CHAPTER 15: The Gift
“Gusto mo bang samahan kita?”- tanong sakin ni mama.
Pupunta kasi ako nang mall para bumili ng regalo para sa bestfriend kong si Janelle. Malapit na rin kasi birthday niya, excited ako. Pinaghandaan ko talaga ‘to, pinag-ipunan ko pa nga e.
“Naku! Wag na ho ma, kaya ko na po to.”
“Para may pagtanungan ka kung maganda ba o hindi yung ireregalo mo.”
Bakit ba mapilit siya? Teka, kilala ko tong si mama. May gusto to kaya umaarte nang ganito. Haha.
“Hmm. Sige na nga! Anong gusto niyong pasalubong?”- tanong ko nang nakangiti.
“Hahaha. Alam mo talaga gusto ko. Anak nga kita!”- sagot niya.
Habang tumatawa, inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi.
“Syempre naman no, papasalubungan nalang po kita. Sayang kasi yung pamasahe pag tayong dalawa pa yung pupunta. Hahaha.”
“Whaha. Osya! Umalis ka na nga para makauwi ka kaagad. Mag-iingat ka ha! Uwi agad.”
“Opo. Isarado po ninyo ‘tong pinto. Kumain na kayo mamaya! Wag niyo na po akong antayin.”
“Opo bossing!”- sagot niya at sabay kaming nagtawanan.
ᴥᴥᴥ
FLASHBACK!!!
(5 months before Janelle’s birthday)
“Anong magandang gift para sa kaibigan fab?”- tanong ko kay Janelle.
Pareho kaming nasa field nang araw na yun, inaantay ang P.E teacher namin.
“Para saan naman yan, para kay Kei? Wala akong alam basta tungkol sakanya!”- sagot niya. Inirapan pa niya ko. Yung totoo may nakaraan ba silang dalawa? Ang bitter niya te! Hahaha.
“Ang hard mo talaga fab! Ewan ko sayo no!!”
Binatukan ko siya. XD
“Aanhin mo ba kasi? Kung para sakin yan, baka sasagutin ko..”
BINABASA MO ANG
AND THEN, HE CAME! (SLOW UPDATES)
RomanceI realized I've been so wrong about my definition of love. You made me realize it. - Let’s find out what this story tells about. P.S: Read each line with feelings but don’t over do it. Thank you :))) All right reserve @ 2014