CHAPTER 2: MEET MY LOUD BESTFRIEND

105 8 0
                                    

CHAPTER 2: Meet My Loud BESTFRIEND!

 

ΔΔΔ

WELCOME TO STATEFIELD UNIVERSITY!

Umagang umaga, naiinis ako! Bukod sa may pasok nanaman, naiinis talaga ako kay Keiver. Dunno why. Baka naglilihi ako? Hahahaha. Grrrrr. (I got the eye of a tiger. Rooooooar!!)

“BESTFRIIEEEEEND!!!!”- pasigaw na bati sakin ng isang babaeng malapit ko ng kalbuhin. XD si Janelle. Gulat ako dun ah.

Bukod kay Keiver (NA NAKAKAINIS), may isa pa kong bestfriend.. Itong babaeng pinakamamahal ko, si Janelle Ramos. My fab-bestfriend. Classmates kami ni Janelle since first year high school, lagi kaming nagkikita at nagkakausap. Sa totoo lang, nakakasawa na nga pagmumukha niya e. Lagi nalang siya nakakasama ko wala na bang iba? WHaha, just kidding. I love this girl kahit minsan timang gaya ko.

(-_______-).. itsura ko yan.

“What’s with that face?”- tanong niya.

“H-huh? Wala.”

“Anong wala? Yang nguso mo, pupwede nang sabitan ng kaldero no, tapos sasabihin mo wala? Hello. Bestfriend’s speaking here!”- pasigaw niyang sabi.

Aist! Isa din ‘to. Sakit sa ulo. At dahil nga bestfriend ko siya kailangan kong ikwento sakanya ang problema ko--- sa lovelife ko!

“Alam mo ikaw, hindi ko alam kung anong meron sayo. Bakit kasi siya pa? Marami namang iba dyan.”

“Wow ha! Janelle.. Thank you sa advice mo. I really appreciate it!”- *sarcasm smile then rolled eyes*

 

“Hahahaha. I mean, what if humanap ka naman ng ibang lalake. Eto ha, advice lang. Wag na si Keiver! Hindi ka naman talaga gusto nun e. Kaibigan lang talaga tingin niya sayo!”

Awtss ha. Ang sakit, sarap netong pakainin ng bubog..

 

“Eh kasi naman e, di ba sinabi ko naman sayo na ayoko sa iba? Tsaka isa pa, sa mundo ngayon. Iilan nalang mga matitinong lalake and I do believe that Keiver is one of them.”

“Ang tanong, matino ba siya? Naku bahala ka. Teka! Kung makapagsalita ka parang nasyota mo na lahat ng mga lalake ha. Hiyang hiya ako sayo te.”

Minsan natatanong ko, bestfriend ko ba talaga tong babaeng to? Imbes na icomfort ako, tinatalakan pa ako e! >_<

AND THEN, HE CAME! (SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon