Chapter Six

7 2 0
                                    


"If the rain comes they run and hide their heads. They might as well be dead. If the rain comes..If the rain comes.."  🎶

Nagising ako dahil sa boses na kumankanta malapit sa akin. Unti-unti ko pang kinukurap ang mga talukap ng mata ko dahil sa sinag ng araw kaya medyo ako nahirapan sa pagbukas nito. Kinusot-kusot ko naman ang mata ko at biglang naramdaman ang pananakit sa katawan ko.

Dito na nga pala ako nakatulog sa labas at sa bench na ito. Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako dito kagabi kaya heto ako ngayon sumasakit ang katawan.

"When the sun shines, they slip into the shades and sip their lemonades.. when the sun shines..🎶"

Napalingon namana ako sa pinanggagalingan ng boses nung kung sino man na kumakanta. Nakita ko ang isang mama na nakashades, madungis at gutay-gutay na ang damit at may hawak na gitara habang tumutugtog at kasabay nito ang pag-awit ng kanta ng beatles. Sa harap naman niya ay may isang lata na naglalaman siguro ng mga barya na palimos na galing sa mga dumaraan.

Sinimulan ko na ang pagtayo at nagunat-unat pa sandali. Marami-rami narin ang mga dumaraan na mga tao. At tinignan ko ang oras at alas-nuebe na pala ng umaga. Di na ako nakapasok sa first class at mukhang malilate pa ako sa second.

Nilapitan ko naman yung mama at napansin na nageenjoy siya sa pag-awit niya. Umupo ako sa tabi niya at tutal mukhang hindi naman niya ako nakita dahil bulag siya.

"Ineng, kung kukunin mo lang yung barya ko sa lata ko para sa wala, wag kanang mag-aksaya ng panahon at papaluin kita ng gitara nato bago mo pa makuha ang mga barya ko."

Nagulat naman ako kay manong nung bigla siyang mag-salita. Napatingin pa ako sa kanya dahil akala ko bulag siya dahil nakashades siya.

"Nakikita niyo po ako?" tanong ko sa kanya na nagpangisi naman sa kanya ng todo.

"Kung sabihin ko ba sayo na oo, maniniwala ka? At kung hindi, hindi?" Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Kaya sinubukan kong yugyugin yung lata na pinaglalagyan ng barya niya.

"Aba't kung kukunin mo nga ay ihahampas ko itong gitara sayo!" sabi niya na akmang ihahampas na ang gitara pero nakatutok ito sa ibang direksyon kung saan wala ako pero nakatinging naman yung mukha niya sa akin.

"Siguro hindi ka bulag no?" sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang pag-simangot niya. At pagkatapos nun ay kinuha niya ang lata na parang alam niya kung nasaan iyon kahit na inilipat ko naman talaga yun kanina. 

"Ano bang pinagsasabi mo ineng? Alis ka na nga diyan!" pagmamaangmangan niya pa.

Itinanggal ko naman yung shades niya at nakita kong napatingin siya sa akin. Sabi ko na nga ba at nag-papanggap lang si manong eh.

"Bat po kayo nagsisinungaling? Hindi naman po kayo bulag ah!" sabi ko sa kanya at inagaw naman niya kaagad sa akin yung shades na kinuha ko.

"Dahil dun lang mas lalaki yung kita ko pangtustos sa pangangailangan namin ng anak ko." sabi niya na nagpahinto sa akin.

"Bakit naman po?" tanong ko kay manong na tinutogtog nalang yung gitara niya at hindi na kumakanta sabay tingala sa mga dumadaan.

"Dahil dun lang sila magsisimulang magkaroon ng pake. Pag sa tingin nila wala kanang pag-asa, dun kalang nila tutulungan. Kagaya ko, nagpanggap akong bulag dahil kakaawaan nila ako at magbibigay sila sa akin ng pera. Dahil ganun ang tao, magkakaroon lang sila sa iyo ng pake kung nakikita nilang kawawa ka o ang mas masaklap kung talagang wala kana."

Ang mga sinabing yun ni manong ay parang tumatak sa akin. Mas magkakaroon lang sila ng paki-alam kung wala kana. Tama.. mukhang ganun nga ang mundo at ang tao.

The Suicide NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon