CHAPTER 9: I Care About Her
Quinny’s Note:
Lutang po ako! I have so many things to do in school. Requirements, requirements, requirements and requirements. In short, marami talagang REQUIREMENTS! Kung hindi, QUIZ naman! Jusmiyo. Sorry sa inyo kung ngayon lang ulit nakapag-update.
I have a question, are you guys contented of what you are now? How much do you love your mother? Do you care about her? Have you seen her crying? Kung minsan, nag-aaway or nagkakaroon kayo ng misunderstanding, natitiis mo ba siya? Have you tried saying SORRY? Basahin po ninyo ‘tong chapter na to :)))) TY.
ΔΔΔ
“CYRIL!!!”
Ano ba namang sigaw yun! Nakakainis, umagang umaga ha! Badtreeep.. Pinagpatuloy ko parin ang tulog ko.
“CYRILLLL!!!!”
Bigla akong bumangon at bumaba ng kwarto ko.. No choice e! Nakita ko nanaman si mama, ang sama ng tingin niya sakin at nakacross arms siya. I ignore her at patuloy sa paglalakad papunta sa kusina para maghilamos.
Nagulat na lamang ako nang hinampas niya ang kanyang kamay sa balikat ko. Ano bang problema niya? Nakakaasar.
“Araayy naman ma!!!”- sigaw ko skanya. Ang sakit sakit kaya. Tsk.
“Bakit di ka naghugas ng pinggan kagabi ha?”- tanong niya sakin. Si mama talaga, ginising ako ng dahil lang dun? Wala namang pasok ngayon eh. Ang babaw niya rin ha. Haist.
“Ano ba! Para lang dun?”- sagot ko naman.
“Sinasagot mo nanaman ako!! Hindi yun yung point. Ang akala ko naman naghugas ka ng pinggan.”
“So, ano namang big deal dun ma? Natutulog naman yung tao e, pwede niyo namang sabihin yan pagkagising ko ah.”
At patuloy sa paghihilamos..
“Eh pano na kung may bisita tayo? Nakakahiya ka talaga!”- sabi niya. Sino naman kaya ang bibisita samin? *smirk*
Dahil sa kakagising ko lang at sermon agad ang bungad sakin ni mama, nainis na ko. Umagang-umaga, nagmamala-pari nanaman siyang nanenermon sakin. At dahil dun, di ko nanaman napigilan ang sarili ko.. kaya nagsalita na ako.
“Wag kayong mag-aalala, walang bibisita dito sa bahay! Walang magkakamaling pumasok dito sa maliit na bahay natin. Wala ring pupunta sa kusina dahil wala naman silang makikitang pagkain dyan. So pano pa nila makikita yang mga di nahugasan na pinggan?”- matapang kong sagot. Nakakainis na kasi.. Nagulat yata siya sa sinabi ko.
“Cyril, bakit ka ba ganyan? Hindi ka pa ba kontento sa kung ano mang meron tayo?”- tanong niya na para bang naiiyak. Dramahan nanaman ba itu? Aaarhg.
“Hindi ma. Hinding-hindi!”- sagot ko. Naiiyak na talaga ako. Tumingin sa ibaba si mama. Umiwas na lamang ako. Tatalikod na ko nang magsalita ulit siya.
“Cyril, alam mo kung anong hirap ang dinaranas ko ngayon para lang mabuhay tayo..”
“Kasalanan ko ba, kasalanan ko ba na ganito ang buhay natin? BAKIT BA LAHAT NALANG PROBLEMA KO!! Ako na nga tong mahirap, ako pa tong walang TATAY!!! Nasaan na ba kasi siya? Bakit ba hindi mo nalang sabihin sakin? ANO BA NAMANG BUHAY ‘TO! Sana pala, di nalang ako pinanganak…”- malakas kong sagot sakanya.
Iniwan ko siyang mag-isa. Nagpunta ako sa kwarto ko para magmukmok nalang. Kanina, habang sinusumbatan ko si mama, di ko mapigilang umiyak. Akala ko malakas ang loob ko nang sabihin yun sakanya, akala ko kayang-kaya ko.. I was wrong. I shouldn’t act that way. Nagi-guilty ako. Nahihiya ako sakanya. Feeling ko ang sama sama kong anak! Huhu.
Di ako mapakali.. Oo, I answer my mother back but not like what I did awhile back.. Kanina lang yun. Even me, di ko din inexpect. Alam kong masamang sumumbat sa nanay, kaso.. NADALA AKO! Di ko mapigilan na sisihin siya kung bakit wala akong tatay at kung bakit ganito ang buhay namin. Lagi kong tinatanong sa sarili ko, KASALANAN BA NIYA? SINONG DAPAT SISIHIN? Ang panginoon ba? Sino? Sino?
Bumaba ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Nakita ko siyang naka-upo lang at umiiyak. Naaawa ako sakanya. Nilapitan ko siya.
“Ako ang may kasalanan anak. Kung nakapag-tapos lang sana ako ng pag-aaral ko noon, sana.. sana hindi ganito ang buhay mo ngayon. Sana hindi.. hindi ganito ang buhay natin.”
Umupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
“Sorry anak. Sorry, sorry Cyril.”- paulit-ulit niyang sabi habang umiiyak. Nagulat ako. Ngayon ko lang narinig na nag-SORRY ang mama ko sakin.
“Mama naman! Wag naman kayong magsalita ng ganyan, hindi mo kasalanan ma. Walang may kasalanan nito. Sorry kung nasabi ko yun sa inyo.”- sagot ko. Niyakap ko siya at pinapatahan siya ngunit patuloy padin siya sa pag-iyak. I care about her, I care about my mama. And I love her even she do not know it. I love her so much as I love myself.
“Hindi to yung buhay na gusto kong ibigay sayo anak. Hindi ito! Hindi.”
“Mama, tama na po. Hayaan niyo, kapag nakapag-tapos ako ng pag-aaral, ipaparanas ko sa inyo yung mga bagay na hindi mo naranasan. Mag-iiba ang buhay natin ma. Gusto mo ba yun? Gusto mo di ba?”- sabi ko sakanya. Nagyakapan kaming dalawa, hinagkan ko siya sa pisngi at nagSORRY dahil sa mga nasabi ko sakanya.
∞∞∞
LESSON:
Pride can destroy everything even the most important person in your life. Learn to say SORRY and learn to FORGIVE.
BINABASA MO ANG
AND THEN, HE CAME! (SLOW UPDATES)
RomanceI realized I've been so wrong about my definition of love. You made me realize it. - Let’s find out what this story tells about. P.S: Read each line with feelings but don’t over do it. Thank you :))) All right reserve @ 2014