CHAPTER 8: I MET A STRANGER
Quinny’s NOTE:
Like what I have told you, babawi po ako. Thank you pala sa mga nangungulit sakin na mag-update na ko dahil marami na raw akong pinapahintay na readers! Masyado po kasi akong tamad na writer. Hahaha. Atleast, I knew that many of you are reading my story. Thanks a lot. So, here is it! ^___^
P.S: Comment below if what complement you wanted to happen in this story.
Δ Δ Δ
Venice’s POV
Sabado ngayon, wala kaming pasok! Nag-usap kami ni Janelle na magkikita kami sa mall dahil nagpapasama siya sakin na bumili ng shoes niya. Sira na raw kasi yung shoes niya.
Andito na ko sa mall. Kanina ko pa tinetext si Janelle pero di parin siya sumasagot sa messages ko. I’m starting to get irritated. Habang naghihintay ng reply niya kung nasaan siya, naglakad-lakad na muna ako. Pumunta ako ng 2nd floor! Napansin ko, may mga teddy bears doon. Lumapit ako at tumingin-tingin.
“Gusto ko tong teddy bear na ‘to!”- sabi ko sa sarili ko at tinuro kung alin dun. Malaki kasi, tapos ang lambot! (Ooops, bawal green. XD)
“Eh di bilhin mo!”- narinig kong sabi ng kuma-usap sakin. Boses lalake siya. Napalingon ako, lalake nga siya. Hindi ako umimik, I don’t mind him instead. Tumalikod ako at para bang walang narinig. Papalayo na ko sakanya, nagulat na lamang ako nang hawakan niya ang braso ko.. Bumalik ang tingin ko skanya.
“Gusto mo ba yung bear na yun?”- tanong niya sakin ng nakasmile. Ang weird niya ah. Sino ba siya? Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at magsimulang magsalita.
“Ayoko!”- mataray kong sagot. Tumalikod ulit ako sakanya at umiwas.
“Bibilhin ko para sayo!”- sagot naman niya. Sino ba siya sa akala niya? Magkakilala ba kami? Tumingin uli ako sakanya at nagbabakasakaling kilala ko siya pero hindi ko siya mamukahan.
“Magkakilala ba tayo?”- tanong ko.
“Hindi.”
“Yun naman pala e. Bakit mo ko kinakausap?”
“Masama ba?”
Feeler naman pala ‘to e. Babadtripin ba niya ako? Kyaaah.
BINABASA MO ANG
AND THEN, HE CAME! (SLOW UPDATES)
RomanceI realized I've been so wrong about my definition of love. You made me realize it. - Let’s find out what this story tells about. P.S: Read each line with feelings but don’t over do it. Thank you :))) All right reserve @ 2014