanggigigil siya at parang sasapakin ako anytime.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at nahawakan ko ang kwelyo niya.
"Ulitin mo pa yan at pasasabugin ko yang bibig mong puro basura ang laman.."
"That's enough."
Agad kong binitiwan si Gab nang marinig ko yung boses ni Popz. "Hindi kayo dito dapat nag-aaway. I'm sure Sasha won't be happy kung makikita kayong ganyan."
Tiningnan ko ng masama si Gab, habang hindi rin naman papatinag yung tingin niya sakin. Konti na lang uupakan ko na to e.
"If you guys wanna settle kung anomang pinag-aawayan niyo, I suggest you do it outside this room. Let Sasha rest. She needs that badly."
"Sorry po, Popz." I just apologized. Mali rin naman talaga ako. Mali na nagpadala ko sa emosyon ko at hindi ko na naisip si Sasha.
Nakita kong nilapitan ni Popz si Sash. He looked sad yet very hopeful. Nakikita kong matindi ang pag-asa niyang magigising na rin agad ang unica hija niya.
"I love Sasha. And I know she doesn't want two of her closest friends fighting because of her." And then I saw her held her hands. "My princess is really a big girl now. Pinag-aawayan na ng boys. hahaha I can't get used to it. Sigurado akong tuwang tuwa ang mama nila in heaven knowing that they are all okay, especially her. Please help her lalo na nga---"
Nanlaki yung mata ni Popz sa gulat habang nakatitig sa kamay nila ni Sasha.
"She squeezed my hand."
My heart almost jumped. Pero hindi pa pala yun ang talagang nakakagulat. Little by little, she opened her eyes.
Gising na si Sasha...
Ms. Misaki
❤️❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
PUSTAHAN, MAHAL KITA.. ♥♥♥
Romance"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan," medyo naiilang na rin kasi ako.. Haaayy kung ice cream lang ako, malamang kanina pa 'ko tunaw.. "Bakit bawal ba?" sagot ni Vince. Manhid ba talaga siya?! Naiilang na nga ako 'di ba.. Unti unti na ring nag-iini...