Apartment for RentSa ilang oras kung paghahanap ng mauupahang apartment, sa wakas ay nakahanap din ako. Gutom na gutom na ako kanina pa. Kaya naman pinasok ko na kaagad yung apartment na yun at may nakita akong babaeng matanda na nagbebenta ng barbecque sa tapat nung mismong apartment.
"Ale, nandyan po ba yung may ari nung apartment?" Tanong ko kay ale habang abala siya sa pagpapaypay nung bbq.
"Hay! Manguupahan ka ba?" Tanong niya sa akin na bakas ang ngiti sa mukha.
"O-opo." Bigla naman niya akong hinila at ipinasok sa maliit na apartment. Sobrang liit lang nito at kasya ang isang tao.
"Dahil wala talagang umuupa dito sa apartment na ito, mababa lang ang upa niya kada buwan. Tatlong daan lang. "
Mabuti naman at masyadong mura dahil makakaya ko naman yan. Pag-iigihan ko nalang ang magtrabaho.
Nung matapos na akong makipagnegotiate kay ale, inayos ko na ang mga gamit ko at nagsimulang maligo. Hindi pa kasi ako naliligo eh.
Matapos kong maligo ay agad din naman akong pumunta sa trabaho. Naputol kanina yung klase namin dahil sa nagkaroon ng meeting ang mga teachers. Mabuti na yun, malayo sa impyerno.
Nang makarating ako sa burger shop ay agad ko ng isinuot yung apron ko tsaka hair net at nagsimulang magbantay sa counter. Si Kuya John ang nagluluto kasi ngayon bali ako yung sa counter at taga hatid ng orders.
"Order number 6 to. Pakiserve nalang Levs." tumango nalang ako at kinuha ang tray tsaka hinanap ang number 6.
"Sa wakas ay nandito kana rin. Kanina pa ako nandito nagbabakasakaling nandito ka."
Si Euan pala yung nandito. Bakit nandito na naman ang lalaking ito? Iniisip ba niyang magkaibigan na kami dahil sa nangyari nung gabing yun?
"Well, here I am.. still miserable." sabi ko sa kanya at isa-isang nilapag yung pagkain na inorder niya.
"You're not. You just act like you're miserable."
Napahinto naman ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Is he picking on me?
"How can you say that? Hindi mo naman alam kung anong nangyayari sa akin eh. So better shut up!." I was pissed. Hindi ko alam kung dahil ba parang natamaan ako o talagang pakialamero lang talaga tong gago na to.
Pagkatapos kong mailagay lahat ng order niya ay agad akong umalis dahil baka di ko matiis tong gago na to at baka ano pa yung magawa ko.
Pero sadyang may dugong makulit itong isang to at pinigilan pa ako.
"Look, I'm sorry. Tama ka! I don't know what's happening but you can be happy, if you try."
Sabi niya sa akin na nakatingin ng diretso sa mga mata ko. All I can see in his eyes is pity. Naaawa siya sa akin. I hate it!
"Please.. let go of me." huli kong salita at buong lakas na tinanggal sa pagkakahawak niya ang braso ko. At dahil narin pinagtitinginan na kami ng ibang mga customer.
"Levi.." huling tawag niya. Pero hindi ko na siya nilingon pa.
Agad na akong bumalik sa counter at nakita ko pa si Kuya John na hinubad ang apron at lumapit sa akin.
"Anong nangyari Levs?" nakatungo lang ako at agad na pumunta sa may likod at kinuha ang mga gamit ko.
"Pasensya na kuya john pero aalis muna ako. I need to go somewhere." hindi ko na hinintay ay isasagot ni Kuya John dahil umalis na ako kaagad bitbit yung backpack ko at isinuot ang hood ng hoodie kong suot.
BINABASA MO ANG
The Suicide Note
Teen Fiction"Every life deserves to be lived" Ang pakiramdam na parang lahat ng bagay na nasa paligid mo ay kusa at unti-unting naglalaho at parang pati ang mundo ay sinukuan kana. Sa sobrang sakit na iyong nararamdaman ay nais mo nalang na maglaho na parang b...