Nagising ako nung marinig ko ang alarm clock ko na tumutunog. Agad ko din naman itong pinatay at tumayo.5:30 am
I stopped for a bit just to check if theres still shouting outside. And luckily, I think it already stopped.
Pumunta na ako sa banyo at nagsimulang maligo. Kahit sa ayaw at sa gusto ko, I need to go to school.
Same hell like how my house is...
Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang uniform ko at kinuha ang mga kailangang gamit para sa school. After that, I immediately went downstairs.
Tumambad sa akin ang mama ko na naglilinis ng mga basag na gamit dahil sa gulo kagabi.
Napatingin naman kaagad sa akin si Mama. She looked worst. Magulong buhok at malalaking eyebags. Different from the old Mama I know.
She does not wear her smile anymore. The smile that I used to see everyday.. The smile that used to be the reason why I continue living my life.
"Anak, pasensya kana kagabi ha? Nagkaroon lang ng kaunting di pagkakaintindihan kami ng papa mo."
Hindi ko na siya sinagot pa. Tinulungan ko nalang siya na pulutin ang mga nagkalat na basag na piraso ng vase.
"Pasensya kana, Levi. Alam kong nahihirapan kana sa amin ng papa mo. Patawarin mo ako anak kung nagkaganito ang buhay natin.. sorry."
My mom suddenly hugged me from my back. It's been a long while since she last held me in her arms like a mother would do to her daughter. My tears were almost about to take off but I held it. I don't want to add up with her remorse. Only I should keep this to myself.
I moved away from her hug and stood up.
"Aalis na po ako baka malate na ako." Pinunasan ko kaagad ang luha ko na nagbabadyang pumatak at tumakbo na paalis ng bahay.
Atleast she's aware that I'm hurting...
----
Saktong nakarating na ako sa school at ipinark ang scooter ko sa parking lot. And the same routine, papasok ako ng school. It's either my day goes well without anyone making a move to spoil my day or I get to change 3 outfits this day.
"Good Morning Class! How was the Acquaintance Party? Anyone who has a new friend now?"
Tanong ng teacher namin. Lahat naman sila nagsitaasan ng kamay maliban lang sa akin na nakatungo lang.
"How about you Ms. Marquez? Do you happen to find one?" itinaas ko naman ang ulo ko at tinignan ang teacher ko.
"Huwag nga kayong magbiro Miss! Wala namang gusto makipag kaibigan diyan kay Levi eh! Baka mapano pa kami." sabi nung kaklase ko sa likuran ko.
Napuno naman ng tawanan ang classroom dahil sa sinabi niya. Well, I think she's right. No one really wanted to be with me. Because they all believe that anyone who comes near me tastes badluck.
"Okay okay! Settle down class! Tumigil kana diyan Arizala! I hope you'll find one Ms. Marquez."
My teacher eyed me as if I was a pitiful human being. Tinignan niya ako na pawang sinukuan na ako ng mundo.
Well I guess tama siya. Mukhang sinukuan na talaga ako ng mundo. I am nothing. I looked down and pretended that I don't see those judgemental smirks and whispers of my classmates about me.
----
Nandito ako ngayon sa hallway at naglalakad. Wala naman akong magawa eh. Wala akong ibang makakausap dahil nga diba wala akong masyadong friends dito.
BINABASA MO ANG
The Suicide Note
Teen Fiction"Every life deserves to be lived" Ang pakiramdam na parang lahat ng bagay na nasa paligid mo ay kusa at unti-unting naglalaho at parang pati ang mundo ay sinukuan kana. Sa sobrang sakit na iyong nararamdaman ay nais mo nalang na maglaho na parang b...