CHAPTER 11: We’ve a deal!
Quinny’s NOTE:
Namimiss niyo na ba si Kimverlie? Gagawan ko siya ng POV. Haha.. basahing mabuti ha. Just keep on reading guys, update yourselves on what’s happening. WHahaha. Atat na rin ba kayo sa climax? Alam ko marami na sa inyo ang excited na riyan. Haha. Very, very soon na po mga kaibigan :)))
Δ Δ Δ
Kimverlie’s POV
“Hi, my name is Kimverlie Farah Mendez”- naalala kong pakilala ko noon kay Keiver Cervantes, isang napaka-gwapong lalake. Actually, he’s my type kaso may boyfriend na kasi ako! L
Nag-meet kami sa isang event. Birthday yun ni Mayor Armund Del Rio. Invited kami dahil Vice Governor ang dad ko, while Keiver’s dad is a Governor. Pinakilala ako ni dad sakanya, same thing as his dad did. Speechless ako that time, na-starstruck yata ako. Hahaha :D After nang pagpapakilala samin, naiwan kaming dalawa sa isang table kung kaya naman nakapag-usap kaming dalawa. Magaan siyang kasama, infairness!
“Talaga, lilipat ka ng Statefield University?”- gulat na tanong sakin ni Keiver, sakto namang topic namin ang mga schools. Dad asked me to transfer at SFU(Statefield University) because according to him, that school is a high standard. Isa pa, gusto niya na magkakasama kaming lahat kaya sabi niya mag-transfer nalang ako. Pumayag naman ako dahil balita ko, ang mga student sa SFU ay matatalino at mayayaman, and I know, I am part of them.
“Yeah. But, section B ako. And I hate it.”- sagot ko naman. Nakakainis nga lang nung nalaman kong section B ako, I always wanted to be at the top, or maybe at section A.. pero sabi ng principal ng SFU, kapag transferee daw hindi pwedeng mapunta sa section A, kaya mabuti na lamang at mataas ang average ng grades ko kaya napunta ako sa section B. I cried of course but then, Dad told me it is not measured here on what section would I go. Pero labag talaga sa kalooban ko yun. Pwede pa naman akong mapromote sa section A, all I need to do is to study well and maintain a high grade kaya medyo okay na rin. Alam ko namang, kayang kayang kaya kong mapromote sa section A. ‘Di tatagal mapupunta rin ako sa section na yun.
“Ano ka ba, okay lang yun. Feeling ko naman matalino ka kaya hindi ka na mahihirapan na mapromote sa section A.”- sabi niya. Waaah, pampalubag loob ‘to. XD
“I think so. Thank you!”- sagot ko (with my pretiest smile). Nag-smile din siya.
Yung smile niya, parang smile ni Lee Min Ho! Gossssh, haha. After naming mag-usap, nagpaalam ako sakanya saglit dahil pupunta ako sa labas. Nag-OO naman siya kaya naiwan na muna siya mag-isa.
Pumunta na ko sa labas dahil imi-meet ko ang isa sa pinaka-importanteng lalake sa buhay ko, ang aking BABE.. Si *toot* (secret muna yung name niya ha.) Nakita ko siya sa labas, at nakita niya rin ako.
“Am I not invited here?”- tanong niya nang nakangiti. Yung ngiti naman niya, parang si Kang Minhyuk. (Yung si Kenzo sa THE HEIRS/THE INHERITOR)
BINABASA MO ANG
AND THEN, HE CAME! (SLOW UPDATES)
RomanceI realized I've been so wrong about my definition of love. You made me realize it. - Let’s find out what this story tells about. P.S: Read each line with feelings but don’t over do it. Thank you :))) All right reserve @ 2014